➳ nawalang "TAYO"

710 18 0
                                    

"I kept our connection secretly. We weren't official but we had a thing. My friends always tease us together but they didn't know our real score. I sometimes kid naman sa kanila na you're my guy, crush kita blah blah. I was kinda opened with my feelings for you.

My bestfriend didn't also know there's this thing called "us" and that was the biggest mistake I ever made. Sana pala sinabi ko nalang sa kanya eh di sana hindi ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko kayong dalawa. Hindi okay sa akin na nakikita ko kung gaano kayo kaclose na sa isa't isa ngayon. Dati kasi ako diba? Ako lang.

Didn't she feel that may something ako sayo? Diba bestfriend ko siya? Diba dapat kilala niya ako?

I felt betrayed. I felt cheated. My heart still bleeds pain. Bakit kasi sa lahat ng taong ipapalit mo sa kin bestfriend ko pa?"

Someone asked me to do an open poem for her situation right now. She told me everything and I invested her heart shattering experiences to make this.

To Z, you deserve all the happiness and love in this world. xx

To the guy who made me believe there was us..

Date Written: November 30, 2015

+++++

"Paanong sa lahat ng tao sa mundo, best friend ko pa?"

Sa lahat ng maari kong mahalin,
Bakit ikaw pa?
Sa lahat ng maaring magbigay buhay sa manhid kong puso,
bakit ikaw pa?
Sa lahat ng maaring bumihag nito,
bakit ikaw pa?
Sa lahat ng maaring dumurog at pumatay nito,
Bakit ikaw pa?

Bakit ikaw pa?
Bakit kasi naging ikaw pa?
Bakit kasi naging siya na at hindi na ako?
Bakit kasi nawala yung "tayo"?

Sinabi mong mahal mo ko.
Sinabi mong handa mong gawin lahat.
Sinabi mong maghihintay ka.
Ngunit hindi mo man lang sinabi na wala kang isang salita.

Paanong sa isang iglap naglaho lahat ng mga ipinangako mo?
Paanong ganoon kadali mo tinapon ang pagmamahal ko?
Paanong naiwan ako ng nagiisa at nagdudusa?
Paanong sa lahat ng tao sa mundo, best friend ko pa?

Kung papipilin ako, mas matimbang ang pagkakaibigan.
Best friend ko siya, eh ikaw, sandali ano nga ba kita?
Ano bang naging papel mo sakin?
Sino ka nga ba sa buhay ko?

Sinira mo lang naman yung depensang hinarang ko sa puso ko.
Depensang tinatag ko ng napakatagal na panahon,
Depensang unti unting natunaw dahil nagtiwala ako sayo.
Sinira mo, tinapakan mo, winarak mo lang.

Ipinaramdam mo yung pagmamahal mo,
Naramdaman kong ako lang.
Ipinaramdam mong totoo lahat,
Naniwala akong ako lang.

Naniwala kasi ako,
Naniwala ako sa iyo.
Bakit kasi hindi mo ako inabisuhan?
Inabisuhan na palabas lang lahat?

Hindi magagamot ng "sorry" mo itong sakit na nararamdan ko.
Hindi matatahi ng "sorry" mo itong sugat sa puso ko.
Hindi mabubura ng "sorry" mo ang mga masasalimuot na alaalang iniwan mo.
Hindi kailanman matatangal ng "sorry" mo itong pighating dinulot mo.

Bakit ako pa?
Bakit kasi naging ako pa?
Bakit kasi ako pa yung niloko mo?
Bakit kasi ako pa yung pinili mong saktan?

Ang daya mo.
Minahal kita ng puso't kaluluwa.
Ang daya daya mo.
Mahal pa rin kasi kita.

tainted linesWhere stories live. Discover now