181117 22:13
ilang gabi na ang nagdaan
simula ng aking balikan,
ang mga alaala ng ating pagmamahalan
na dati'y walang hanggan,
ngayo'y nagkaroon na ng hangganan.hindi mawari kung paano at bakit
hanggang ngayo'y hindi pa rin
nilulubayan ng sakit,
siguro dahil sa isipan ay yakap
ka pa rin ng mahigpit.ilang taon pa nga ba ang titiisin,
upang ikaw'y ulit na bumalik sa akin?
ilang luha pa ba ang sasayangin,
upang ang mga dasal ko'y dinggin?sapagkat tibok ng puso ko'y ikaw pa rin
ang nais na makamtan,
kahit paulit ulit nang nasaktan,
ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin
magpakailanpaman.ilang gabi na nga ang nagdaan
simula ng aking balikan,
ang mga alaala ng ating pagmamahalan
na dati'y walang hanggan,
ngayo'y mananatili na lang sa nakaraan.
YOU ARE READING
tainted lines
Poetrydive into the ocean of words and let the tides of nothingness take you to the deepest voids of poetry. are you ready to feel everything inbetween? ©JZA 2015 [this poem collection is composed of poems and prose in Filipino & English. all illust...