➳ sampaguita

193 6 0
                                    

190327 18:07

ang tulang ito ay inaalay
sa wagas na pagiibigan ni
Juanito Alfonso at Carmela Isabella
ng I Love You since 1892.


sinta, simula nang kulayan mo ang aking daigdig,nalaman ko kung ano ang tunay na pagibig

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


sinta, simula nang kulayan mo ang aking daigdig,
nalaman ko kung ano ang tunay na pagibig.
ngiti mo'y sa puso ko nagpakilig,
kaya wala ng ibang ninais kung hindi makulong sa iyong mga bisig.

ang mga mata mo'y puno ng lambing,
laman ka ng isipan kaya 'di mahimbing,
at sa gabi'y nagdadasal at humihiling,
na sa dulo ay ikaw ang kapiling.

ang puso ko'y sayo magpakailanman,
handang tahakin ang walang hanggan,
titiisin lahat hanggang ika'y muling mahagkan,
gaano man kalupit ang ating kapalaran.

kalaban man natin ang oras,
maligaw man tayo sa magkaibang landas,
kahit dumating man ang ating wakas,
ang pagibig ko sa iyo'y totoo at wagas.

hihintayin ang pagkakakataong muling maisusulat ang ating istorya,
ng walang halong takot at pangamba,
umaasang malaya na nating makakapiling ang isa't isa,
hanggang sa muli, sinta, sumpa kita.

tainted linesWhere stories live. Discover now