➳ lihim

952 22 1
                                    

Date Written: Dec 30, 2014

==================================================

"Dahil alam kong mas nararapat, na ibigin ka na lamang sa malayo ng lihim at tapat."

Dito sa mundong ating ginagalawan,
Hindi lahat nakakaalam,
Ng mga lihim na damdamin na gustong ipabatid,
Sa takot na kapahamakan nitong hatid.

Sa kaunting silay ako'y nakukuntento,
Kahit likod mo lang ang mahagip ito'y saktong sakto.
Kaya't kabog sa aking dibdib waring hindi mawaglit,
Pagkat nararamdaman para sa iyo'y walang kapalit.

Sinisikap kong huwag kang lapitan,
Kahit kaluluwa ko'y ikaw ang nais makamtan.
Dahil alam kong mas nararapat,
Na ibigin ka na lamang sa malayo ng lihim at tapat.

Kaya ako ngayo'y nagtatago sa likod ng mahikang binabalot,
Binabalot ng katahimikan at hilakbot.
Gusto ko mang kumawala ngunit wala akong magawa,
Makukuntento na lamang kahit puso ko'y kaawa awa.







tainted linesWhere stories live. Discover now