180429 14:39
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
bukas.
baka bukas
maging araw na ang gabi,
tama na ang mali,
pwede na ang hindi.
bukas.
baka bukas
ako na para sayo,
mahal mo na rin ako,
pwede na yung tayo.
bukas.
baka bukas
ako na yung araw,
at ikaw na yung mundo,
yung hindi mo kayang mabuhay ng wala ako.
bukas.
baka bukas
ako na yung hinahanap mong kasiyahan,
magsisilbing sandalan,
at mangangakong hindi ka iiwan.
bukas.
baka bukas
ako na yung inaasam mong pangarap,
handang makasama sa hirap,
sabay na maglalakbay sa alapaap.
bukas.
baka bukas
maabot ko na ang mga bituin,
upang matupad ang aking panalangin,
na sana'y huwag mo kong limutin.
bukas.
sana bukas
ako nalang,
tayo nalang,
ikaw at ako nalang.
YOU ARE READING
tainted lines
Poetrydive into the ocean of words and let the tides of nothingness take you to the deepest voids of poetry. are you ready to feel everything inbetween? ©JZA 2015 [this poem collection is composed of poems and prose in Filipino & English. all illust...
