160303 20:38
sa bawat pagdilat ng mga mata,
ikaw ang nais pagmasdan.
sa bawat pagtulog sa gabi,
ikaw ang nais makatabi.sa bawat paghinga,
ikaw ang nais makasama.
sa bawat kalungkutan,
ikaw ang nais na kanlungan.sa bawat pagbagsak at pagkatalo,
ikaw ang nais na sasalo.
sa pagtahak sa walang hanggan.
ikaw ang nais na sandigan.sa bawat matatamong tagumpay,
ikaw ang nais makasama habambuhay.
ngunit paano pa mangyayari ang mga ito,
kung ikaw'y lumayo at iniwan na ako?ngunit sandali,
wala nga palang tayo.
wala naman talagang tayo,
ilusyon ko lang naman ang mga ito.pero sa ilusyong 'to
kasiyahan ay ramdam ko.
dahil buti pa dito,
mayroong ikaw at ako.tanga, baliw, sira, bobo,
sige lahat ng mga 'yan sabihin niyo.
sige lahat ng mga 'yan ibitaw niyo.
sige lahat ng mga 'yan ulit ulitin niyo hanggang magsawa kayo.wala naman kasing mas
sasakit pa dito sa nararamdaman ko.
YOU ARE READING
tainted lines
Poetrydive into the ocean of words and let the tides of nothingness take you to the deepest voids of poetry. are you ready to feel everything inbetween? ©JZA 2015 [this poem collection is composed of poems and prose in Filipino & English. all illust...