Date Written: Mar 28, 2016; 23:38 pm
·°·°·°·°·°·
'"Mahal kita.."
Dalawang salita, para sana sayo ngunit ako na'y iniwan mo. 'Salamat sa mga masasayang alaala mahal,
Salamat sa pagpapasaya ng puso kong ligaw,
Salamat sa iyong pagpapahalaga,
Salamat sa ibinigay mong pagmamahal.Pagmamahal na hindi ko naipaglaban,
Pagmamahal na hindi ko napahalagahan,
Pagmamahal na aking nabitawan,
Pagmamahal na aking sinayang.Nasasaktan ako sa tuwing sumasagi sa aking isipan kung paano ko nabalewala lahat.
Inaamin ko mahal, ako ang may kasalanan.
Kasalan ko nang naging tanga ako at sinayang ko ang isang tulad mo,
Tulad mo na walang ibang ginawa kung hindi pasayahin ako.Siguro nga na labis kitang nasaktan,
Siguro nga upang iwan mo ko ng tuluyan.
Bakit hindi ka man lang nagiwan ng ni isang salita?
Bakit mo ako iniwan?Ganoon ka ba napagod sakin noon?
Ganoon ba kasakit ang nagawa ko sa iyo?
Ganoon ko ba nasira ang puso mo?
Dahil kung oo, ang lahat ng iyon ay nararamdaman ko na ngayon."Napagod na siya.."
Tatlong salita, paulit ulit na tinutugtog ng utak ko.
"Mahal kita.."
Dalawang salita, para sana sayo ngunit ako na'y iniwan mo.
YOU ARE READING
tainted lines
Poetrydive into the ocean of words and let the tides of nothingness take you to the deepest voids of poetry. are you ready to feel everything inbetween? ©JZA 2015 [this poem collection is composed of poems and prose in Filipino & English. all illust...