Chapter 7

61 3 0
                                    

Pauwi na ako ngayon. Pero dadaan muna ako sa locker ko para ibalik tong mga books ko.

Naglalakad lang ako papunta ng locker room pero may tumawag sakin mula sa likod.

"Soffia!" sigaw nya. Nilingon ko sya at nagulat ako nang makita ko sya.

"J-James? B-Bakit?" Sya si James. My boy best friend. Before. Umalis kasi sya. Without even informing me. Nalaman ko nalang na wala na sya nung sinabi sakin ni Lorena. Tapos lately, narinig ko nalang na dito din pala sya nag aaral. Hindi na kami nakapag usap. Ngayon nalang ulit.

"Fia,I wanna say sorry.." napayuko sya nang sabihin nya yun. Hindi ako makapagsalita. Nasasaktan ako. Hindi naman kayang mabalik ng isang sorry lang ang lahat. We are best friends. Bakit hindi man lang nya ako sinabihan na aalis sya diba?

"Im sorry kung hindi ako nakapagpaalam sayo. Natakot lang kasi ako." sabi nya habang nakayuko padin.

"James hindi lahat madadaan sa sorry..Kung hindi pa sasabihin sakin ni Ena hindi ko pa malalaman.." sabi ko sa kanya. Tumingala ako para pigilan ang pagtulo nang luhang namumuo sa mata ko.

"Natakot lang naman kasi ako. Hindi ko gustong umalis. Ayaw kong iwan kayo. Ayaw kong iwan ka. Fia, I like you. No, I love you. Kahit noon pa. I was the one who putted a letter on your locker. That letter with an I LOVE YOU written in it. Gusto ko na kahit dun man lang masabi ko sayo na mahal kita. Kaya lang ako umalis kasi ayaw kong masira yung friendship natin. Natakot ako na baka kapag nalaman mo na may gusto ako sayo layuan mo ako. Alam ko naman kasi na wala kang interes sa pag boboyfriend. Umalis ako para sana makalimutan lahat ng nararamdaman ko para sayo. Pero hindi.Hindi ko nagawa..Soffia ikaw padin pala.Soffia..Please give me another chance..Please.." Nagulat ako nang lumuhod sya sa harapan ko. Doon din tuluyang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman ko. Gusto nya ako noon pa. Mahal nya ako. Alam nya na wala akong interes sa pakikipagrelasyon kasi focus ako sa studies ko. Kaya pinili nyang layuan ako para mawala yung feelings nya para sakin.

"J-James..." nanginginig yung boses ko nang banggitin ko ang pangalan nya. Mali ako na husgahan sya. Naguguilty ako.

Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko at hinalikan yun. Patuloy na tumutulo ang mga luha namin. Sorry James. Sorry.

"James tumayo ka...Please stand up..." sabi ko sa kanya. Tumayo naman sya at pinahid ang mga luha nya. Binigyan nya ako ng isang pilit na ngiti bago muling magsalita.

"Ang Duwag ko kasi eh..Tapos eto ako ngayon.Naghahabol...Sana noon palang nagawa ko nang aminin sayo tong nararamdaman ko. Soffia..Hindi nako mag eexpect na mahalin mo din ako pero please. Payagan mo lang akong mahalin ka...'' Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa kanya. Nasasaktan ako dahil nakikita ko syang umiiyak nang dahil sakin.

"James Im sorry..." Niyakap ko sya. Hindi ko kaya na makita syang ganto nang dahil sa pagpipigil nya sa nararamdaman nya para sakin dahil ayaw ko pang makipag relasyon. Sobrang pagpaparaya yung ginawa nya. Hindi sya dapat nasasaktan nang ganito.

Kumalas kaming dalawa sa pagkakayakap. Pinahid nya ang mga luha ko at hinawakan ang pisngi ko.

"Naiintindihan kita Soffia. Hindi mo na kailangang magsorry.."

''Hindi ko maipapangakong kaya kong masuklian ang pagmamahal mo pero pwede naman tayong maging magkaibigan ulit diba?" Tumango lang sya nang nakatingin sa mga mata ko. Niyakap nya ulit ako nang mahigpit. Im sorry James. You dont deserve to be hurt like this.

Unknown's Pov

"James dapat ako nalang yung minahal mo. Hindi mo na sana kailangang masaktan..." Tumakbo na ako palayo sa lugar nayun at pinahid ang mga luhang tumulo mula sa mata ko.

Bakit ba kasi hindi nalang ako?









Itutuloy....

My Playboy Love (JKFanfiction Story) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon