Untold-Prologue

1.4K 17 1
                                    

Untold- Prologue

'Pagbukas ko pa lamang ng pinto ay tumambad na sa'kin ang isang patay na pusa.Masuka-suka ako dahil hati ang tiyan nito,nagkalat ang mga laman loob sa sahig.

Wala na'kong ginawa kundi ang sumuka nalang ng sumuka pagdating ko palang galing sa trabaho.Isinantabi ko muna ang pagkadiri ko,bakit may mangyayari ba kapag nag-artehan ako ngayon dito?.Wala.

Matapos kong malinis lahat ng nakakaduwal na parte ng pira-pirasong laman at balat ng pusa ay pumasok sa ako sa kwarto ko."Fuck!".Yun nalamang ang na-ibulalas ko matapos makita ang pader na sinadyang punuin ng sulat.Binasa ko pa ang katagang "Tell us your story"

My Untold Stories(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon