Untold#14-BALETE DRIVE

48 6 0
                                    

BALETE DRIVE[Edited]


       Si Susan ay isang maganda,matalino, at matagumpay na Account Executive sa isang
malaking advertising company saOrtigas.

 Bandang alas-nuwebe ng gabi, lulan ng kanyang magarang sasakyan, nagmamaneho si Susan sa kahabaan ng Gilmore Avenue. Katatapos pa lang niyang maisara ang isang mahalaga at malaking business deal.

        Patungo si Susan sa kanilang tanggapan sa may Ortigas Avenue. Gabi na, subali't kinakailangan niyang bumalik sa opisina. Sa kalayuan, namataan niya ang mabigat na traffic sa
intersection. Umiwas ang dalaga at kinabig ang manibela patungong Balete Drive. 

         Madilim ang kalsada at ang tanging liwanag ay nagmumula lamang sakanyang sasakyan. Ipinasya ni Susan na magmadali. Tinawagan niya sa cellphone angkanyang boss, "Sir, I'll be a bit late... Yeah, heavy traffic e... Yup, I got the contract... I'll be there in..."

Huli na nang mapansin ni Susan ang pagtawid ng isang batang babae'ng may dalang bilao sa
harap ng kanyang sasakyan.Nabundol niya ito at tumilapon.Huminto si Susan at lumabas ng sasakyan upang siyasatin ang bata. Hindi na kumikilos ang kawawang paslit. Nalito si Susan,
lalo pa nang makita niyang duguan ang ulo ng batang ngayo'y nakahandusay sa gilid ng daan.

Luminga-linga siya sa paligid. Napuna niyang walang tao. Samakatuwid, walang nakakita sa mga pangyayari.Nagmadaling bumalik sa kanyang sasakyan si Susan at mabilis siyang tumakas.

Sa kanyang pag-uwi ay balisang- balisa si Susan. Kaya minabuti niyang balikan ang Balete Drive.
Maghahatinggabi na nang siya'y huminto sa pinangyarihan ng sakuna. Lumabas siya ng sasakyan at nilapitan ang lugar na alam niyang kinalalagyan ng batang nabundol niya kanina.
Nagtaka siya dahil malinis ang kalsada na parang walang naganap na aksidente.

Sa pagtalikod ni Susan upang bumalik sa kanyang sasakyan ay biglang bumulaga sa kanyang harapan ang isang babaeng nakaputi. Mahaba ang buhok nito at tila maputla ang kutis ng mukha. Napasigaw si Susan athalos natabig ang bilaong dala-dala ng kaharap.

Nagsalita ang babeng nakaputi.Mababa at malamig ang boses nito at marahan ang pananalita.
"Ale, puto po. Pakyawin niyo na," wika ng kaharap, "Kanina pa pong umaga kami naglalako ng
anak ko." Kahit nagtataka si Susan sa biglaang paglitaw ng babae ay minabuti niyang kumilos nang di- kahina-hinala.
"A, e... s-s-sige. Papakyawin ko na. Oo, bibilhin ko lahat." nalilito niyang sagot.
Nakangiting tumitig kay Susan ang babaeng nakaputi,

   "Maraming salamat po, ale." "S-S-S-Sabi mo... kasama mo anganak mo? N-N-N-Nasaan siya?" kabadong tanong ni Susan. "Bigla na lang pong nawala. Dito po siya nagawi kaninang alas- nuwebe." malungkot na ungol ng babae.

              Kinilabutan ang dalaga at pinagpawisan sa gitna ng
kalamigan! Kailangang makaalis na siya.

"Ah... ano... sige! Ibalot mo nang lahat yung tinda mo," balisang sinabi ni Susan habang nagmamadaling dumukot ng pera sa kanyang bag. "Etong 500 pesos," abot niya sa kaharap,"Keep the change." Nang maibulsa ng babaeng nakaputi  ang salapi ay dahan-dahan nitong binuksan ang takip ng dalang bilao.Sa liwanag ng kanyang sasakyan

sa gitna ng Balete Drive ay lumantad kay Susan ang kahindik- hindik na katotohanan! At ang
nakabibinging karimlan ay binasag ng isang malagim na pagtili ng dalaga!
Hindi puto...
Hindi puto ang laman ng bilao
kundi...lamang loob.. 

Wakas..

Author's Note: Natatawa ako noong ine-edit ko'to kasi 'yung ending talaga ang binago ko kasi hindi talaga "lamang loob "yun' kundi bibingka.Haha peace tayo guys :)




My Untold Stories(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon