Mayaman sa kuwentong kababalaghan ang mga Pinoy. Maraming istorya ang bumabalot sa iba't ibang uri ng mga nilalang na tunay namang magpapataas ng iyong balahibo.Kinalakihan ko na ang ganitong mga kuwento kaya naman may namumuong takot sa akin kapag ako ay nag-iisa sa madilim na lugar.
Manananggal
Kapag manananggal na ang pinag-uusapan, agad sumasagi sa isipan ko ang pangatlong istorya sa Shake, Rattle & Roll noong 1984. Pinamagatan itong "Manananggal" na idinerek ni Peque Gallaga . Kuhang-kuha ng pelikulang ito ang mga katangian na nasaliksik ko tungkol sa isang manananggal. Si ay pumapapel bilang isang magandang babae na nakatira sa liblib na parte ng gubat. Di siya mahilig makihalubilo sa ibang tao. Nabighani sa kanya ang isang lalaking taga-barrio.[Herbert Bautista]
Di naglaon nalaman ng lalaki ang sikreto ng magandang dilag isang gabing kabilugan ng buwan. Nakita niyang lumabas ng bahay ang dilag at may ipinahid na langis sa bandang tiyan. Kitang-kita niyang lumabas ang pakpak sa likod ng babae at unti-unting nahati ang katawan nito sa dalawa. Lumipad ang kalahating katawan sa himpapawid at naiwan sa lupa ang kalahating katawan. Nang nilapitan ng lalaki ito, naamoy niya ang masangsang na bituka na nakalitaw. Binudburan niya ng asin ang bituka at namilipit ang kalahating katawan sa sakit. Hudyat ito ng pagkamatay ng kalahating katawan ng mananaggal. Nagalit ang manananggal ng nalaman niya ang kinahantungan ng kanyang iniwang katawan. Inatake ng manananggal ang lalaki at kanyang pamilya sa kanilang tirahan. Upang protektahan ang kanilang mga sarili, pinaghahampas nila ito ng palaspas na may bendisyon. Nang sumikat ang araw, namatay ang manananggal at natapos ang kanilang kalbaryo.
Ang manananggal daw ay mahilig lumipad sa gabi at dumapo sa bubong ng mga kabahayan upang maghanap ng butas kung saan maaari niyang isilid ang manipis at napakahabang dila sa paghahanap ng mabibiktima. Ang dila ang nagigiging instrumento ng manananggal sa paghigop ng dugo ng tao o di kaya ng sanggol sa sinapupunan ng isang nagdadalang-tao. Ito ay ikinamamatay ng biktima. Ayon naman sa ibang kuwento, maaari ding sundan ng manananggal ang biktima at kapag nahuling nag-iisa ay kanyang kakainin ang puso at iba pang mga laman loob nito.
Meron akong kakilala na pinagsabihan ng isang albularyo na maglagay ng asin, abo, at dinikdik na bawang sa tela at isabit sa bintana ng silid upang itaboy ang manananggal. Kasalukuyang buntis ang kanyang asawa noon. Tutal wala naman daw mawawala sa kanila, ginawa nila ang pinag-bilin ng albularyo.
ASWANG
Matagal ng usap-usapan na ang mga aswang ay angmula sa probinsya ng Capiz,Ilo-ilo,at Antique . Ang aswang daw sa umaga ay mukhang ordinaryong tao ngunit pagsapit ng gabi, ito ay nagiging halimaw na kumakain ng lamang-loob ng tao, lalo na ng atay. Tulad ng manananggal, ang aswang ay may mahaba at malasinulid na dila na isinisilid nito sa butas ng bubong upang mahigop ang sanggol sa sinapupunan ng isang buntis.
Paborito daw ng aswang ang mga buntis. Maaring magbalatkayo ang aswang bilang isang hayop tulad ng, ibon ,paniki,pusa,baboy o,aso.
Sabi ng aming kasambahay na taga-Capiz, ang aswang daw ay may alagang ibon. Ang tawag daw dito aytiktik o wakwak. Pag malapit daw ang tunog ng tiktik o wakwak, ibig sabihin malayo ang aswang. Pero mag malayo ang tunog ng mga ito, marahil nasa malapit lang ang aswang. Ito daw ang paraan ng aswang para malito ang mga tao.
Nung ako ay buntis, nakarinig daw ang yaya ko ng tiktik na dumaan sa tapat ng bahay namin pero wala naman akong narinig. Pero natakot ako at di halos nakatulog. Awa naman ng Diyos, wala akong nakita o naramdamang di karaniwan noong gabing yun. Minsan talaga, ang takot ang nagpapalala ng sitwasyon.
BINABASA MO ANG
My Untold Stories(Completed)
Mistério / SuspenseMai-ikling istorya na pinagsama-sama upang makapagbigay aliw sa mga mambabasa.Ang mga istoryang nakapaloob sa kwentong ito ay pawang likha ng malikot ng isip na magbubukas ng isip niyo mula sa mundo ng kababalaghan..