Untold#10-Radio Station

88 6 0
                                    

Radio Station

                        "Good morning! Ako nga pala si Mary Rose Madasig at isang malaking karangalan sa akin ang mapabilalang sa mga writer ng DZMT radio station,makakaasa po kayo na ibibigay ko ang aking buong panahon at talento para mas mapaunlad pa ang estasyon na ito."

"Maraming salamat Mary Rose, at umaasa kaming maging maganda ang pagsasama natin ditto! Guys, since na baguhan itong si Mary Rose pakialalayan lang siya, you may now go to your assigned seat!" ani ng manager ng estasyon na si Ms.Gallardo sa kanyang mga emplyado.

Pagkatapos ng meeting ay bumaba na sa ground floor ang mga emplyado ng istasyon, maliban kay Mary Rose na nanatili sa 2nd floor habang tinitingnang mabuti ang bawat sulok ng istasyon.

Unang araw niya kasi ito sa trabaho matapos niyang maipasa ang exams at interview.

Malawak ang DZMT, mayroon itong dalawang palapag ang 2nd floor kung saan naroon ang managers office, ang kanilang conference room, gayundin ang drama room. Isa kasing AM station ang DZMT kung saan ang kanilang mga programa ay nahahati sa drama at public affairs, habang nasa ground floor naman ng istasyon ang kanilang technical department, kasama ang anchors' booth, kung saan nagsasalita ang mga anchors o announcers, at ang technical booth kung saan naroon ang mga technician habang minomonitor ang mga equipments ng station.

Bukod sa mga ito nasa groundfloor din ang newsroom ng istasyon .

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Mary Rose sa araw na iyon, matapos ifamiliarize ang kabuuan ng estasyon ay tinungo niya na ang newsroom kung saan siya magsusulat ng mga balita bilang isang news writer.

"Mary Rose, halika, tignan mo itong ginagawa ko," ani ni Orkids isa sa mga news writer na makakasama niya sa istasyon.

Agad naman siyang lumapit sa tabi ni Orkids at tinitignan ang ginagawa nito sa computer.

"Naku mukhang kaya ko naman!" ani Mary Rose.

"Mabuti naman kung ganoon, mas maganda kung madali kang matuto, kasi dito sa estasyon tig-iisang news writer lang ang nakaduty."

"Anong ibig mong sabihin,?" tila naguguluhang tanong ni Mary Rose

"Ganito kasi iyon, dito sa Dzmt kahit naka off air na tayo ay nakaduty pa rin ang newswritter,meaning tayo lang ang matitira ditto sa estayon."

"Ano daw?, hindi ko pa rin naiintindihan!"

"Ganito yon Mary Rose, halimbawa ako ang duty ko, 8:00am -500 pm, pagdating ng 5pm uuwi na ako iisa naman ang papalapit sa akin .duty niya 5:00 pm hanggang 11pm, hahalili na naman sa kanya ang isa pang newswritter ng 11pm-hanggang 6:00am."mahabang paliwanag ni Orkids

"Naku!,ibig sabihin kahit hatinggabi na tanging newswriter lang ang nandito?"

"Tumpak Mary Rose!"

Malapit ng mag-out si Orkids, mag aalas singko na kasi ng hapon, marami-rami na rin siyang natutunan sa trabaho ng isang newswritter at dahil isang masscomm student si Mary Rose, sisiw sa kanya ang paggawa ng mga balita.

"Hmm,....mukhang nararamdaman kong ito na ang magiging first and last station kong mapapasukan",bulong ni Mary Rose sa sarili dahil sa labis niyang nagustuhan ang estasyon at ang kanyang trabaho.
"Naku Mary Rose, mukhang mapapasubo ka yata ngayon", ani Orkids

"Anong ibig mong sabihin ?"

"Ano kasi Mary Rose eh , Si Jun, yung hahalili sa akin, nagtext, hindi daw muna siya makakapasok ngayon, hahabol na lang daw siya mamayang 11pm" paliwanag ni orkids

Tila naiintindihan naman ni Mary Rose ang nais na ipahiwatig ng kasamahan kaya nagmagandang loob na lang siya at nag-alok na siya na muna ang magduduty.

"Naku fren, maraming salamat talaga ha,you know what, I'm sure matutuwa ang manager natin sa kasipagan mo."

Tumawa nalang si Mary Rose sa tinuran ng kasamahan.

Matapos turuan ni Mary Rose si Orkids ng mga dapat gawin ay umalis na rin ito.

Mag-isa na ngayon si Mary Rose sa loob ng newsroom habang nasa harapan ng computer at gumagawa ng balita.

Mag-aalas siyete na ng gabi nang makaramdaman siya ng gutom, kaya saglit muna niyang inihinto ang kanyang trabaho at lumabas ng estasyon.

Nasa Centro ng Cebu City ang kanilang estasyon kaya maraming mga kainan ang nakapaligid dito.
Natanaw niya ang karenderia,sa tapat ng estasyon at doon siya nagtungo.

Umorder siya ng isang kanin at isang paksiw sa tindera.

"Bago ka ba diyan?", tanong ng tinderang nagserved ng kanyang order.

"Oo", ang matipid na sagot ni Mary Rose

"Ano ang trabaho mo diyan?"

"News writer", muling sagot ni mary Rose

"Ah,"patango-tangong wika ng tindera.

Tila nahihiwagaan si Mary Rose sa reaksyon ng tinderang kausap niya, ngunit binaliwala niya lang ito.
Pagkatapos kumain ay muli siyang bumalik sa newsroom, upang ipagpatuloy ang trabaho..

Hanggang 10:30 pm lang ang DZMT at mag-sisign off na ito at pagkatapos noon mag-uuwian na ang mga anchors maging ang technician, at maiiwan na siyang mag-isa.

Soundproof ang isang radio station kaya anumang ingay sa labas ay hindi ito naririnig sa loob, kaya noong magpaalam ang mga bagong kasamahan ni Mary Rose na umuwi ay wala ng ibang naririnig sa estasyon kundi ang tunog ng keyboard sa computer na ginagamit niya.

Maya maya pa, naiihi siya kaya tinungo niya ang CR na sa dulong bahagi pa katabi ng technical department.
Habang nilalakad ang aisle ay tila unti-unti naming lumamig ang hangin , sa wari niya ay may mga matang nagmamasid sa kanyang mga hakbang.

Binilisan niya ang paglalakad upang maabot ang Cr.

"Ano ba naman itong ilaw sa CR na ito, patay sindi.!Di bali na, "bulong ni Mary Rose sa sarili.

Pagkatapos ay mabilis niyang tinungo ang newsroom, ngunit bago paman niya ito narating ay nakarinig siya ng ingay mula sa 2nd floor ng estasyon kaya mabilis siyang umakyat sa hagdanan upang tignan kung saan nagmumula ang ingay na kanyang naririnig.

"Hay naku, baka guni-guni ko lang iyon, wala namang tao", usal niya sa sarili.

Akmang bababa na siya sa hagdan ng makarinig siya ng isang napakalakas na tawa.

"wahahhaha...hhahahha"

Palinga-linga siya sa paligid ngunit wala siyang makitang tao, palakas na palakas ang halakhak.
"wahahhahahah...hhahahahahha...."

Napasigaw siya sa takot habang kumaripas ng takbo papuntang first floor.

Nasa first floor siya ngunit biglang nagdilim ang buong kapaligiran,

"Tulong-tulongan niyo ako,,...!"

Mabilis niyang tinungo ang pintuan palabas ng estasyon at dahil bukas ang karenderyang pinagkainan niya kanina ay doon siya tumakbo.

"Tubig-tubig,pahingi pong tubig!" ang wika niya habang naghahabol ng hininga.
Agad naman siyang binigyan ng tubig ng tinderang kausap niya kanina.

Ng mahimasmasan ay ikinuwento niya sa tindera ang kanyang naranasan sa loob ng estasyon, ngunit tila hindi na ito nagtataka.

"Naku miss, hindi ikaw ang kauna-unahang emplyado ng estasyon na iyan ang may ganyang kwento.!"
"Anong ibig mong sabihin?"takang tanong ni Mary Rose.

Sa pakikipagkwentuhan niya sa tindera, napag-alamn niyang mayroon palang isang newswriter sa estasyong iyon ang nagpakamatay matapos mapatalsik sa estasyon matapos mahuling nakipagtalik sa loob ng radio station.

At hindi matahimik ang kaluluwa niya.

Kinabukasan agad na ipinasa ni Mary Rose ang kanyang resignation letter kay Ms.Gallardo.

Bagay na hindi na rin ipinagtaka ng manager ng estasyon  ...

Wakas...

Credit to: Meriam Gumanid  



My Untold Stories(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon