"Ang Kapre Na Kapitbahay ni Andre"
KRIKKK! KRIKKK! TA-DAG! TA-DAG! TA-DAG! Isang higanteng hakbang... nakakatakot... nakakapangilabot at nakakatindig balahibo! At sinasabayan ng alulong ng aso na nakaharap sa bilog na buwan! AWOOOOO! AWOOOOO! AWOOOOO! Isang malakas na sigaw sa takot ang pumaibabaw na nagpapagimbal ng mga tao sa loob ng mala-palasyong tahanan ni Andre pitong taong gulang at isang anak-mayaman.
"Huwaaaggg! Maawa po kayo sa amin! Huwaaaggg!!!" ang sigaw ng natatakot na batang si Andre.
Tok tok tok! Isang napakalakas na katok ang ginawa ni Yaya Mila para magising ang alagang si Andre. Pero hindi pa rin magising ang bata, maya-maya ay dumating si Sophia ang mommy ni Andre na galing pa sa third floor, dahil nasa second floor ang kuwarto ni Andre at kasama niya ang medyo may dinaramdam na si Alfie ang bunsong kapatid na babae ni Andre. Dala ni Sofia ang susi sa kuwarto ng anak kaya malaya itong nakapasok sa loob. Tumambad sa kanilang harapan ang patuloy pa rin sa pagsigaw na animo'y nakakita ng masamang espiritu si Andre.
"Andre! Andre! Andre! Gising! Gising! Gising Andre! Nanaginip ka na naman!" Pero ayaw pa itong magising kung kaya sinampal ito ng malakas na malakas ng mommy Sofia niya. Nagising si Andre at di maiiwasan nito ng mapahagulgol dahil sa mga napanaginipan niya.
"Hu hu hu! Mommy I'm scared! I'm scared mom! Uwi na po tayo sa Manila! Please mommy! Hu hu hu!" walang patid ang pag-iyak ni Andre.
"Ssshh! Tahan na...Tahan na, okay? Sige, para mawala yung takot mo ay doon ka na lang matulog sa kwarto namin ng daddy mo, okay?" Ayaw pa rin ni Andre kaya gumawa ng paraan ang ina. "Okey, okey...let's talk about this with your Dad tomorrow, okay? Andre, promise mo kay mommy na huwag mo ng iisipin yung mga napapanaginipan mo, pwede?" mahinahong sabi ng ina pero parang walang narinig ang bata at bigla na lang hinarap ang ina.
"He want to kill us mom!? We all die here!?" ani Andre na nagpapangilabot din ng kaisa-isa nilang katiwala na si Yaya Mila.
"Diyos ko! Andre, totoo ba yang mga pinagsasabi mo? Ma'am Sofie, baka totoo naman ang sinasabi ng bata? Andre ano bang nakita mo, anong hitsura?" alalang tanong ni Aling Mila.
"Very scary face po Yaya! Sa takot ko po napapikit na lang po ako at sumigaw. Dito siya nakatira sa house natin. Papatayin niya tayong lahat! Papatayin tayong lahat!" ani Andre na parang nagpapanic. Dahil sa inis ni Sofia ay nasigawan ang anak.
"Shut up! Shut up Andre! Walang katuturan yang mga sinasabi mo! Sa panahon ngayon, wala ng monster o mga aswang kaya pwede ba, inaantok na ako, tara na sa kwarto ng makatulog na tayo dahil maysakit pa itong kapatid mo!" ani Sofia na medyo napataas ang boses na siyang 'di pag-imik ni Andre at napatingin na lang ito sa ina na mukhang galit na galit na.
Nasa kwarto na ng mommy niya si Andre pero 'di pa rin ito dalawin ng antok. Hindi pa rin makalimutan ang nakita niya kani-kanina lang. Napatingin na lang siya sa kisame habang minumuni-muni ang lahat.
"I'm not stupid nor an idiot! Pero alam kong totoo yung mga nakikita ko kanina? Hindi ako nanaginip? Haayyy!" sambit ni Andre sa sarili nang 'di niya maiwasang maalala ang naganap kanina lang habang nasa kwarto siya.
Kumukurap-kurap si Andre at inaaninag ang napakalaking anino sa tapat ng bintana niya malapit sa napakalaking puno ng balete na halos nakadikit na sa mansion nila. Dahan-dahang binuksan ni Andre ang medyo may kaliitan na bintana nang bigla na lang salubungin siya ng tila napakalaking dambuhalang akala niya'y isang monster at nakahanda na upang siya'y lapain! Sa takot ni Andre ay agad niyang isinara ang bintana at sigaw na lang ng sigaw.
BINABASA MO ANG
My Untold Stories(Completed)
Misterio / SuspensoMai-ikling istorya na pinagsama-sama upang makapagbigay aliw sa mga mambabasa.Ang mga istoryang nakapaloob sa kwentong ito ay pawang likha ng malikot ng isip na magbubukas ng isip niyo mula sa mundo ng kababalaghan..