Bahay na Pula [Edited Version]
NAKABIBIGHANI kung matamang pagmamasdan ang Bahay na Pula na niluma ng panahon sa samu't-sari nitong karanasan sa kababaglahan at misteryo na pilit na inaarok ng ating mga isipang may hangganan...
Malalim ang pangakong magiging panimula ng kwento ng Bahay na Pula ......ilang dekada na rin ang lumipas ngunit patuloy na inaalam ng mga mahihilig sa hiwaga, ang tunay na nasa likod ng kontrobersyal na bahay. Kulay PULA umano ang paboritong kulay ng may-ari ng naturang bahay na nasasakop ng bayang San Ildefonso, Bulacan. Madugo at punong-puno ng mga matatapang pakikibaka ang simbolismo sa iba ng kulay pula, subalit ito naman ay kasayahan at kulay ng pag-ibig sa paniwala ng ilan. Nakamatayan ng may-ari ng bahay na si G. Ramon Ilusorio ang istorya ng katatakutan na nagpasalin-salin sa iba't-ibang panahon hanggang sa mabalitaan na lang natin ang tungkol dito at ang aming mapangahas na paglalakbay ang nagtulak sa amin upang tuklasin ang hindi pa natitiyak... Tanyag ang mapusturang bahay sa pagiging antigo nito na sinasalimbayan ng mga haplos ng hangin na nakatitindig ng balahibo, aywan raw ang isasagot sa pagiging awtentikado ng ganoong mga kwentuhan.
Buhat sa trabaho ay hindi sinasadyang nadaanan namin ang Bahay na Pula na noon lang nasilayan ng aking mga mata, walang pagtindig ng balahibo ang dumapo sa akin, marahil ay dahil na rin sa hindi bagong bagay sa akin ang mga kuwento tungkol sa isang haunted house.
Nagpasintabi kami bago namin tuluyang pinasok ang bungad ng harapang pinto ng bahay, sumalubong sa amin ang nakaupo sa marungis na upuan na ubaning matandang babae na siyang nagmana ng Bahay na Pula mula sa nagmamay-ari nito. Nagsimula kaming magsiyasat hinggil sa antigong bahay...alumpihit sa pagsagot ang matanda, pigil at maiksi ang kanyang mga tugon, madalas ay paiwas ang kanyang mga titig at pagbitiw ng mga kataga... Sa sunod-sunod naming pagtatanong, lumantad ang katotohanang marami na ang nagparoo't-parito upang gawan ng istorya ang Bahay na Pula at isang bagay ang kanilang pagkakatulad...lahat sila'y nagbigay ng salapi katumbas ng mga nalalamang kababalaghan ng matanda.
Bumulaga sa amin ang hindi inaasahang misteryo ng lumang bahay na inagiw at kinupasan ng pintura...matagal nang hindi nababayaran ang amilyar sa munisipyo ng Bahay na Pula at ang hiwaga nito na lamang ang bumubuhay sa mga naninirahan dito...
"Gusto n'yo ng kwento? Bayaran n'yo muna ko, lahat ng nagpapakwento sa akin, binabayaran ako..." ang pasungit na sabi ng matanda. "Lola, pare-pareho ho tayong dukha, public service lang ang maibibigay namin sa inyo..." ang nakangiti ngunit medyo inis kong sagot.
Maya-maya pa'y umalingasaw ang napakasang-sang na amo'y mulas sa isang silid,kasabay nito ang pagkawala ng matanda sa kanilang harapan..
Nagkalat ang pulang pintura na naglalakbay patungo sa aming kinaroroonan.Nagulantang kami ng unti-unting naglalakbay ang pinturang tila dugo dahil sa pagka-pula nito.Napasigaw nalang ang kasama ko at nagtatakbo palabas ng mansyon.Kasabay ng kanilang pagtakbo ang pagbuhos ng napakalakas na ulan na sinamahan pa ng napakalakas na kulog at kidlat..Ganun na lamang 'din ang aking pagkagulat ng magsara ang mga bintana at ang lumang pinto..
Kasabay din nito ang pagdanak ng dugo na nanggagaling mula sa duguang katawan ni Bea ang aking kasama.Ako namay tila napipi sa aking mga nasaksihan.."Sanay hindi na lamang namin inalam ang misteryo ng bahay na pulang ito." Sabi ko sa aking isip..
Dumilim ang paligid at isnag napakalakas na sigaw ang kumawala at siyang nagbigay sa akin ng napakatinding kaba at takot..
"Ang sino mang taong nagpupunta rito ng walang dalang salapi ay tiyak na mamatay...AT KAMATAYAN ANG NABABAGAY SA MGA KATULAD NIYO!!
Nangilabot ang aking katawan at unti-unting nawala ang aking ulirat at tila wala ng hangin ang gusto pa ang dumaloy sa aking katawan..
Naglaho ang lahat ng panaghoy ng mga hindi matahimik na kaluluwa at ang lamig ng haplos ng hangin na nagbabadya ng pagkasindak ay napalitan ng pagkaunsyami at pagkaunawa sa misteryo ng kupas na pintura ng bahay na pula...
Kasabay ng paglangib ng pulang pintura ng lumang bahay na yaon, sa pagdaan ng panahon, lumipas na rin ang kasiglahang angkin nito na nagkakasya na lamang sa pagbabalik tanaw sa alaala ng kabutihang loob... na niluma ng paghahangad sa salapi.
Wakas....
BINABASA MO ANG
My Untold Stories(Completed)
Mystery / ThrillerMai-ikling istorya na pinagsama-sama upang makapagbigay aliw sa mga mambabasa.Ang mga istoryang nakapaloob sa kwentong ito ay pawang likha ng malikot ng isip na magbubukas ng isip niyo mula sa mundo ng kababalaghan..