"Nurse in 60s"
Nagtatrabaho si Abby Reyes bilang isang nurse sa isang lumang pampublikong hospital ng Davao City. Sa medical ward siya naka toka. Mag dadalawang buwan palang siya dito, maswerte na nga siya dahil binigyan siya ng job order ng kanilang mayor sa probinsiya nila para makapagtrabaho sa hospital na iyon. Ang ibang kaibigan niya kung hindi tambay, ay may ibang trabaho na hindi naman related sa natapos nilang kurso. Bukod sa marami siyang trabaho ay maliit pa ang sahod niya dito, ganun talaga 'pag hindi regular.
Ganunpaman, mahal niya ang trabaho at masaya siya dito. Kaya nga kinulit nya ang ama niya na bigyan siya ng trabaho as job order nurse, ito ang kumausap ng mayor nila sa lugar nila na sana bigyan ng trabaho ang anak nito kahit panandalian lang. Personal body guard kasi ng ama ni Abby ang mayor nila. Agad namang pumayag ang butihing alkalde at doon siya nilagay sa isang pampublikong hospital ng Davao City.
Simula ng nagtrabaho siya sa hospital na iyon ay usap-usapan na sa mga trabahador doon na maraming nagmumulto at nagpaparamdam daw doon. Walang daw'ng pinipili ang pinagparamdaman ng hospital na iyon, mapa doctor, nurse, orderly, janitors at kahit paman mga pasyente. Naroon daw'ng isang gabi, on duty ang kasamahan nilang nurse na si Janice, nang mag prepare ito ng gamot, dalawang vials daw ang binuksan niya nang nalingat lang daw siya sandali nawala na ang isang vial.
Wala naman daw siyang kasama ng nangyari iyon, nag-iisa lang daw siya sa nurse station. Kwento rin ng isang nursing aide, nang minsan nag C.R. lang daw siya at pagkatapos hindi na niya mabuksan ang pinto para lumabas, kaya pawis na pawis ito sa kakasigaw sa loob ng C.R. buti nalang nadaanan daw ito ng janitor at binuksan ang pintoan ng C.R. nang narinig na may sumisigaw.
Nanginginig pa ito sa takot paglabas nito. Kaulaunan, ay parang normal na lang daw sa kanila ang mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa hospital na 'yon. Hindi importante sa kanila 'yon, ang importante makapagtrabaho sila at matutustusan ang kani-kanilang pamilya.
Simula ng pumasok si Abby sa hospital na iyon ay wala naman siyang nararamdamang kakaiba, kahit minsan nag-iisa siyang naka night shift. Para sa kanya mga kathang-isip lang ang mga kwento doon tungkol sa mga multo, baka sa sobrang busy lang ni Janice ay isa lang pala ang nabuksang vial nito.
At ang nursing aide nila baka sadyang sira lang talaga ang pintoan ng C.R. na iyon. Hindi naniniwala si Abby sa mga ganun, kasi for her to see is to believe.
Isa sa mga inaalagaan ni Abby ay si Aleng Nena na nasa room 301, kakadala lang nito sa hospital kahapon, watcher nito ang nakababatang anak. Maputla at matamlay si Aleng Nena, dahil na rin siguro sa dinaramdam nito. Simula kahapon nang dumating si Aleng Nena ay hindi pa ito binisita ng doctor, mamayang gabi pa daw bibisita ang doctor. 'Nung gabing iyon ay si Abby ang naka duty, mapupuyat na naman siya nito sa kakabantay ng mga pasyente pero buti nalang may kasama nya si Andrew, dalawa silang naka night shift ng gabing iyon. Alas onse ng gabi, eksaktong katatapos lang ng endorsement nila ay dumating ang doctor at simula na itong gumawa ng order para kay Aleng Nena.
Binasa ni Abby ang order ng doctor para kay Aleng Nena at nag carried out siya. "For CBC (Complete Blood Count) as requested", order iyon ng doctor para kay Aleng Nena at sinulat ni Abby sa isang papel, kasama pa ang ibang impormasyon ni Aleng Nena at agad dinala sa laboratoryo para makunan na agad ng dugo ang pasyente. Nagising si Aleng Nena nang may yumuyogyog sa kanya, babaeng nakaputi, mahaba ang damit hanggang paanan ito at mahaba ang manggas ng damit, maayos ang buhok nito at nakasuot ng nursing cap..
May dala itong syringe, for 5ml syringe. Parang wirdo ang ayos ng nurse, na mukhang sinaunang nurse, parang nag tatrabaho ito nung '60s pa, pero hindi nalang ito pinansin ni Aleng Nina. "Ano po pangalan niyo?", tanong ng werdong nurse, sa malamig na boses sabay sa paghampas ng malamig na hangin sa mga bintana doon, tulog na ang lahat pati na rin ang anak ni Aleng Nena na siyang watcher nito. Kinalibutan si Aleng Nena, pilit nilalabanan ang takot ng mga oras na 'yon sabay sagot, "Nena Cruz ma'am".
Nang ma confirm ang pangalan ay wala itong sabi-sabing pumuwesto sa harapan ni Aleng Nena at hinawakan ang braso nito sa may bandang antecubetal part ng kamay at simulang tinusok ang needle ng syringe sa ugat ni Aleng Nena. Napapapikit na lamang si Aleng Nena ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung saan siya natakot, sa nurse na wirdo o sa karayom na tinusok nito sa kanya. Pag dilat ng mata niya, wala na ang nurse pero ang iniwan nitong dulot ng pagkatusok ng karayom ng syringe ay nandun pa rin, mahapdi at nakakangalay sa pakiramdam at may natira pang konting dugo.
Samantala, sa Nurse station nina Abby, pumunta ang Medtech na si Ashley ito ang kukuha ng dugo ni Aleng Nena for CBC. Nagpapasama ito kay Abby dahil hindi pa nito kabisado ang pasyente.. Mas mainam ng magpasama para si Abby na ang mag confirm na ito nga si Aleng Nena.
Habang naglalakad sila sa hallway, nasalubong nila ang isang babae, nakaputi at halatang sinaunang nurse dahil na rin sa suot nito. At may bitbit itong syringe na may lamang dugo. Parang kinalibotan si Abby sa nakita. Pero sa pagtataka niya parang walang reaksiyon ang kasama niyang si Ashley, patuloy lang ito sa paglalakad habang ito ay pakanta-kanta pa. "Wait!", sabi ni Abby sabay tapik sa balikat nito. "Huh?", napamaang ito na humarap sa kanya. "Nakita mo ba 'yong nurse na nakasalubong natin? Parang kakaiba kasi siya eh, kilala mo ba 'yon?, tanong ni Abby. "Sinong nurse? Wla naman tayong nakasalubong ah, tayo lang ang naglalakad dito", kunot-noong sagot ni Ashley.
Nagpatuloy na lang si Abby sa paglalakad nya, hindi na nito pinilit si Ashley na may nakita talaga siyang nurse, na nasalubong nila, baka sabihin nito praning siya. Pero talagang hindi siya nanaginip eh, pilit man niyang iwaksi sa isipan niya 'yon, talagang nakasalubong nila ang nurse na nakasinaunang outfit ng uniporme ng isang nurse.
Sino ba namanng nurse ang magsusuot ng ganun sa mga panahong ito? Moderno na ngayon ang mga nurse, ni hindi na nga nag ka cap ang mga ito. Natakot at nanindig ang balahibo niya pero pilit niya itong nilabanan. Nang nakaharap na nila si Aleng Nena, aktong kukunan na sana ni Ashley ng dugo si Aleng Nena, pero agad sinabi nito na katatapos lang nitong kunan ng dugo ng isang nurse na tila sinaunang nurse ang outfit . Nang tingnan ng dalawa ang braso ni Aling Nena, sa may antecubetal part banda, nagitla ang dalawa dahil may bahid nga ng tusok ng needle sa bandang iyon.
Nagulat rin si Ashley kasi walang ibang pwedeng gagawa ng procedure na iyon kundi siya lamang, isang Medtech. Napamaang si Abby sa mga pangyayaring iyon at agad niyang tinanong si Aling Nena kong ano ang eksaktong diskripsyon ng naturang nurse na gumawa ng procedure.
"Nakasuot po siya ng puting damit, mahaba ito hanggang paanan, mataas ang manggas,nakaayos ang buhok nito at naka nursing cap", anito sa nangiginig na boses. Doon napagtanto ni Abby na 'yong nurse na nakasalubong nila ngayon at 'yong nurse na kumuha ng dugo kay Aleng Nena ay iisa lang..
Kinalibutan si Abby sa kanyang naisip. Siguro nga 'yong nurse na iyon ay dito rin nag tatrabaho noong kapanahunan pa nito. Ngayon, naniniwala na siya, ngayong siya na mismo ang nakakita sa naturang sinaunang nurse na nagmumulto rin sa room 301. Samantala, kinunan ulit si Aleng Nena ng dugo sa kabilang braso kasi wala talagang makitang resulta sa labs nito.
WAKAS...
Author' Note: Continue Reading Guys :) Sa mgas susunod na istorya magugustuhan niyo 'rin tiyak 'yun..Haha ..Vote and Comment Anytime..
BINABASA MO ANG
My Untold Stories(Completed)
Mystery / ThrillerMai-ikling istorya na pinagsama-sama upang makapagbigay aliw sa mga mambabasa.Ang mga istoryang nakapaloob sa kwentong ito ay pawang likha ng malikot ng isip na magbubukas ng isip niyo mula sa mundo ng kababalaghan..