Untold#13-Elevator

68 6 0
                                    

Elevator[Un-edited]


                        Mabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad ako papuntang elevator ng ospital na 'to. Hindi ko alam kung dahil sa yosi na katatapos ko lang ubusin o dahil sa kaba kaya parang sumisikip ang didib ko at hinabahabol ko ang aking paghinga.

        Maraming kwento ng kababalaghan akong naririnig tungkol sa ospital na ito. Tungkol sa mga pasyenteng walang mukha na gumagala sa pasilyo ng ospital tuwing disoras ng gabi hanggang sa mga doktor na walang ulo.

Ang gabing ito ay walang pinagkaiba sa ilang gabi naming pamamalagi sa ospital na ito.

Hating gabi na ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok dahil na rin siguro sa maghapon kong pagtulog sa tabi ng pasyente na binabantayan ko.

Naisipan ko munang lumabas saglit upang sumagap ng presko hangin mula sa highway na katabi ng ospital na sinabayan ko pa ng paghithit buga sa yosing hawak ko.

Wala naman akong naramdamang kakaiba nang sumakay ako sa elevator papababa sa unang palapag mula sa ika-apat na palapag. Dahil na rin siguro may nakasabay akong mga emplyedo ng ospital na abala sa pagpapalitan nila nang kanilang mga talambuhay.

Matapos maubos ang isang stick ng yosi, pamasok na ulit ako.Nang malapit na ako sa elevator, bigla ko namang naalala ang mga kwento ng kababalaghan sa naturang ospital.

Anak ng pusang puyat!

Bakit naman kasi sa daming ng pwedeng kong maisip eh 'yun pa?!

Masyado akong tamad para maghagdan at parang gusto ko ding mapatunayan sa sarili ko kung totoo nga ang tungkol sa mga kwentong naririnig ko.

Nasa harapan na ako ngayon ng elevator.

Walang ibang gumagamit.

Pinindot ko ang buton.

Bumukas ang malaking pinto.

Nakahanda na akong makita ang mga ka-tropa ng babae sa Balete Drive.

Wala naman akong nakita kundi ang repleksyon ko sa stainless na dingding ng elevator at ang malaking logo ng ospital sa sahig.

Sumakay ako.

Pindot ang buton ng ika-apat na palapag.

Ang walang limang segundong pag-akyat ng elevator ay parang naging limang minuto bago dumating ng ikalawang palapag.

Bumukas ang pinto ng elevator pagdating sa ikalawang palapag.

May pumasok na isang lalaking nakaputi.

Naramdaman kong nagtayuan ang mga buhok ko sa ilong sa takot.

Hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

Anak ng pusang puyat!

Totoo nga ata ang kwento!

Ang kaninang parang limang minuto ay parang naging limang araw.

Pagdating sa ika-apat na palapapag, bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin na parang biglang lumampas sa akin at nakita ko na lang ang kasabay ko na nakalabas na pala sya ng elevator.

Nilakihan ko na ang hakbang ko.

Hindi ko na napansin ang mga nars na nakatambay sa kanilang istasyon.

Nakita ang nakasabay ko sa elevator na pumasok sa kwarto namin.

Anak ng pusa!

Parang ayaw nya akong papasukin sa kwarto ah?!

Sab nga nila, wag kang matakot sa patay, matakot ka sa buhay.

Nagipon ako ng maraming lakas ng loob bago pumasok sa kwarto.

Nang pihitin ko ang doorknob, may narinig akong mga tinig mula sa loob.

Anak talaga ng pusang puyat!

Mukang nayaya pa ng tropa ang nakasabay ko sa elevator at naisipan pang sa kwarto namin mag-reunion.

Pagpasok ko sa loob, marami na silang nakapaligid sa kama ng pasyente na maghapon kong katabi!

Nilakasan ko ang loob kong lumapit sa paanan ng kama.

Tinapik nang isang nakaputi sa balikat ang aking asawa.

"Ma'am, I'm sorry. Wala na sya."

Lalo akong kinabahan nang makita ko na ako pala ang pasyenteng nakahiga sa kama.

Wakas..


My Untold Stories(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon