"Kwento ng Barkada"
"Sa kabila ng moderno at makabagong teknolohiya ng ating panahon, may ilang bagay parin sa mundo na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Bagamat sabi ng iba ito ay hamak na kathang isip lamang ng tao ngunit marami na sa atin ang nakapagbigay ng patunay ayon sa kanilang mga karanasan.
Ang aking iki-kwento sainyo ngayon ay tungkol sa aking karanasan noon ako'y 12 anyos pa lamang. Noon pa ma'y mahilig na talaga ako sa mga kwentong katatakutan. Ewan ko ba kung ba't yan ang nakahiligan ko. Siguro ay dahil nagbibigay ito sa akin ng "thrill" alam nyo yun yung naeexcite ka na may halong curiousity sa iyong utak.'Yun na nga, nasa ika-anim na baitang na ako ng elementary at kaming magbabarkada ay nakakahiligan na naming magkwentuhan sa loob ng klase ng mga kwentong katatakutan kapag hindi pa dumarating ang guro.
Si John at si Rey sila ang aking matalik na kaibigan at talagang malalim na ang aming samahan. Sa katunayan parang magkakapatid na ang aming turingan. Alas 3:00 ng hapon noon ika-22 ng Oktubre, bagamat hindi pa dumarating ang guro namin sa math ay naisipan naming magbahagi ng aming mga nakakatakot na kuwento total malapit na rin naman ang araw ng mga patay. Una si John, ikinwento niya sa amin ang tungkol sa animo'y aswang sa kanilang baryo. Usap-usapan sa kanilang baryo ang tungkol sa isang aswang na kanyang pinangalanang "Jessa".
Marami raw sa kanilang lugar ang nakasaksi sa pagbabagong anyo nitong si Jessa sa tuwing kumakagat ang dilim. Anim na tao na raw ang nabiktima nito kabilang na ang dalawang sanggol. Ang mga bangkay ng mga nabiktima ay nakakagimbal sapagkat masasabing hindi tao ang may gawa. Ito'y natatagpuang gutay-gutay ang mga katawan at ang iba naman ay nawawala ang puso. Isang araw may mag-asawa sa kanilang lugar na nakatira sa pinakaliblib na bahagi ng kanilang baryo. Habang tahimik na nakaupo ang mag-asawa sa kanilang balkunahe, may napansin ang asawang lalake, isang hagushos na para bang nanggagaling sa bubong ng kanilang bahay.
Agad itong tiningnan ng lalake at laking gulat niya ng nakita niya ang isang nilalang at na may malalapad na pakpak at wala itong paa! Ahhh! Sigaw ng lalake habang dali-daling pumasok sa kanilang bahay. Pinatago nito sa ilalim ng kama ang asawa nitong buntis at tinungo ng lalake ang kanilang kusina. Kinuha nito ang lalagyan ng asin at lakas loob nitong isinaboy sa aswang.
Swerte nila at takot pala ang aswang sa asin. Iiiiiaaaak! Agad itong lumipad papalayo sa kanilang kinaruruonan. Simula noon ay lumipat na ang magasawa ng tirahan at siniguro nilang sila'y magiging handa sa pagbabalik nitong aswang. Matapos magkuwento ni John ay nakuha kung magbiro dahil nahalata ko ang katabi kong si Rey na masyadong seryoso ang mukha.
"Sexy ba yung aswang"? patanong kung sabi."loko-loko"! wala ngang katawan diba? Halakhak ni John. Sumunod namang nagkuwento ay itong si Rey. Humanda raw kami dahil talagang nakakatakot ang kanyang kwento. Nangyari daw ang nakakatakot na pangyayari sa kanyang buhay noong 8 taong gulang pa lamang siya. Noong bata pa raw siya ay hindi raw likas sa kanya ang pagiging matatakutin. Isang gabi habang abala si Rey at ang kanyang mga pinsan sa panood ng t.v. inutusan siya ng kanyang nanay na bumili ng chicheria sa tindaha upang may makain raw sila ng kanyang mga pinsan habang nanonood ng t.v..
Pasado alas 10:00 pm ng gabi na noon kaya medyo madilim na ang paligid sa labas ngunit dahil nga hindi naman siya matatakutin at malapit lang naman ang tindahan ay pumayag siya. Di kalaunay lumabas na siya ng bahay at habang naglalakad siya papunta sa tindahan ay napansin niyang tahimik ang paligid. Pagkatapos niyang makabili ng pagkain ay naglakad na siya pauwi ng bahay. Nang siya'y malapit nang makauwi ay napansin niya ang isang sulok na kanilang bahay kung saan naroon ang kanilang bakuran.
Madilim doon at puno ito ng pananim. Laking gulat niya nang tumingala siya sa isang puno ng saging. Nakita niya ang isang bata at itoy nakangiti sa kanya. Hindi niya masyadong maaninag ang buong itsura nito dahil nga sa madilim roon. Nagtataka siya kung pano napunta roon ang isang bata kung gayong hindi basta-basta kaya akyatin ng tao ang puno ng saging. Nangilabot siya at para bang nabalutan ng yelo ang kanyang katawan. Hindi nya maipaliwanag kung bat hindi siya makagalaw na kahit anong pilit nyang igalaw ang mga paa ay hindi nya magawa. Hindi rin sya makasigaw kaya ang tanging ginawa nya na lamang ay pumikit at mag-dasal.
Maya-maya ay dumilat siya at nawala na ang batang kani-kanina lang ay nakangiti sa kanya. Kumaripas sya ng takbo papasok sa kanilang bahay. Gulat na gulat ang kanyang ina at mga pinsan sa naging katayuan niya. Yinakap niya ang kanyang ina at ikinuwento ang kanyang naging karanasan. "Nakakatakot naman yan Rey" takot na sabi ni John. Matapos ay ako na ang sumunod na nagkuwento. Ang aking kwento ay nangyari noong 10 anyos pa lamang ako. Noong maga panahong iyon ay kasa-kasama ko pa sa bahay ang aking dalawang pinsan dahil sa magkakalapit pa noon ang aming mga bahay.
Ang saya-saya naming palagi sa aming bahay dahil lage kaming magkakasama amglaro, kumain at kung anu-ano pa. Isang gabi pasado alas 10:00 pm, tulog na ang aking parents at kami nalang ng magpipinsa ko ang gising. Dito sila minsan natutulog at pinapayagan naman sila ng kailang magulang. Nagpagpasyahan naming manood muna ng t.v. bago matulog. Kumuha kami ng mga pagkain at maiiinum para may pagkakaabalahan kami habang nanonood. Sumunod ay binuksa ko ang t.v. at dvd at isinalang ko ang paborito kung pelikula ang "Sherlock Holmes", bago itong movie noon kaya exciting.
Habang nanonood ay bigla akong nakaramdam ng pagkaihi kaya nagpaalam muna ako sa mga pinsan ko na iihi lang saglit. Lumabas ako ng bahay at pumunta ako sa aming bakuran. Doon ako pumwesto sa pinakudulo ng bakuran. Mula roon makikita mo ang nakakatakot na narrow figure ng kalsada. Tahimik roon at wala ng taong umaaligid. Maya-maya pagkatapos ko ay naglakad na ako pabalik ng bahay. Sa aking paglalakad may naririnig akong para bang hagikhik ng isang babae na umiiyak. Lumingon-lingon ako sa paligid.
Sinundan ko kung saan nagmumula ang iyak na iyon. Sa di kalayuan nakita ko ang isang babaeng nakayakap-tuhod sa isang malaking puno ng acacia. Medyo hindi ko naaaninag ang kanyang mukha sapagkat medyo madilim ang kanyang pwesto at natatabunan ng acacia ang liwanag ng street light. Nakasuot ito ng itim na bistida at wala itong suot na pang paa.
Hindi mo masasabing isang pulubi dahil malinis siya tingnan. Agad-agad ay lakas loob akong lumapit sa babae. "Miss bakit po kayo umiiyak" tanong ko. Tuloy parin sa pag iyak ang babae. "Miss!?? Ok ka lang ba? Pag aalala ko kuno. Unti-unti ay umaangat ang ulo ng babae at sa aking di inaasahan na pangyayari ay nanlilisik ang mga mata nito sa akin! Hindi ko malama kung sisigaw ba ako o tatakbo. Hindi ko mabuka ang bibig ko at para bang nakadikit ag maga paa kosa lupa. Ang mga mata nya ay halos kulay puti at ang ang kanyang luha ay dugo!! Bigla itong nagsalita "Ba't muko pinabayaan?? Bakit? Bakit? Hinawakan ako nito sa paa. Nanlamig ang aking buong katawan at sobrang takot at pangingilabot ang aking nadarama sa mga sandaling iyon. Ang tanging ginawa ko na lamang ay ang ipikit ang aking mga mata at nagdasal sa Diyos.
"Ama ko, tulungan niyo ko". Ilang sandali pa naramdaman ko na wala nang nakahawak sa aking mga paa at pagmulat ko wala na ang babae. Kumaripas ako ng takbo pauwi sa aming bahay at pagdating ko gulat na gulat ang mga pinsan ko.
'Bat raw ako humihingal? Di ko na sinabi sa kanila ang nangyari dahil di rin nama sila maniniwala. Pagkatapos ng insidenteng yun ay mas lumakas pa ang pananalig ko sa Diyos na alam kong siya lamang nag maaaring magligtas sa ating lahat.
Maraming pong salamat sa pagbasa!
credited to: Romeo Talde :)
Please leave comments or votes anytime :)
BINABASA MO ANG
My Untold Stories(Completed)
Mystery / ThrillerMai-ikling istorya na pinagsama-sama upang makapagbigay aliw sa mga mambabasa.Ang mga istoryang nakapaloob sa kwentong ito ay pawang likha ng malikot ng isip na magbubukas ng isip niyo mula sa mundo ng kababalaghan..