Untold#19-Tikbalang

86 5 0
                                    

Tikbalang[True Story]

Ako si Oen (ohyen), 16 years old, First Year Civil Engineering. I usually sleeps at 12 midnight specially when I need to pass a requirement to a professor. Bata palang ako I feel presence sa house ng tita naming(Dun na kami nakatira ngayon dahil pinapagawa yung dati naming bahay). Nakatira kami sa bahay na bato, since hindi naman kami ganun ka Rural. I lived in Bulacan. I started to see and feel presence kapag gabi lalo na tuwing full moon nung bata ako.

Bata pa lang ako kila Lola na ako natira. Alaga nya ako since 5 years old. Dati ayaw ko matulog kila Lola natatakot ako sa Dilim.7 years old nun napilitan si Lola na kila Mama muna ako matulog dahil nilalagnat ako.

2 days after ,magaling na ako at ako ang dakilang taster ng Ice Candy ng Mama ko. Pagkatapos ko kumain ng Ice Candy magtatapon na sana ako ng pinagkainan ko nang pinakisuyo ng kuya ko yung pinagkainan nya na itapon na daw. Malapit ako sa pintuan nun kaya napag pasyahan ko na sa harap nalang itapon yung kalat hindi naman madilim at ihahagis ko lang naman ang pinagkainan namin.

"PSSSSSSTTTT.... PSSSTT..." "Sino yun?" " PSSST... PSSSTTT.." lumingon ako sa kaliwa, nakalabas ang ulo ko sa pinto pero hindi ang katawan ko, sinilip ko lang yung tumatawag sa akin ... Madilim pero bilog ang buwan. May nakita akong naninigarilyo sa bahay ng tita ko pero walang nakatira doon.

Nakatayo yung lalaki, Nakasumbrero sya. Nakalayo ang katawan nya sa dingding ng bahay pero nakalapat ang puwitan nya sa dinding ng bahay. Bali naka side-view sya nung nakita ko."Kuya Bryan !?" tawag ko .. "Kuya Bryan 'wag ka ngang manakot!" nanginginig na sabi ko.

"Papa, kuya si Kuya Bryan tinatakot ako." Pumasok ako sa loob para ituro sa Papa ko si Kua Bryan na nagyoyosi dun. Pagsilip ng Papa ko sa labas, wala na yung sinasabi ko. Nagtataka ako kaya sumilip ako ulit Pagsilip ko ...


Ala na ngang tao pero nagtataka ako kasi kinikilabutan ako saka walang ibang daan bukod sa sanga sa likod bahay namin na katabi ng school. Dahan dahan kong isinirado ang pinto ng may narinig ako....


"PSSSSTTT! .... Tigidig tigidig tigidig tigidig"tunog ng tumatakbong kabayo..

(kabayo sa gabi?) ang weird!

Kinuwento ko to sa pinsan kong si Ate Myrna ,.. (isang avid fan ng mga kababalaghan, horror stories pero tumitili sa mga horror movies)

Isa lang ang naging reaksyon nya,, " Nakita ko na rin 'yun."

Kinabahan ako dahil kinuwento nya sa akin yung lalaking naninigarilyo.

Ginagawa palang daw yung house nun at bata pa sya nun. Sa unang kwarto daw nung bahay kung saan natutulog ang parents ko. May duyan daw dati dun. Mayroon syang nakitang nakasinding sigarilyo (yung para bang may humihithit nun). Tinantawag nya ang Tito ko dahil akala nya andun ito. Madilim daw nun at nangangapa lang sya papunta dun sa sindi ng sigarilyo. Nung nahawakan nya yung duyan biglang nawala yung sindi nung sigarilyo. Wala naman syang nakikitang nahulog na upos.

** Kinakabahan akong umuwi nung gabing yun dahil sa pagkokonfirm ng Ate ko dahil dun na kami nakatira sa tinutukoy naming bahay sa story. Ang bahay na bato. **

This is a real story and mentioned names were all true. Thanks for reading...

Paano kaya ang susunod na ingkwentro ko sa tikbalang na iyon sa bahay na bato namin.

WAKAS...

Author's Note: Yung ibang story po na naka-published dito ay sarili kong story at halos lahat ng mga nasabing kwento sa previous chapters ay pawang nangari sa totoong buhay.Nga lang mga mga parts na hindi katanggap-tanggap ng ating isip pero sa ibang kritiko at normal.Muli po ay salamat sa inyong pagbabasa hanggang sa huli..Sana ay suportahan niyo rin po ang huling bahagi,,Ang EPILOGUE .


My Untold Stories(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon