I Was Posses
Bata palang ako alam ko ng hindi ako ordinaryo. May mga bagay akong nakikita at nararamdaman na hindi na-e-experience ng isang normal na tao. Nakatira pa kaming noon ng family ko sa bahay ng lola ko. Nagsimula ito ng minsang magising ako sa kalaliman ng gabi ,hindi ko alam kung bakit basta nagising na lang ako kasabay ng pag-gising ko nakaramdam ako ng kilabot at hindi ko ma-explain kung anung dahilan ng kilabot na yun... Pagkatapos ng gabing yun nagsimula na akong makakita ng mga nakakakilabot na bagay.. Una kong na-encounter iyong white lady.
Galing ako noon sa banyo, kakatapos ko lang maglinis ng katawan saktong palabas na ko ng pinto biglang naging malamig ang paligid ko ...Bukas pa ang mga ilaw noon sa kusina pagtingin ko sa may pintuan sa kusina nakita ng dalawang mata ko na may dumaang babae sa may pinto .
Itim na itim ang buhok niya at ang haba ng damit nito at puting-puti pa 'yun..Ng mga oras na yun nakaramdam na ko ng takot,takot dahil alam ko wala kaming kasama sa bahay na ganoon ang itsura..Imposible na ang lola ko yun!.. Pumikit ako tapos tumakbo na ko noon kay nanay ko na nasa kwarto.
Kinuwento ko sa kanya yung nakita ko pero parang di sya naniniwala sakin.. Naulit pa ang mga ganoong pangyayari,hanggang ngayong college na ako, naka-encounter na rin ako ng tikbalang pero madalas puro mga kaluluwang ligaw ang nagpaparamdam sakin..
Pero nasanay na ko sa mga ganitong senaryo sa buhay ko.. Halos araw-araw ko ba namang maramdaman 'di pa ba ko masasanay.. Pero may isang pangyayari sa buhay ko na talaga namang 'di ko kailanman makakalimutan.. Last year lang nangyari sakin ito. (2008)Piyesta noon sa lugar ng barkada nami, nagkayayaan ang buong barkada na pumunta at magpalipas ng gabi sa bahay ng barkada namin at siyempre pa,nagkayayaan na ding mag inuman..Since hindi kami mai-a-accommodate lahat sa talagang bahay ng barkada namin nagpasya na lang si Lea (yung barkada namin) na doon na niyakami patutuluyin sa bahay ng lola niya, since wala namang tao doon at wala ng nakatira..Okay naman yung bahay may pagka-spooky yung itsura pero ayos lang madami naman kami..
Pinayagan naman kami ni Lea na maglibot sa bahay since kami lang naman yung nag-o-occupy noon..Ako at yung iba pa ay nag kanya-Kanya na sa pagsilip sa buong bahay, yung iba asa kuwarto,yung iba naman nasa my terrace..
Ako kasama pa yung tatlo sa mga barkada ko ay nangahas na buksan yung pinto sa may basement.Pagbukas palang ng pinto ng basement nakaramdam na ko ng kakaiba.. Alam ko na na merong mangyayaring hindi maganda.. Sobrang dilim sa loob .. Nananakot na yung isa sa kasama namin kaya sinarado na ulit namin yung door.. pumunta na kami sa kwarto, nagpalit na ng damit tapos dumiretso na kami sa may kusina..ang daming pagkain na nakahanda sa may mesa.. 14 kaming lahat at karamihan ay babae 3 lang yung kasama naming mga lalaki..Pagkatapos kumain,nagpahinga sandali tapos nagkayayaan ng uminom.. Noong una a-anim lang kaming umiinom.. Hard kasi 'yung tinitira namin ayaw nung iba.. Naka-dalawang shot lang ako wala kasi ako sa kondisyon t'saka inaalala ko kasi 'yung kakaibang feeling ko sa bahay..Habang nag-iinuman may dumating pang bisita si Lea ,tatlong lalaki pa, bale naging 17 na kami sa bahay..
Umakyat muna ko sandali sa may kuwarto kung saan ko iniwan yung gamit ko, i-chineck ko kong may message ni nanay sakin..Wala naman kaya bumalik na ulit ako sa lamesa, nanghingi ako ng yosi sa barkada ko,si Egan..
Pumunta ko sa may terrace at dun ako nagsindi,sinamahan ako ng best friend ko tsaka nag-yosi nadin siya.. Ilang sandali lang nag-pabili na ng itong case ng beer si ate Kath.Simula na ng umaatikabong inuman sa isip-isip ko ..
Shumat lang ulit ako ng nga itong baso tapos umakyat na ko sa may kwarto para manuod ng t.v kaya naiwan sa inuman yung best friend ko..Ang tagal ko na ding nanonood ng biglang makarinig ako ng sigawan sa baba..
Sumilip ako sa may pinto.. i was terrified ng makita ko yung isang barkada ko si Ate Rona na nagwawala sa baba ,nagkakagulo na sila si Ate Rona nagwawala sobrang lakas niya,itong barkada na naming lalaki yung pumipigil sa kanya pero wa epek pa din.Sige lang siya sa pag-wa-wala niya..
Pumasok agad ako sa kowarto hinanap ko yung rosary na lagi kong baon sa bag then bumaba na din ako , nakita ko yung best friend ko umiiyak na s'ya.Tinanoong ko sya kung anong nangyayari bakit nagwawala si Ate Rona.. Sabi niya bigla nalang daw nagwala si Ate .. Tinanoong ko sIya kUng madami na silang nainom,baka kasi epekto lang ng alak 'yun pero hindi daw konti palang 'daw naiinum nila kasi kwento ng kowento si Ate tsaka si Jason ''yung barkada naming bakla .. Nagpapatawa "daw" 'yung dalawa tapos ang ingay-ingay...
Nagsasalita na ng waraysi Ate habang nagwawala inihiga na siya sa sahig ng mga umaawat sa kanya. tapos sinampal siya ng sinampal para mahimasmasan pero wala pading epekto, sige padin s'ya sa pagwawala..Tumigil lang s'ya ng kausapIn namIn s'ya tungkol sa anak niya,kitang kita ko na tumulo yung luha niya pagkatapos binigyan siya ng malalakas na sampal ng barkada namin ..
Nawalan na sya ng malay itomigil na din yung pagwawala niya.. Nag-gather kami lahat tapos sabi ko sa kanila dasalan nila si Ate Rona .. Lumingon ako sa paligid, hindi ko mahanap si Jason lumabas ako ng bahay nakita ko siya na nangingisay sa taBe ng isang halaman habang kinakapos ng hininga.. Sinubukan kong syang hilahin pero 'di ko kinaya ang bigat niya .. Nilapitan ko siya paglapit ko sa kanya sa tabe ng halaman naramdaman kong umikot yung paningin ko tapos naramdaman kong kinakapos ako ng hininga .. Parang may sumasakal sakin,pinilit kong habulin yun paghinga ko tumakbo na ako sa loob at humingi ng tulong sa mga kasama ko.Sabi ko sa kanila alisin nila si Jason sa tabi ng puno.. Binuhat agad nila Jason.. Noong nasa may pinto na s'ya papasok nadilim ang paningin ko at nawalan na ko ng malay.. Nararamdaman ko padin yung kumosyon sa paligid ko ,naririrnig ko na halos umiiyak na lahat yung mga barkada kong babae.. sa sobrang takot daw ni Lea pinatawag niya na yung tito niya na may pagka-espiritista.. Naririnig kong kinakausap ako ng kong sinu.. sabi niya sakin lumaban daw ako .. H'wag ko daw hayaan yung nangyayari sakin, ...
Nang humupa na ang lahat ng nangyari at bumalik na sa normal kinuwento nila sakin na sinapian daw kaming tatlo nila Jason.. Nagwawala na daw tapos sinisigawan ko na daw sila.. Pero wala naman akong maalala, basta ang nararamdaman ko hinang hina yung katawan ko..
Kinaumagahan bago kami umuwI dinasalan kaming lahat lalong lalo na kaming tatlo nila Ate Rona.. Lunes nagkita kita ulit kaming magbabarkada sa school.. Nagkakwentuhan sa nangyari..
Umaga noon magsisimula palang yung klas, habang nag-di-discuss yung prof namin sa harap biglang nawalan ng kuryente ,tapos bumalik 'din ulit ,kinabahan ako dahil paglingon ko sa likod ko nakakita ako ng anino,pagkatapos noon wala na kong naalala.Hinimatay daw ako at kinailangan pa ng dalawang lalaki para madala ko sa hotel lab dahil sa sobrang bigat ng katawan ko..
Inihiga nila ko sa may higaan hinawakan nila yung mga kamay at paa ko dahil nagsimula na daw akong magwala.. Sinaniban 'daw ulit ako ,sinundan 'daw kaming tatlo noong ghost.. Nagkagulo daw yung klase kaya nagpatawag ng pari 'yung school director namin para lang matignan ako .Dinsalan ako noong pari at gumawa daw ako ng malaking komusyon sa school..
Natakot yung mga iba pang estudyante at nagkagulo yung ibang klase at kanya kanyang usyoso ang mga ito ..Pinaalis noong pare yung spirit sa katawan ko pagkatapos ng insidenteng yun , nahiya na ulit ako pumasok sa school..Nagstop ako ng sumunod na sem para kalimutan ang lahat ng masasamang nagyari, at tsaka nahiya na din ako sa ibang mga school mates ko,pero ngayon balik schoolna ulit ako di ko man nakalimutan ang mga nangyari, pero magsisilbing paalala ito sakin..
Alam ko marami pading hindi naniniwala sa nangyari sakin pero alam ko sa loob ko na totoo 'yun at may mga kaibigan akong makakapag-patunay na totoo ang mga nangyari..
Wakas..
Author's NOTE: "May mga bagay at pangyayari talaga na ang hirap paniwalaan.Sabi nga nila to see is too believe",hindi ba pedeng experience is the best foundation..Nakita mo nga hindi mo naman naramdaman,wala ring silbi.Gaya ng nasabi sa maikling paglalahad na nabasa niyo sa taas mauy mga bagay na hindi talaga maipapaliwanag kaya ang mabuti nating gawin ay ang manalig tayo sa panginoon dahil kapag nasa puso natin siya ang mga bagay na kinatatakutan na natin ang mismong lalayo sa atin <3.
Nabaliw ako sa pag-e-edit ng story an ito dahil jejemon po ang pagkakatype ng totoong may akda nito..Ito ang pangalawa sa pinakanakakapagod i-edit guys,kaya sa mga readers ko please do vote and leave comments/feedback..Salamat !
BINABASA MO ANG
My Untold Stories(Completed)
Misteri / ThrillerMai-ikling istorya na pinagsama-sama upang makapagbigay aliw sa mga mambabasa.Ang mga istoryang nakapaloob sa kwentong ito ay pawang likha ng malikot ng isip na magbubukas ng isip niyo mula sa mundo ng kababalaghan..