"Poste"
Lines man si Noel sa isang electrical company ng kanilang lugar.
Hindi kalakihan ang sahod niya dito ngunit mabuti na rin iyon, iisa pa lang naman ang anak nilang mag-asawa. Nakakaraos naman sila kahit papaano.
Sa hirap ng buhay ngayon maswerte na rin si Noel na nakapasok sa kumpanyang iyon. Minsan, nakatoka siyang magtrabaho ng pang gabi. Grave yard shift kumbaga, 11pm-7am. Napaka-smooth ng trabaho ng gabing iyon, wala siyang ginagawa. Walang tumatawag para mag complain at wala rin namang sira-sirang kuryente ng oras na iyon. Kaya napagdesisyunan niyang pumunta na lamang sa lamay ng kasamahan niya sa trabaho.
Namatay si Eric dahil na kuryente ito nang nakaraang gabing inayos nito ang poste ng kuryente sa national highway ng lugar nila. Nandoon si Noel nang mangyari ang kagimbal gimbal na insedinteng iyon. Wala din naman siyang nagawa para sa kaibigan dahil sobrang bilis ng pangyayari. Segundo lang at agad nasunog ito habang nakabitin ang sunog nitong katawan sa safety belt nito. Kaya ngayon ay pupunta siya sa lamay ni Eric.
While on his way, he smelled something na parang nasusunog na barbekyu. Hindi iyon nawawala. Kinalibutan si Noel habang nag mamaneho siya sa kanyang line truck. Tinatahak niya ang daan na kung saan madadaanan niya ang mismong poste ng kuryente kung saan naaksidente ang kaibigan niya. Biglang tumirik ang line truck ni Noel sa mismong tapat ng poste ng kuryente na iyon. Waring sinadya talaga ng pagkakataon at doon pa mismo namatayan ng makina. Parang may humawak sa sasakyan niya na hindi niya mawari. Nakaramdam siya ng takot kaya pinaandar niya ang line truck. Ngunit hindi umandar ang makina kahit ilang beses na niyang sinubukan ito. Kaya nag pasya na lang si Noel na bumaba para suriin ang makina ng sasakyan.
Kumabog ng malakas ang dibdib niya lalo nang nakalanghap ng parang nasusunog na tao o hayop. Ngayon, lalong tumindi ang amoy nito na parang nasa malapit lang. Wala sa isip niya, nang tumingala siya sa poste. Laking gulat niya sa nakita! Si Eric nasa poste. Nakabitin ang sunog na katawan nito sa safety belt. Ka awa-awa ang kalunos-lunos na kondisyon nito. Nanghihingi pa ito ng saklolo sa kanya. Nakadilat ang mapupulang mata nito.
Gustong tumakbo ni Noel ng mga oras na iyon pero pilit niyang linabanan ang takot at kinausap niya ang kaibigan."Partner, huwag ka namang ganyan, wala namang takotan. Pasensiya na dahil wala akong naitulong sa iyo. Sobrang bilis kasi ng pangyayari, sana matahimik kana partner, wala namang may gusto 'nun, aksidente lang. Pupunta naman ako sa burol mo eh. Ipagdarasal kita partner", sabi ni Noel habang napaluha sa mga sinasabi.. Nang tumingin ulit si Noel sa poste ay wala na doon ang kaluluwa ni Eric. Ngayon lang napansin ni Noel ang safety belt ni Eric. Naroroon pa din iyon naka hang sa poste. Naiwan pala ng mga kumuha sa bangkay nito.
Kinuha ni Noel ang safety belt ni Eric at pinasok niya ito sa loob ng line truck. Sinuri niyang mabuti ang safety belt at nakita niya ang isang papel na nakaipit sa coil swivel, nakayupi ito kasama ang P8,000 na pera. Nakalista sa papel ang mga ito:
Matrikula- 2,000 Pagkain- 3,000 Tubig at kuryente- 1,000 Allowance- 2,000 Tinago agad iyon ni Noel at linisan ang lugar na iyon patungo sa burol ng kaibigan. Binigay niya ang pera at budget list sa asawa ni Eric. Kinuwento na rin niya ang nangyari. Humagulhol ang asawa nito at mga anak sa nalaman. Napagtanto ni Noel kung gaano kamahal ni Eric ang pamilya nito. Hindi pala siya tinakot ni Noel. Nagpapakita lang sa kanya ito para matulungan siya na ibigay ang pera nito sa pamilya na naiwan sa safety belt nito. Isang huwarang ama at asawa si Eric dahil kahit nasa kabilang buhay na ito ay pamilya pa rin nito ang iniisip.
Wakas...
Author'Note: Continue reading guys :)
BINABASA MO ANG
My Untold Stories(Completed)
Mystery / ThrillerMai-ikling istorya na pinagsama-sama upang makapagbigay aliw sa mga mambabasa.Ang mga istoryang nakapaloob sa kwentong ito ay pawang likha ng malikot ng isip na magbubukas ng isip niyo mula sa mundo ng kababalaghan..