UNTOLD- EPILOGUE
Agad kong dinakot ang mga nagkalat na lamang loob ng pusa sa aking silid at kumuha ng isang timbang tubig para linisin ang kalat sa aking kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay umalingaw-ngaw ang isang nakakatakot na tinig ng isang demonyo na sinabayan ng isang napakalakas na tunog na tila isang nagwawalang kabayo.
Umuusok kahit wala naman naninigarilyo.Isa pa ay ang biglang pag-atungal ng isang sanggol kung saan.Ganun nalang din ang takot ko ng lumakas ang hangin at may dalawang babaeng dumaan sa aking harapan.Isang nakaitim at isang nakaputi ang sabay na tumitig sakin ngunit wala itong mga mata.
Sa kwarto ko naman narinig ko ang ugong ng rocking chair at himig na tila galing pa noong panahon ng kastila.Nabalot ng takot ang aking paligid at ang ikinagulat ko ay ang biglang pagkaluskos ng bubong at sabay paglawit ng napakanipis ngunit napakabang dila na gumuhit sa aking balat.
Ang atungal ng mga aso sa labas.Nang isahod ko ang timba ay umagos ang mga dugo kasabay ng mga bulate,daga at ipis na ikinagimbal ko.
Nagising na lamang ako sa katotohanang nasa kama ako at ang tangi ko lang narinig ay ang boses ni Mama na galit.
Pacoy gumising ka na male-late kana !!May pasok na!!Basa ka nanaman ng basa kaya ka napupuyat diyang bata ka.Bumaba ka na at maligo!
Napatingin ako sa hawak kong mga komiks at natawa nalang ako dahil sa napanaginipan ko lahat ng mga istoryang nabasa ko.Pakiramdam ko tuloy ay nakarating ako sa ibang dimensyon ng buhay.
Wakas...
AUTHOR'S NOTE: Actually dito sa epilogue ako nakaramdam ng takot hindi kagaya ng sa previous chapters..Haha..Masaya ako na natapos ko na itong horror/mystery collection ko..Anung say niyo sa ending?..Kasi nako nanindig ang balahibo ko dahil na-ii-magine ko sila..Sa mga solid readers salamat sa pagbabasa.At sa mga nag-votes salamat lalo na sa mga followers ko..
Sa Next update naman ay ang mga extra thought ko about horror stories..Salamat.. :)Mwuahhh <3 #UntoldFINALE
BINABASA MO ANG
My Untold Stories(Completed)
Mister / ThrillerMai-ikling istorya na pinagsama-sama upang makapagbigay aliw sa mga mambabasa.Ang mga istoryang nakapaloob sa kwentong ito ay pawang likha ng malikot ng isip na magbubukas ng isip niyo mula sa mundo ng kababalaghan..