CHAPTER 1: Wedding

26 4 0
                                    

"This is it." Sabi ko sa sarili. "Kaya ko ito. Maglalakad lang naman ako, bakit naman ako kakabahan?" Dagdag ko pa. Ilang ulit ko ng sinasabi iyon sa aking sarili na para bang nakasalalay ang buhay ko sa mga salitang iyon. I heaved a deep sigh. "KA. YA. KO. I. TO."

"Hey, Fi! Bakit parang namumutla ka? May masakit ba sa'yo?" Tanong ng kaibigan kong si Anes na siyang kasama ko sa loob ng sasakyan ngayon. Daig ko pa ang nag bungee jumping sa pinakamataas na building sa buong mundo dahil sa biglaang tanong ng kaibigan. Napahigpit na naman ang hawak ko sa kawawang bouquet na kung nakakapagsalita lang ay kanina pa ako nito sinita.

"H-huh? W-wala. Wala akong sakit. I am perfectly fine, Anes." At tumingin ako sa labas upang tignan ang mga bisitang naroon. Kumpleto na ang lahat. Hudyat na lang ng coordinator ang hinihintay nila at magsisimula na.

"Are you sure? Pero bakit parang kinakabahan ka?" kunot noong tanong pa nito.

"Yes. Okay lang ako. Tsaka Bakit naman ako kakabahan?" tumawa pa ako para ipakita dito na ayos lang talaga ako.

"Okay. Sabi mo eh" Aniya pero binigyan pa rin ako nito ng nagdududang tingin. I just shook my head. Sino bang hindi kakabahan sa gagawin ko? Kung pwede lang sana na umatras ay ginawa ko na. Kaso hindi ko naman kayang saktan ang isa sa mga taong pinakamahalaga sa akin. Isa sa mga taong minamahal ko. I can't break someone's heart, lalo naman siya.

"Let's go." Sabi ni Anes. Halos panawan na ako ng ulirat ng makababa sila ng sasakyan.

"Okay! Be ready beautiful people! Line up na! The bride is already here!" Sigaw 'nung binabaeng coordinator nitong kasal.

I checked my gown first and held my bouquet tightly. Nakalugay ang mahaba kong buhok na kinulot ang dulo 'nung nag-ayos sa amin at may korona akong suot na gawa sa mga bulaklak. When the music starts playing, isa-isa ng pumasok ang mga may parte para sa kasalang iyon. Nanlalamig na ang aking mga kamay. Pinagpapawisan na rin ako kaya panay ang paypay ko sa kanyang sarili. Ilang beses na rin akong huminga ng malalim at pailing-iling.

"You look tense. Relax, kasal lang naman ito." Sabi 'nung baritonong boses sa aking likuran. Biglang nagtayuan ang mga buhok ko sa batok at bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan. Kilala ko ang may-ari ng boses na iyon. Kahit yata sa panaginip ay naririnig ko ito. Bago ko pa malingunan ang may-ari ng boses na iyon ay nakita ko na itong papasok sa loob ng simbahan. Tanging likod na lamang nito ang aking nasilayan. Pero sigurado ako na "siya" iyon. Mukhang isa rin ito sa mga bisita. Paano pa ako makakarelax? Lalo pa akong kinabahan dahil sa kanya. Then suddenly someone tugged my left arm - the wedding coordinator. Nilingon ko ito at binigyan ng nagtatanong tingin. Ngumuso ito sabay turo sa pintuan ng simbahan.

"Ikaw na 'te. Bakit ka ba tila nawawala sa sarili mo? Dahil ba sa gwapong lalaking dumaan kanina?" Tanong nito sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi at humagikgik pa. Hindi ako makasagot. Anong isasagot ko? Oo? Nakakawala ng sarili ang lalakeng iyon? Boses pa lang ng taong iyon eh kumukulo na ang dugo ko?

"Tsk. Tsk. Mukhang wala ka na nga sa sarili mo." Iiling-iling na sabi 'nung binabae. "Oh siya, larga na!" Sabay tulak sa akin.

Nakakahiya! Nakatingin sa akin lahat ng mga bisita na nasa loob ngayon ng simbahan. This is his entire fault! Kung hindi ba naman ako nito binulungan eh di sana maayos pa ang takbo ng utak niya. I filled my lungs with air and calmed my senses down before entering the church. Nang sa tingin ko ay okay na ako ay naglakad na ako papasok. I held my bouquet tightly as I walk down the aisle. Pansin ko ang mga nagtatakang tingin ng mga naroroon lalo na ang aking mga kaibigan na kunot na kunot ang mga noo. Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad at diretso lang ang aking tingin. Ayaw kong igala ang aking mga mata. Baka makita ko pa "siya".

As soon as I reached the end of the aisle, I went to my post and the music changed in an instant. Hudyat 'nun na ang bride na ang papasok. This is not the first time na may dinaluan akong kasal. Naging maid of honor na rin naman ako sa kasal ng kuya ko. But this time, it's different. Kasi ako mismo ang nag-organize sa kasalang ito. Ayokong may maging aberya sa event na ito. Ang iba ko pang mga kaibigan ay bridesmaids at usherettes. Kasal iyon ng kuya ni Nikz na si kuya Christian. Lahat kaming magkakaibigan ay naimbitahan sa kasalang iyon. Para na rin naming pangalawang pamilya ang pamilya ng kaibigang si Nikz dahil madalas kami sa bahay nila. Lalo na noong college. Panay pa naman ang overnight namin para sa mga paper works. Tsaka kung trip nilang maligo sa may bundok. May batis kasi doon. Habang hinihintay ang bride ay napatitig ako sa imahe ng Puong Maykapal na nasa dulo ng simbahan. Tinitigan ko ito at tahimik na nagdasal na sana ay maging maayos ang lahat. Na sana matapos na ang araw na ito para makabalik na na sa tahimik ang aking buhay. Dahil nararamdaman ko ang mga mabibigat na titig "nito" sa akin.

The wedding ended perfectly. The ceremony was solemn and the place was filled with joy and love. Kitang kita sa mga mata ng mga ikinasal ang pagmamahal sa isa't isa. Hindi ko maiwasang ngumiti ng mapait. Once upon a time ay ganun din ako, I was so in love with a guy. A guy that would never hurt me. A guy that loves me so much. I thought everything was good and we were ready to settle. But I was wrong. I got my heart broken.

"Fi, tara na. Sa reception na tayo." Aya ni Niks sa akin.

"Sure. Mauna na kayo, susunod na lang ako. May aasikasuhin pa ako dito sandali." Sagot ko sa kanya.

"Sure ka? Sige. Kita na lang tayo doon. Mauna na kami." Paalam nito sa akin at nauna ng lumabas

Ako naman ay nanatili muna sandali doon dahil may kakausapin pa siya. Hindi pa man nagtatagal ay lumapit na naman ang lalaking ayaw kong makita. Hindi ito nagsasalita, bagkus ay ngumisi lang ito sa akin bago lumabas ng simbahan.

"Sira ulo." naiiling na wika ko at tinignan ang papalayong pigura nito.

OGD 1: Need You NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon