CHAPTER 5: Picture Perfect

10 2 0
                                    

Present day....

Jay-R's POV

Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Simula ng makita niya si P-Ann ng araw na iyon sa simbahan ay hindi na mawala sa isipan niya ang dalaga. Pinangako niya sa sarili bago dumalo sa kasalang iyon na hindi niya ito papansinin ngunit hindi niya napigilan. Bagkus ay nilapitan pa niya ito at kinausap. Akala niya ay iyon na ang huli nilang pagkikita. Ngunit nagkamali siya, sadyang mapaglaro ang tadhana. Sila pala ang hahawak sa fund raising ball kung saan isa ang kompanya nila ang sponsor. Siya ang napiling pumunta sa meeting na iyon. Nang matapos ang pulong, hindi niya napigilan ang sarili na lapitang muli ito dahil naiinis siya sa binibigay nitong atensyon sa mga kalalakihang nandoon. Parang natutuwa rin ito sa atensyong binibigay sa kanya. He heave a deep sigh. Hindi na dapat siya nagpapapekto pa. Matagal na silang tapos. Hindi na rin naman siya nakibalita mula noong naghiwalay sila. Halos ilang taon na rin ang lumipas. Dapat ay wala na siyang nararamdaman dito. Dapat ay galit siya dito dahil sa nangyari noon. Ngunit... Again, he heave a deep sigh.

It's been a week since then, wala na siyang narinig tungkol dito. Pinadala na lamang nito ang kontrata para pirmahan ng kanilang boss. Naging busy na rin naman siya dahil maraming projects ngayon ang hawak niya. He is a civil engineer. Nagtatrabaho siya sa isa sa pinakamalaking construction firm dito sa Laoag City. Maraming oportunidad sa siyudad ngunit mas pinili niyang magtrabaho sa kanilang probinsya. Maliban sa walang masyadong traffic ay napakatahimik dito. Walang polusyon at walang masyadong gulo.

Naputol ang kanyang pagmumuni-muni ng may pumalo sa kanyang mesa.

"Hey! Masyado yatang malalim ang iniisip mo at hindi mo napansin na lunch time na."

It was Lyka. Nakangiti ito sa kanya. Classmate niya ito noong college. Nakasama niya rin ito noong nag OJT sila at ngayong nagtatrabaho na sila, ay magkasama pa rin sila. Nakasama niya rin ito sa ilang mga projects. Maraming nagsasabi na bagay silang dalawa. Bakit hindi daw niya ligawan ito. Wala naman iyon sa kanyang isipan. Isa pa Lyka is a colleague and a friend. Ayaw niyang haluan ng kahit anong malisya ang trabaho o kahit na ang katrabaho pa.

"Lunch na ba?" tinignan niya ang orasan. Past 12 na pala.

"Yup. Sabay na tayo?"

Tumango siya rito at sabay na silang lumabas sa kanyang opisina. Ngayon niya lang napansin na maganda rin talaga itong si Lyka. Pero wala talaga siyang kabalak balak na manligaw na kahit kanino. Wala pa ring makakatalo sa ganda ni... He shook his head.

"Saan mo gustong kumain?" tanong na lamang niya dito.

"Diyan na lang tayo sa may tapat. May bagong bukas na kainan diyan."

Ang bagong kainan na sinasabi nito ay ang Kusina ni Nana Wilma. Kilala niya ang may-ari nito. Isa ito sa mga matalik na kaibigan ni P-Ann.

Pumasok na sila sa loob. Maraming tao ngayon dahil lunch break na, ngunit hindi sila nahirapang makahanap ng uupuan. Habang naglalakad papunta sa upuan nila ay kapansin pansin ang mga litrato na nasa dingding. Halos lahat ay may kwento. Lalo na kung paano naitayo ang kainan. Nagtagal ang tingin niya sa isang partikular litrato. Kuha iyon sa pinakaunang pwesto ng kainan. Nagulat siya ng makita niya ang sarili. Nandoon lahat ng kaibigan ni P-Ann, kasama ang mga kasintahan nila. Kabilang na siya doon. Napakaperpekto ng pagkakakuha. Napakanatural dahil may kanya kanyang mundo ang mga tao roon. Napangiti siya sa alala na hatid ng larawang iyon.

OGD 1: Need You NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon