"PLEASE JOIN US TO CELEBRATE OUR WEDDING"
Kanina ko pa pinagmamasdan ang wedding invitation na hawak ko. Gaganapin ang kasal sa susunod na linggo. Hindi ko alam kung bakit ako naimbitahan sa kasalang iyon. Tila ba sinasadya ng tadhana ang mga bagay na ito. Alam kong darating siya at hindi ko pa siya handang makita. Lalo na sa araw na iyon. Matagal silang hindi nagkita tapos biglang may darating na imbitasyon ng kasal. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Hindi naman siguro ako hahanapin doon. Sasabihin ko na lang na marami akong trabaho sa araw na iyon.
"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Nakita kong pumasok si Lyka sa aking opisina. Napatingin ito sa hawak ko. Agad ko naman iyong binitawan at nginitian ito.
"May problema ba?"
"Ahm.. Wala naman gusto ka lang makausap nung isa nating kliyente. May gusto raw itong idagdag sa plano."
"Ganun ba? Sige susunod na ako. Ililigpit ko lamang ito."
Ngunit hindi ito umalis sa harapan ko. Nakatayo lang ito at pinagmamasdan ako. "May dumi ba ako sa mukha?" Natatawang tanong ko dito. Umiling ito at alanganing ngumiti. May gusto ata itong sabihin pero pinipigilan ata nito ang sarili. Magtatanong na sana ako ngunit naunahan niya ako.
"Dadalo ka ba sa kasal nina.." Agad kong pinutol ang sasabihin nito.
"I don't know. Maybe not"
"Why? Are you still afected?" May pag-aalala sa boses at mata nito.
"I am not affected, Lyka. It's just that, why am I even invited? Am I that important para imbitahan pa nila?"
Hindi ito nakasagot. Lumabas na kami ng aking opisina at pinuntahan ang kliyente namin.
Kanina ko pa tinatanong sa aking sarili iyon. Hindi naman ako importante sa buhay nila pero inimbitahan pa rin nila ako. Nakapagdesisyon na ako hindi ako dadalo. Hanggang kaya kong umiwas ay iiwas ako.
~~~
There you are
Aniya sa isipan. Hindi ito mapakali. Panay ang tingin nito sa paligid. Hindi pa rin ito nagbabago kahit ilang taon na ang nakalipas. Ganon talaga ito kapag kinakabahan, hindi ito mapakali. Hindi ko na dapat ito pinagtutuonan ng pansin pero pagdating na pagdating ko sa simbahan ay nakuha na agad nito ang aking atensyon. Hindi maikakaila ang aking ganda nito. Kahit nasa loob ito ng sasakyan ay kitang kita ko ang hitsura nito. Kanina ko pa ito pinagmamasadan. Pinagaaralan bawat kilos nito. Nangako ako sa aking sarili na hindi ito lalapitan o kakausapin man lang. Nandito ako para sa kasalang iyon at wala ng iba.
Hindi na rin ako nakatanggi ng mismong sina Tito at Tita na ang nagimbita sa akin. Nahihiya naman akong umayaw sa kanila.
"Hindi ka pa ba papasok sa loob?"
Tanong ng kakilala niyang imbitado rin sa kasalang iyon.
"Mauna ka na, susunod din ako agad." Sagot ko dito at pinagpatuloy and pagmamasid sa babaeng nasa loob ng sasakyan. Hindi ko maiwasang alalahanin ang mga pangyayari iyon sa aking buhay habang nakatingin dito. Para bang nanumbalik lahat ang mga iyon kahit tatlong taon na ang nakararaan. Para bang kahapon lang ang mga nganap. Habang tinitignan ito ay hindi ko maiwasang manghiyanang. Manghinayang sa mga taong nasayang. Dapat ako ang naghihintay sa loob. Dapat kami ang...
"Okay! Be ready beautiful people! Line up na! The bride is already here!" Sigaw 'nung coordinator nitong kasal. Maging ako ay natauhan ng marinig ang sigaw. Nakita ko itong bumaba ng sasakyan kasabay ng kabigan nito. Mas lalo akong namangha ng makita siya. Napakaganda nito sa suot na dilaw na gown, kitang kita ang kaputiang taglay nito dahil sa kulay na suot. Para ba itong isang diwata na napadpad sa mundo ng mga mortal.Nakalugay ang mahaba nitong buhok, may suot din itong korona na gawa sa mga bulaklak. Maging ang mga naroon ay napapalingon dito. Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo.
Hindi ko na dapat ito pinapakialaman, Lalo na at may kasalanan ito sa akin. Hinding hindi ko makakalimutan noong araw na iyon. Kahit ilang taong pa ang lumipas. Hindi ko mapapatawad ang ginawa nito sa akin. Lalo na at binago ako ng nagdaang tatlong taon.
Habang nagaayos sila ay halata pa rin na tensyonado ito. Nakalimutan ko na ang pangako ko sa aking sarili na hindi ito kakausapain o lalapitan. Unti unti akong lumapit dito ng hindi nito namamalayan at bumulong sa tenga nito. Nasamyo ko ang pabangong gamit nito. Pabangong gamit niya noon, gamit pa rin niya hanggang ngayon.
"You look tense. Relax, kasal lang naman ito."
Napansin kong nagulat ito at hindi agad nakasagot. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para lumayo at mabilis na pumasok sa loob ng simbahan. Hindi ko alam kung ano pa ang masasabi ko kapag tuluyan ko na itong nakaharap. Hindi pa ako handa.

BINABASA MO ANG
OGD 1: Need You Now
RomansaNOON: Magkaibigan. Magkasintahan. Nagmamahalan. NGAYON: Magkaaway. Ex-lovers and they hate each other. Sa nakalipas na ilang taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Sa di inaasahang pagkakataon silang dalawa ang muling magkakasama. Ito na ba a...