CHAPTER 11: Date

10 2 0
                                    

P-Ann's POV

Monday morning and everyone else is busy doing their stuffs. Wala naman silang ganung kalaking bookings this month. Most of the events were debuts and anniversaries. Kahit hindi na daw ako pumunta according to her staffs ay kayang kaya na nila iyon. She's thinking of getting a bigger place for their office. Parami na rin ng parami ang mga offer sa kanila at kailangan na rin niyang mandagdag nang manpower.

"Miss P-Ann, dumating na po iyong order nating push pins para sa debut nung isa nating kliyente." That's Carla, her sexytary - according to her.

"Ganun ba? Sige ichecheck ko mamaya. Dalhin mo na lang doon sa may meeting room." Bilin niya dito.

"Okay po, Miss." Umalis na ito pero hindi pa man nagtatagal ay bumalik ulit ito. "Oo nga po pala miss, nagkausap na kayo ni Engr.?"

Engr? Who? Kahit may ideya na siya kung sino ito ay hindi niya pa ring maiwasang tanungin ito para makasigurado.

"Engr who?"

"Si Engr. Jay-R po. Pumunta siya dito two weeks ago. Kaso naka off ka po nun. Kayo ho ata ang sadya kasi kayo lang naman po yung tinanong niya. Uuuuui si ma'am. Lumalove life. Ayeeeeei." Tudyo pa nito sa kanya.

"Baka may gusto lang siyang tanungin or i refer. Ikaw binibigyan mo ng malisya. Bumalik ka na sa trabaho." Utos niya dito. Nang makaalis ito ay hindi niya mapigilang ngumiti. Bakit kaya niya ako sinadya? Ano kayang kailangan nito? Hanggang sa maglunch na sila ay hindi pa rin mawaglit sa isipan niya si Jay-R.

Oo at nagka-usap na sila kahit paano. Hindi pa nila napag-uusapan ang nakaraan. Gusto na niyang malinawan, isang bagay na natakot siyang gawin noon. Para na rin maipakilala niya ang anak dito. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon nito. Matutuwa ba ito dahil may anak na siya o magagalit dahil hindi niya ito nakilala ng maaga? Hindi niya nasaksihan ang paglaki nito. Hindi niya narinig ang unang salita nito. Napapabuntong hininga siya dahil sa mga katanungang iyon.

Nagpasya siya na magpadeliver na lang pagkain ng may dumating na food delivery. Hindi pa naman siya nagoorder. Natataka man ay kinuha pa rin niya ito dahil nakapangalan ito sa kanya. Kawawa naman ang delivery boy kung hindi niya ito kukunin. Nakita niya ang tatak ng kainan nina Jayz. Kainan ni Nana Wilma. Baka sa kanya ito galing. Ngunit merong note na nakalagay doon. Kinuha niya iyon at binasa.

Princess Ann,

I hope you don't mind me for sending you a food. Walang itong lason o gayuma. Kidding aside. Enjoy your lunch.

xoxo
Jar-R

Impit na napatili siya dahil hindi niya inaasahan iyon. Bakit siya padadalhan ng pagkain? Anong meron? Binuksan niya isa isa ang mga food containers sa naroon. Merong relyenong bangus na siyang paborito niya. May pinakbet din at ilang prutas panghimagas. Hindi niya mapigilang ngumiti habang kumakain. Mamaya ay itetext niya ito. Pero wait, wala siyang number sa kanya. Napaisip siya kung paano pasasalamatan ang lalaki.

Hapon na at halos pauwi na lahat. Tinignan niya ang orasan at pasado ala singko na pala. She decided to finish the report for this week. Magpapameeting siya bukas para makita ang trend ng kanilang services this month. Kailangan na rin niyang umuwi kasi mag cocommute siya. Wala ang sasakyan niya, pinservice niya ito. Paalis na siya ng mapadaan sa may lobby. Napansin niya na may lalaking nakaupo sa waiting area. Nakatalikod ito sa kanya ngunit kilala niya kung sino ito. Hindi na sana niya ito papansin ngunit tumingin ito sa direksyon niya. Huli na para umiwas pa siya.

"P-Ann." Tawag ni Jay-R sa kanya. Hindi niya napaghandaan ang kanilang pagkikitang ito.

"Hi. Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya dito sabay ipit ng buhok sa tenga. Naku! Napakapabebe mo self!

OGD 1: Need You NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon