CHAPTER 12: Chaos

9 1 0
                                    

P-Ann's POV

Two months from now, ikakasal na kami. Hindi ko maitago ang kasiyahan na aking nararamdaman. Halos araw-araw ay pinaparamdam ni Jay-R kung gaano niya ako kamahal. At halos araw araw naming pinapaligaya ang isa't isa. We make love almost every day. Napakaswerte ko sa lalaking napili kong mahalin at pag-alayan ng aking pagmamahal habang buhay. Sa susunod na buwan ay uuwi na rin ang aking mama at mga kapatid. Excited na ako. Sana walang mangyaring hindi maganda.

Gabi na at wala pa rin si Jay-R. Hindi naman ito nagtext sa akin na gagabihin. Nakapagluto na ako ng aming hapunan. Sasabihin ko rin sa kanya na magre-resign na ako sa aking trabaho. Magtatayo na lang ako ng negosyo para mas hawak ko ang oras ko at para mas mapagtuonan ko ng pansin ang aming magiging pamilya. Kakausapin ko rin aking ang mga kaibigan kung may gustong maging kasosyo ako. Hindi lang para sa akin kaya gagawin ko iyon. Para na rin hindi na magselos si Jay-R kay Oscar. Hindi raw ito komportable na magkatrabaho sila. Wala naman siyang dapat ikaselos. May tiwala daw ito sa akin pero wala daw itong tiwala sa mga nakapaligid sa akin.

Nagpasya akong hintayin na lamang ito sa sala. I decided to check on my facebook account. Wala namang bago, scroll down lang ako ng scroll down. Hanggang sa mapatigil ako sa isang post. Post iyon ng katrabaho ni Jay-R. Nandoon ang aking mahal. Celebration daw iyon para sa kanya dahil nalalapit na daw itong magpatali. Nasa inuman pala ito pero hindi man lang niya ito nagawang magpaalam sa akin. Ang mas nakakainis ay may mga kasama silang babae. Habang tinitignang ang mga larawan ay ganun na lang ang pagpupuyos ng aking kalooban. Katabi ni Jay-R si Lyka. Di ba hindi na nila ito katrabaho? Bakit nandoon ito? Sobrang lapit nila sa isa't isa. Nakahawak pa ang babae sa mga braso ng kasintahan. Sinubukan niyang tawagan ito pero hindi ito sumasagot.

Bandang alos dose na ng hating gabi ng may magpark na sasakyan sa labas ng aming bahay. Agad akong lumabas baka kasi si Jay-R na iyon. Hindi naman ako nagkamali dahil siya nga iyon. Kasama nito si Lyka, magkadikit na naman sila. Doon ko lang napansin na lasing na lasing si Jay-R, halos hindi na ito makalakad. Nakaalalay naman dito si Lyka. Nagtatawanan pa sila habang papasok. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang ganito ito kalasing. Hindi na ako nakatiis kaya nilapitan ko na ang mga ito. Agad kong kinuha ni Jay-R sa kamay ng babae. Napangiwi pa siya dahil sa bigat nito pero wala siyang pakiaalam.

"Ako na." Mataray kong sabi kay Lyka. Tila nagulat naman ito dahil ito ang unang pagkakataon na ginamitan ko siya ng ganung tono.

"P-Ann! Ikaw pala! Congrats ha! Malapit na kayong ikasal." Tumatawa nitong sagot sa akin. Halata na rin dito ang kalasingan.

Sira ulo pala ang babaeng ito. Anong ako pala?! Sinong akala niya ang nakatira dito?

"Sa susunod, huwag niyo na siyang aayaing uminom. Alam niyong ikakasal na kami. Ayokong magkaroon ng asawang lasinggero. Maraming salamat sa paghatid sa kanya. Makakaalis ka na. At paki lock ang gate pagkaalis ninyo." Natigilan ito sa katarayan ko. Hindi ko na kasi mapigilan ang aking sarili. Naiinis na ako dito. Agad na akong tumalikod at hindi na hinintay ang sagot nito. Narinig na lang niya ang papalayong huni ng sasakyan.

Inilapag ko naman si Jay-R sa sofa. Pinakatitigan ko siya at umiling. Kumuha ako ng bimpo at palangganang maliit na may maaligamgam na tubig. Inasikaso ko muna ito bago pumasok sa aming silid para kumuha ng unan at kumot nito. Sa sofa niya ito patutulugin.

Kinabukasan ay dumadaing sa sakit ng ulo si Jay-R. Pinagtimpla ko siya ng kape at basta na lang iyon nilapag sa coffee table. Agad naman akong umalis doon at nagtungo sa kusina. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko.

"Hon..." Sumunod pala ito sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa pagluluto ng aming agahan. Lumapit ito sa akin at niyakap ako sa likod. He buried his face on my neck. "Sorry. Sorry kagabi nalasing ako." Inalis ko ang pagkakayakap nito sa akin. Pinatay ko muna ang aking niluluto bago pumunta sa may sala. And again sumunod ulit ito sa akin.

OGD 1: Need You NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon