CHAPTER 14: Need You Now

10 1 0
                                    

P-ANN'S POV

Tulala ako nang makarating sa bahay. Hindi ko na rin pinansin ang tawag ni Nanay Belinda sa akin. Dumiretso ako sa aking silid at doon binuhos ang aking mga luha. Para akong nauupos na kandila. Para saan ang tatlong taong paghihirap ko? Para saan ang tatlong taong galit na dinala ko? Para saan? Alam kong maging si Jay-R ay nahihirapang tanggapin ang mga nangyari. Pero kailangan naming umusad. Kailangan naming magpatawad. Kung kailan at paano ay hindi namin alam. Siguro ay kailangan na muna naming patawarin ang aming mga sarili bago ang iba. Nakagawa kami ng mga desisyong nakasakit hindi lang sa iba kundi lalong lalo na sa sarili namin. Nagpadala ako ng mensahe sa aking mga kaibigan. I need them now.

Official chat group (OGD)

Me: Guys alam kong busy kayo pero, pwede ba tayong magkita? It's an emergency.

Neva: Sure. Saan? May ganap ba?

Jessy: Bakit anong nangyari?

Bryan: Yes P-Ann. Saan tayo?

Kath: Video call please

Cee: Emergency? May nangyari ba kay PJ? Kay Nanay Belinda?

Jayz: Tangina. Hindi ko gusto itong nararamdaman ko. Saan ba?

Niks: Hihiramin ko na ba yung baril ni daddy?

Me: Kina Jayz na lang tayo. Mas malapit at madaling puntahan. Please, I need you all.

Lahat naman ay nagseen maliban kina Amer at Janesa. Sanay na ako sa kanila. Nagpalit muna ako bago lumabas at puntahan sina Nanay at PJ. Isasama ko si PJ.

"Nanay, akin na muna si PJ. Lalabas po kami kasama nung iba." Malungkot akong ngumiti dito.

"Nagkausap na ba kayo ni Jay-R anak? Umiiyak ka kanina. Ni hindi mo ako pinansin. May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong nito sa akin. Useless rin naman kung magsisinungaling siya rito.

"Opo. May nangyari po, nagkalinawan na po kami nanay."

"Pero bakit parang malungkot ka anak?" Hinaplos nito ang aking pisngi.

"Okay lang po ako nanay. Napagod lang sa naging takbo ng usapan. Papalitan ko muna si PJ nanay." Kinuha ko na si PJ at pumasok sa kwarto nito. Tila nararamdaman ng aking anak ang lungkot ko dahil nakamasid lamang ito sa akin. Hindi ito nangungulit gaya ng dati. Pinalitan ko siya at kinuha ang bag kung nasaan yung  ibang gamit nito kapag lumalabas kami. Sinuotan ko rin siya ng bonnet. "Nanay, lalabas lang ho kami ha?"

"Sige anak. Mag-iingat kayo." Bilin pa ni nanay. Humalik ako sa pisngi nito bago lumabas. Inayos ko muna si PJ sa carrier niya sa loob ng sasakyan. Isunuot ko ang seat belt at naglagay ng maliit na unan sa paligid nito. Nang masiguro kong nakaupo na ito ng maayos ay nagpadala ko ng mensahe sa mga kaibigan na on the way na kami ni PJ.

Habang nasa daan ay pasulyap sulyap sa akin si PJ. Ngumiti naman ako dito. "Yes baby? What is it?" Malambing kong tanong dito.

"Mama. Love you." Hinawakan pa nito ang braso ko at hinaplos iyon. Para bang sinasabi nito na magiging maayos ang lahat.

"And I love you too, my love. So much."

Napatingin ako sa side mirror ng sasakyan ng mapansin na may sumusunod sa amin. Kanina pa, akala ko ay gusto lang nitong mag over take pero hindi naman nito ginagawa kapag binibigyan daan ko ito. Hindi naman ganun kabilis ang pagpapatakbo ko dahil maingat akong magdrive lalo na at kasama ko ang anak ko. Nang bilisan ko ang aking pagpapatakbo ay binilisan din nito ang pagsunod sa amin. May kung anong kaba sa aking dibdib. Nag-aalala ako hindi para sa aking sarili kundi para sa anak ko. I took my phone and dialed the last number that was registered in my call logs. Wala na akong pakialam kung sino iyon. Ang importante ay makahingi ako ng tulong. Hindi ko alam kung nasagot na iyon dahil abala ako sa pagdadrive at pagtingin sa sumusunod sa amin.

OGD 1: Need You NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon