Epilogue

10 1 0
                                        

P-Ann's POV

I was sitting on the beach. Watching the sun as it goes down. I was thinking about what happened in the past. A smile crept across my lips. How silly. I shouldn't be thinking all those things now. They are all in the past and this is my present. With the man that I love.

We decided to stay here just after the wedding. Yes we got married after a month of his proposal. Dito sa beach resort kung saan kami unang nagkabati at nagdesisyong maging magkaibigan. Sabi nga ng aking mga kaibigan, wala namang dahilan para patagalin pa ang kasal. Tama naman sila. Simple lang ang naging seremonya at iilan lang din ang aming bisita. Malalapit na kaibigan at kamag-anak lang ang nandoon. Nagpaiwan kami dito para sa aming honeymoon.

Si PJ ay kasama nina mama at mama Mylene. Hanggang ngayon ay umuungot pa rin ito ng kapatid. Minsan nga nagtampo ito at hindi kami pinapansin ng papa niya. Natatawa ako kapag naaalala ko ang hitsura nito. Nagkandahaba haba ang nguso nito dahil hindi namin maibigay ang kapatid na hinihiling nito. Palagi nitong kausap ang mga ninong at ninang nito. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil ayaw nitong sabihin o kahit ang aking mga kaibigan ay ayaw magsalita.

"Naku! Sinasabi ko sa inyo! Bigyan niyo na ng kapatid iyang inaanak namin. Baka hindi niyo mamalayan bumili na iyan ng baby." - Kath

"Tinatanong sa amin kung paano raw nakakagawa ng kapatid. Aba! P-Ann ke bata bata pa ng inaanak namin baka manood na iyan ng porn!" - Niks

Sinabi nila sa amin iyon ng minsang dumalaw sila sa amin. Hindi namin alam na ganun ang kagusto ni Pj na magkaroon ng kapatid. Maging ang mga pangalawang magulang nito ay kinukulit nito tungkol sa kapatid na gusto. Susubukan namin total kasal na kami ng papa nito. Malay namin may mabuo kami ngayon. I took a deep breath.

"Ang lalim naman nun, hon."

Napangiti ako ng maramdaman na may mga bisig na yumakap sa akin mula sa likuran. Aah my husband. Napakasarap pakinggan. He rested his chin on my shoulder. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Unti unti ng lumalabas ang mga bituin. Maging ang buwan ay sumisilip na rin.

"Is there any problem, hon?" Tanong nito sa akin. Umiling naman ako.

"Nothing, hon. Napakasaya ko. Buti at bumalik kami ni PJ dito. Kung hindi, hindi tayo magkakaayos."

"Kung hindi man kayo bumalik ay hahanapin ko pa rin kayo. Handa akong magmukhang tanga makasama muli kita." Inamoy amoy nito ang aking leeg. Nakikiliti naman ako.

"D-did you look for me for the past three years? Right after I left?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong na iyon. Pero gusto niyang malaman.

"Do you really need to know? We're already married, hon." Alam kong nagbibiro lang ito base na rin sa tono ng pananalita nito. I just shrugged my shoulders. "Honestly, yeah. I searched for you. I asked your friends but Celeine and Jayzelle pushed me away. They even gave their middle fingers." I heard him chuckled. Knowing Cee and Jayz? He continued talking. "Then I asked your brothers. Nagtataka ako kung bakit galit sila sa akin. Alam kong nandoon ka dahil hindi naman sila magagalit sa akin nang ganun kung wala silang alam. Kaya lumipad ako papuntang Australia." Natigilan ako sa sinabi nito. Hindi ko alam iyon. Alam kaya ng mga kapatid ko? Pinuntahan niya ako. Bakit hindi ito nagpakita sa akin? "I saw you. You were working at a flower shop but I didn't know that you were pregnant at that time. You were smiling. Your eyes shine when you smile. Mukhang masaya ka na sa buhay na meron ka doon. Kaya mo na ng wala ako. Mukhang hindi mo na ako kailangan sa buhay mo. Kaya hindi na kita ginulo. Umuwi akong bigo. And the rest is history..."

"Oh, hon. I am so sorry. I didn't know you were there. I am smiling because of our litte guy. Kung alam ko lang..." Mahinang sambit ko dito. Hindi nito alam na buntis ako. Marahil ay dahil maliit lang akong nagbuntis noon. At panay ang suot ko ng makakapal na damit dahil sa malamig noon. Hindi halata, akala nga ni Miss Rayne noon ay busog lang ako.

OGD 1: Need You NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon