P-ANN'S POV
"Happy birthday, PJ!"
Isa isang binati ng aming mga bisita ang aking anak. Thomas and friends ang tema ng kaarawan ni PJ dahil paborito nito ang programa. May mascots at standees na train din. May clown din para magentertain sa mga bisita. Nandito lahat ang aking mga kaibigan. Si Amerson na laging wala ay present ngayon. Maging si mama ay umuwi dito sa Pilipinas para sa kaarawan ng apo nito. Tuwang tuwa si PJ dahil marami kaming mga bisita at marami itong matatanggap na regalo.
Hindi naman nagtagal ang pamamalagi namin sa hospital. Wala namang problema kay PJ. Maayos din ang naging resulta ng CT scan nito kaya agad din kaming nakalabas ng hospital. Mas naging madali rin ata ang paggaling nito dahil nasa tabi niya ang papa niya. Oo, pinakilala ko na siya sa papa niya. Iyak ng iyak ang ama nito. Hindi lang silang mag-ama ang nagkaayos. Maging kami ay okay na rin. Hindi na ako nagkunwari na hanggang magkaibigan lang kami. I want more than that. Magiging impokrita ako kung sasabihin kong wala na akong nararamdaman dito. And speaking of that man, wala pa rin ito. Sinabihan niya ito na maagang pumunta. Kanina pa ito hinahanap ng anak niya.
Hindi naging madali ang mga pinagdaanan namin nitong nagdaang buwan. Hindi na rin kami nagsampa ng kaso laban kay Lyka. Pinangako nito na lalayo na ito at hindi na muling lalapit pa sa amin. Humingi rin ito ng tawad sa mga nagawa nito. Pinatawad ko na rin siya para makausad na kaming lahat. Ayokong may dinadalang mabigat sa kalooban. Ang huli naming balita dito ay umuwi ito sa probinsya nila. Doon daw ito magsisimulang muli. Naipaliwanag na rin namin sa aming pamilya ang mga naganap. Nagalit sila pero kalaunan ay naunawaan rin nila ang lahat. Ang importante raw ay nagkalinawan at nagkaayos na kami. Maging si Nanay Belinda ay tuwang tuwa ng ibalita ko sa kanya na ayos na kami ni Jay-R. Si Tita Mylene naman ay pauwi pa lang ng Pilipinas. Excited na itong makilala ang unang apo nito.
"Hoy P-Ann, nasaan na ang inaanak namin? Ibibigay na namin mga regalo namin sa kanya." Tanong ni Neva sa akin. Napakunot noo naman ako dahil nandito lang iyon kanina. I look around only to find out that my son is nowhere to be seen. Baka kasama nito si mama pero nasa isang table si mama at nakikipagkwentuhan sa mga bisitang naroon.
"Nandito lang siya kanina ah. Nakikipaglaro sa mga bata. Nasayaan na yun? PJ? PJ?! PRESTON JANUS?!" Tawag ko sa buong pangalan ng anak dahil hindi ito sumasagot. Ayaw kong mag-isip ng masama pero bigla akong kinabahan. Napatakbo ako papasok ng bahay dahil nasa garden sila. Nakasalubong ko pa si Bryan na takang taka kung bakit ganun at hitsura ko.
"Saan ka pupunta, P-Ann? Nasa likod ang handaan. At bakit nagmamadali ka?" Tawag pansin nito sa akin.
"Si.. Si PJ kasi wala sa likod. Baka lumabas." Kinakabahan kong sagot dito.
"Naku. Baka nakipaglaro lang siya sa mga bata dito. Wala namang masamang mangyayari sa kanya. May mga pulis din rumuronda dahil sa mga balibalitang may puting van na nagunguha raw ng mga bata." kaswal na sagot nito. Mas lalo akong kinabahan sa sinabi nito. Nilagpasan ko na siya at dumiretso sa labas.
"PJ! PJ! Where are you?!" Diyos ko po, nasaan ang anak ko? Nag-ikot ikot ako at nagtanong tanong sa mga kapitbahay. Hindi nagtagal ay may lumapit na pulis sa akin.
"Ma'am, may problema po ba?" Tanong nito sa akin
"Sir, may nakita ba kayong bata? He's four, maputi, ganito siya katangkad at may maitim na mga mata, nakasuot ito ng kulay asul na shirt na may print na train." Nag-aalalang tanong ko dito.
"Wala ho ma'am eh. Kanina pa kami nag-iikot dito pero wala naman po kaming napansin. Ang mabuti pa po, subukan nating pumunta sa presinto para magtanong kung may report tungkol sa nawawalang bata." Sagot nito sa akin. Lalo akong nanghina sa sinabi nito. Nasaan na ba kasi ang anak ako? Nalingat lang ako sandali nawala na ito. Sakto namang pasakay na ako ng police mobile ng lumabas si Amerson mula sa bahay.
BINABASA MO ANG
OGD 1: Need You Now
RomanceNOON: Magkaibigan. Magkasintahan. Nagmamahalan. NGAYON: Magkaaway. Ex-lovers and they hate each other. Sa nakalipas na ilang taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Sa di inaasahang pagkakataon silang dalawa ang muling magkakasama. Ito na ba a...