She's running as fast as she can. Tears filled her vision. Isama pa ang malakas na ulan. Hindi alam kung saang direskyon siya tutungo. Ang tanging alam lang niya ay kailangan niyang lumayo sa lugar na iyon.
Nakarating siya sa gilid ng kalsada. Kung minamalas ka naman, walang sasakyang dumaraan dahil na rin sa ulan. Pero kailangan niya talagang makaalis sa lugar na iyon. Bahala na kung ano ang mangyari. Sinubukan niyang tumawid ngunit bago pa man siya tuluyang makarating sa kabila ay isang nakabibinging busina ang kanyang narinig dahilan para mapaupo siya sa gilid ng daan. Muntik na siyang masagasaan. Ilang dipa na lang ang layo nung sasakyan sa kanya. Marahil ay hindi niya ito napansin dahil sa dinaramdam at hindi na siya makapag-isip ng maayos.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng sasakyan. "Hey! Are you okay?!" tanong nung sino. Hindi siya makasagot. Tanging hikbi lang ang namumutawi sa kanyang mga labi. "Oh my God! You're crying! Miss okay ka lang ba? Are you hurt somewhere? Need nating pumunta sa hospital. Ghad! I am so sorry! Bigla ka kasing tumakbo plus it's raining, buti na lang hindi ganun kabilis ang pagpapatakbo ko." tumingala siya pa tignan ito ngunit hindi niya maaninag kung sino siya. Dahil nasisilaw siya sa ilaw na galing sa kotse at nanlalabo na ang kanyang paningin dulot ng pag-iyak at ulan. Natigilan ito marahil ay dahil sa hitsura niya. Umiiyak at basang basa pa ng ulan.
"Oh my God!" nakailang oh my God na kaya ang babaeng ito. "Fi! Anong nangyari sa'yo? Saang ka galing?" sunod-sunod na tanong nito. Bakit siya kilala nito? Bakit ang dami niyang tanong? Sino ba ito? Bago pa siya makasagot ay umikot at nandilim ang kanyang paningin. Bago siya tuluyang mawalan ng malay ay narinig pa niya ang sigaw ng babae.
"Oh my God! Fi! Help! Help!"
Hinihingal na napabangon siya sa higaan at butil butil ang kanyang mga pawis. "Isang panaginip." Anas niya sa sarili. Nakitang niyang maliwanag na sa labas ng kanyang bintana. Tinignan niya ang oras sa bed side table and it was already 6:00am. Sapo ang kanyang dibdib, hindi niya maiwasang alalahanin ang kanyang panaginip. Bakit napanaginipan niya ang isa sa mga pangyayari sa buhay niya na nais niyang ibaon sa limot. Huminga siya ng malalim ipinilig ang kanyang ulo. Kailngan niyang kalimutan iyon dahil importnate ang araw na ito.
She went to the kitchen to drink some water. Maghahanda na rin siya para sa presentation ng kanyang team mamaya. May meeting sila para sa gaganaping fund raising ball para sa mga kapos-palad. Kailangan perfect ang presentation nila. Kailangan sa oras na ipresent nila ito sa mga kliyente ay pipirma na sila agad sa amin. Total at sila rin naman ang kanilang napili, she doesn't want to disappoint their clients. Hindi niya maintindihan kung bakit sa dinarami rami ng events coordinator sa bansa ay ang kanilang maliit na kompanya ang napili para i-manage ang ball. Kaya sisiguraduhin niya na magugustuhan nila ito. After drinking some water, bumalik siya sa kanyang kwarto para kunin ang laptop niya. Tapos na iyong ipre-present nila, titignan na lang niya kung may kulang or kailangang dagdagan. Pagbalik sa kusina ay nadatnan niya si Nanay Belinda na hinihahanda ang kanyang kape.
"Good morning nanay B!" bati niya rito sabay halik sa pisngi nito. "Good morning anak. Alam kong gising ka na dahil nakita kita kanina na pumasok dito. Hala umupo ka na diyan para maipaghanda na kita ng almusal." nakangiting turan nito sa kanya.
Napangiti naman siya at nagtungo na sa upuan. Binuksan niya ang laptop at binasa ang inihinda nila mamaya. She's busy browsing and reading every details of the report. Medyo kinakabahan siya mamaya kahit alam niyang mapapaoo nila ang kanilang kliyente. Kinakabahan siya dahil masyadong malaki ang event na ito at malalaking tao ang involve. Kaya naman niyang iwan sa mga staff niya ang trabaho kaya lang ay mas gusto niya na nandun siya kung iprepresent ito. Gusto niya hands on siya sa bawat mangyayari sa events na hinahawakan nila, mula sa pagbibigay sa kanila ng kung anong theme ng event iyon hanggang sa matapos ang kontrata. She wants it to be perfect. Hindi man kalakihan ang kanilang kompanya ay hindi rin naman ito papahuli sa mga naglalakihang events planner sa buong probinsya nila. Unti unti nang nakikilala ang Princess Events. May mga ilang politicians na rin ang kumukuha sa kanila para sa debuts, weddings, anniversaries, birthdays at iba pa. So far nagugustuhan ng mga kliyente nila ang kanilang serbisyo to the point na ni rerecommend sila sa kanilang mga kakilala.
BINABASA MO ANG
OGD 1: Need You Now
RomanceNOON: Magkaibigan. Magkasintahan. Nagmamahalan. NGAYON: Magkaaway. Ex-lovers and they hate each other. Sa nakalipas na ilang taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Sa di inaasahang pagkakataon silang dalawa ang muling magkakasama. Ito na ba a...