CHAPTER 9: Peace

17 2 2
                                    

Jay-R's POV

It's been a week since the last time he saw her. After the party, they haven't seen each other. Kahit pa may usapan na sila. Yeah. They talked after that dance in the ball. They have a peaceful talk. Kahit na hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa nakaraan. Okay na siya dun. May tamang panahon para dun. Hindi niya malimutan ang kanilang pag-uusap...

At the ball...

After that dance, we decided to go back to our respective table. Nandun na rin sina Daniel at Lyka. May gustong sabihin si Lyka pero pinili nitong huwag magsalita.

Hindi pa man tumatagal ay nakita niyang tumayo ito at lumabas ng hall. Dumaan ito sa may gilid ng pool. Hindi na siya nagsayang ng oras pa. Susundan niyo ito. Sa kanyang pagtayo ay pinigilan siya ni Lyka. May pagtataka sa mga mata nito.

"Where are you going?" Tanong nito sa kanya. Mula nang manggaling sila sa kainan nila Jayzelle ay palagi na itong nakasunod sa kanya. She started acting strangely. He don't understand why suddenly, she became curious of all the things that he'd been doing and of all the people his been talking to. Simula ng malaman niyang nagkita kami ni P-Ann sa meeting para sa ball ay napakadami na nitong tanong. "Gusto ko lang siyang kumustahin. Naging kaibigan ko rin naman siya kahit paano." Iyon lang ang naging sagot nito. Pero hindi dun nagtatapos ang lahat. Siya lang dapat at si Daniel ang narito sa ball pero pinilit nitong sumama sa amin.

Gusto na sana niyang sabihin na wala na siya dun pero pinigilan niya ang sarili. Kahit paano ay malaki ang utang na loob niya dito. Siya ang karamay niya noong lungkot na lungkot siya at lugmok. Ito ang nagtiyagang umalalay sa kanya nung mga panahong akala niya ay hindi na niya makakayanan ang sakit. Kaya siguro naging palatanong ito nitong mga nakaraang araw ay baka nag-aalala ito na bumalik ako sa dati dahil sa pagkikita naming iyon ni P-Ann. Hindi na iyon mangyayari.

"I just need some fresh air." Binawi niya rito ang kamay at agad na umalis pa bago pa ito makasagot.

Tinunton niya ang daan kung saan lumabas si P-Ann. Hinanap ng mga mata niya ang babae pero wala ito. Wala ito sa may pool area. May ilang naliligo doon at nag-iinuman. May nakita siyang maliit na daan na ang tanging ilaw ay Christmas lights. Sinundan niya iyon. Hindi naman siya nabigo dahil natagpuan niya ito na nakaupo sa isa sa mga benches na naroon. Nilapitan niya ito at tumabi. Nagulat pa ito nang makita siya.

"Hey. What are you doing here?" Mahina ngunit dinig niya na tanong nito.

"I just need some fresh air. May mga tao sa pool tapos nakita ko yung daanan papunta dito. I didn't know that you're here. If you're not comfortable na may kasama, I can leave." Pagsisinungaling niya dito. Hindi niya pwedeng sabihin na sinundan niya talaga ito at baka kung ano pang isipan niya.

"Ah no. I mean you can stay here if you want. Mas tahimik dito kesa sa loob." nakangiti nitong sagot.

Again, his heart skipped a beat. Mabuti at nangingitian niya ako ng ganun. Kahit pa ngiwi iyan ay tatanggapin niya.

"So.. How's life?" He's trying to make a conversation. Kahit pa tanungin niya kung anong paborito nitong kulay kahit alam niya ay tatanungin pa rin mapahaba lang ang usapan nila. Makausap niya lang ito. Isang bagay na hindi niya nagawa tatlong taon na rin ang nakakaraan. She chuckled.

"Funny ain't it? Parang kailan lang nung kinamusta mo ako ay nauwi tayo sa pagbabangayan. Parang ayoko ng sagutin iyan. Baka magkainitan na naman tayo." Alam kong nagbibiro lang ito dahil may ngiti ito habang sinasabi ang mga iyon.

OGD 1: Need You NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon