CHAPTER 8: No Regrets

11 2 0
                                    

Mabilis na panahon ang lumipas. Graduate na kami ng aking mga kaibigan maging si Jay-R. Ngayon naman ay nagtatrabaho na kami. Napili naming magtrabaho sa Laoag. Uwian ulit ang ginagawa namin gaya nung nag-aaral pa kami. Mas malapit lang ang distansya ng biyahe kumpara nung pumapasok kami sa school. Ang iba naming mga kaibigan ay nagtatrabaho na rin. Ang iba ang nag-aral ulit ng ibang kurso.

Nabalitaan ko na magkatrabaho sina Lyka at Jay-R sa iisang construction firm. Siya naman ay sa DFA nagtatrabaho. Ang nakakatuwa ay magkalapit lang ang kanilang mga opisina.

"Naku! Huwag kang mag-alala Pricess Ann, babantayan ko itong jowa mo. Walang makakalapit na kahit na sinong babae sa kanya."

Napangiti naman siya sa tinuran ni Lyka. Hanggang ngayon ay mag kaibigan pa rin sila. Sabay sabay silang naglunch ngayon araw na ito.

"Maraming salamat Lyka. Hindi naman ako nag-aalala. May tiwala naman ako dito." Napansin niyang nawala ang ngiti sa mga labi nito sandali. Pero agad din nitong binalik iyon.

"Naku kahit na. Mas mabuti ng sigurado tayo." Nagkatawanan pa sila.

"Kayo talaga kung mag-usap kayo parang wala ako dito. Hindi naman ako gagawa ng kahit na ikasisira namin ni hon. Ayokong masayang iyong tagal ng pinagsamahan namin. Kulang na lang e kasal. Di ba hon?" Tumaas baba pa ang mga kilay nito. Napangiti naman siya dahil naiisip nito ang kasal. Kung siya ang tatanungin ay gusto na rin niyang bumuo ng pamilya kasama ito. Lalo na at wala na ang kanyang mama dito sa Pilipinas. Nasa ibang bansa na rin ito. Tanging si nanay Belinda na lang ang kasama niya sa bahay. Minsan ay doon na rin natutulog si Jay-R para may kasama kaming lalake.

Sabado ng umaga at wala silang pasok ngayon. Nasa bahay lang naman sila at nagpapahinga. Lumabas siya ng kanyang silid para hanapin ang nobyo. Napagdesisyunan na dito na sa bahay tumira si Jay-R. Ang mama nito ay kinuha ng kanyang tito sa ibang bansa. Wala ng nakatira sa bahay nila. Minsan ay pumupunta sila doon para maglinis.

"Hon? Nasaan ka?" Tawag niya dito.

"Dito sa likod hon!" Pasigaw na sagot nito.

Agad naman siyang pumunta sa likuran. Nadatnan niya itong naglalaba ng kanilang mga damit.

"Hala ka bakit ikaw ang naglalaba diyan? Hindi ba dumating yung labandera?" May pumupuntang kapitbahay sa kanila para kunin ang mga labahin. Hindi na nila pinaglalaba si Nanay Belinda dahil dumadaing ito ng sakit sa likod kapag nakaupo ng matagal.

"Pumunta naman hon kaso hindi raw muna ito makakalaba dahil may pupuntahang burol. Kaya ako na ang naglaba. Si Nanay Belinda naman namalengke. Hintayin mo nalang ako sa loob. Konti na lamang ito. Mabilis na lang ito." Sagot nito habang itinaas ang kinukusot. Ganun na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makitang pati ang underwear niya ang nilabhan nito. Namumula ang kanyang mukha ng hablutin niya ang bra mula sa kamay nito.

"Bakit pati ito nilabhan mo?! Pwede mo namang iwan ito!" Pulampula ang mukha niya.

"Bakit ka pa ba mahihiya?! Eh magiging mag-asawa naman na tayo. Kasal na lang ang kulang! Akin na iyan para matapos na ito!" Pilit nitong inaagaw ang underwear sa kanya. Ngunit ayaw niyang ibigay ito dito. Jusko itong lalakeng ito!

"Ayoko! Ako ng magtatapos niyang ginagawa mo."

"Akin na sabi iyan. Huwag ka ng makulit! Ano pa bang ikahihiya mo eh nahawakan ko na iyan?!" Lalong namula ang kanyang mukha dahil sa sinabi nito. Oo nahawakan na niya ang boobs niya pero aksidente iyon. Sira ulo talaga!

OGD 1: Need You NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon