Parang panaginip lang ang lahat. Parang hindi totoo. Baka kapag pumikit lang siya sandali ay biglang mawala lahat ng ito. Lahat pa naman ng sobra ay may kapalit. Kapag sobrang masaya ka, hindi magtatagal ay may kapalit na lungkot. Ayaw niyang maging nega pero...
"Anong iniisip ng aking Hon?" Malambing na tanong ni Jay-R sa akin. Tinabihan naman niya ako sa may sala. Nadatnan niya ako na tinitignan ang singsing sa aking daliri. Mahigit isang buwan na mula ng ma engage kami. Nakakuha na rin kami ng mga tao para magasikaso ng aming kasal. Gaganapin ang kasal anim na buwan mula ngayon. Itinapat namin sa anniversary ang kasal para mas lalong maging espesyal ang araw na iyon.
"Wala naman Hon. Para kasing panaginip ang lahat ng ito. Sobrang saya ko." Pag-amin niya dito. Bigla na lamang niya akong hinalikan. Ramdam niya ang init ng mga labi nito.
"Oh iyan? Panaginip pa rin ba?" Nakakalokong tanong nito sa akin. Inilagay ko ang aking hintuturo sa aking sentido na para bang nag-iisip.
"Hmm..."
"Hmm...???" Nang hindi ako sumagot ay pinugpog niya ako ng halik sa mukha at kiniliti. Tawa naman ako ng tawa. Nang tumigil ito ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinakatitigan ang mga mata nito. Napakaganda talaga ng mga mata nito. Mas lalo na itong pumogi. Nagkakalaman na rin ang katawan nito dahil nag wowork out na ito. Nagkaka muscle na siya. Hindi na siya gaya nung college na payatin.
"I love you, hon. Nasabi ko na ba na napakaganda ng iyong mga mata? Gustong gusto ko ang mga mata mo. Kung sakaling magkaka-anak tayo, gusto kong mamana niya ang mga mata mo." Madamdaming saad ko sa kanya.
"And so do I, hon. I love you so much. Alam kong gusto mo ang aking mga mata, hon. Dahil sa tuwing nag-uusap tayo ay tila wala ka sa sariling nakatingin lang sa akin. At alam ko rin na hindi lang mata ko ang gusto mo. Gustong gusto mo ako, kita mo nga at pakakasalan mo ako." Binigyan niya ako ng magaang halik at tumawa pa ito sa huling sinabi.
"You're so full of yourself, mister!"
"Mahal mo naman, misis." Kinindatan pa niya ako.
~~~
Kalat na sa kanilang opisina na ikakasal na ako. Hindi na rin nakakapagtaka dahil na rin sa suot na singsing na may malaking bato. Maraming natuwa at binati ako.
Isang umaga habang nagtatrabaho ay nilapitan ako ni Oscar o mas kilala bilang Oca. Isa siyang clerk at bago pa lamang siya dito. Binigyan niya ako ng kape. Maraming nagsasabi na may gusto sa akin si Oscar. Hindi ko naman iyon pinapansin dahil alam ng lahat na may kasintahan ako. Hindi rin naman nagbibigay motibo si Oscar o nagpaparamdam ng kahit na ano.
"Salamat, Oca. Hindi ka na sana nag-abala pa."
"Naku wala iyon. Tsaka binigyan ko naman lahat sila tapos ikaw hindi?" Nakangiti ito sa kanya. Minsan parang may something sa ngiting iyon pero ipinagsawalang bahala na lamang niya dahil wala naman itong ginagawang masama. Nagpaalam na ito na magtatrabaho, ako naman ay bumalik na sa aking ginagawa.
Maraming mga tao ngayon sa opisina dahil kukuha sila ng passport kaya medyo busy rin ang mga tao dito. Nagtext si Jay-R na hindi niya ako masusundo pauwi dahil pinag o overtime sila ng kanilang boss. Nakakatuwa dahil lumalaki na rin ang firm kung saan sila nagtatrabaho. Marami na rin silang nakukuhang projects kaya tambak sila ngayon ng trabaho.
BINABASA MO ANG
OGD 1: Need You Now
RomanceNOON: Magkaibigan. Magkasintahan. Nagmamahalan. NGAYON: Magkaaway. Ex-lovers and they hate each other. Sa nakalipas na ilang taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Sa di inaasahang pagkakataon silang dalawa ang muling magkakasama. Ito na ba a...