Remembering Sunday

29 1 0
                                    

A/N: This is my favorite chapter based on one of my favorite songs. Medyo matagal ko nang naisip to eh. Haha.

Song inspiration: Remembering Sunday by All Time Low

Sa mga nakakaalam ng kanta na to, I bet maiintindihan niyo agad ang chapter na to.

-Yang ♡
°°°
"You can never have both your great love and your correct love."

NARRATOR
04 October 2307
0712 Hours

"TOYANG?"

He woke up from dreaming and put on his shoes

Silence. Akala niya gising na si Toyang kasi alas siete na ng umaga. Medyo ineexpect pa nga niya na nasa kusina na iyon at nagkakape habang binabasa ng paulit ulit si Ligaya.

He smiled unconsciously the minute Ligaya crossed his mind. They are supposed to look for possible shooting locations. They already have the actors all of them were from the first and second halls, of course. Good thing the film didn't need to be an hour or more. They already have their crew consisting of their subordinates. Aither was a bit annoyed because they could've started the briefing/workshops today.

Ugh, where on earth is she?

Nagpunta na siya sa kusina para magkape. Wala si Toyang. Wala sa buong bahay. Walang note. Wala.

Started making his way past 2 in the morning

Labag man sa House rules nila pinasok niya ang kwarto ni Spes. Maayos pa rin ito, nandoon ang maleta, ang mga damit. May nakatambak na files na may seal ng The Aristos tsaka files ng Lycanthrope Army, kinuha ni Aither yung iba para basahin. Hindi naman sa tsismoso siya pero feeling niya may makukuha siya sa mga folder na to eh.Baka may makita siyang clue eh. May naiwan nga din doon na isang pack ng yosi na may nakasulat na EUPHORIA na hinayaan na lang ni Aither. Walang kakaiba sa kwarto ni Spes.

But if you think about it, nilabag na naman pala ni Spes ang isa sa batas nila. Don't do stupid things. Lagi na lang ba?

Tangina naman oh.

He hasn't been sober for days

Alam naman niyang ilang araw din siyang naging masamang housemate. Eh sa nahihiya siyang mag sorry eh! Kayo kaya malagay sa posisyon niya! Kala niyo ba madali? Ang babaw nga naman ng pinagawayan nila pero nagpatong patong na lang siguro yung stress at kung ano ano pa. Lethal combination talaga ang physical and emotional exhaustion. Lalo siyang na pressure nung may Caldereta pa si Spes. Ano ba yan, Aither?! Tama ba namang magreminsce habang naghahanap? Sige lang, Stadtfeldt malayo mararating mo dyan.

Patuloy siyang nagtingin tingin sa kwarto ni Spes. Wala namang kakaiba.

Meron pala. Wala si Spes.

Meron pa pala. Iniwan ni Spes ang cellphone niya sa kama. Imposible. Napailing siya. Imposible. Sobrang fixated kaya ni Toyang sa phone niya! Sinubukan niyang buksan ito at himalang wala itong lock screen. Ang wallpaper nito ay Wizard of Oz. Walang kakaiba sa gallery. Sa messages din. Wala.

Di niyo naman siya masisisi kung umasa siya di ba? For the record, attracted siya kay Spes kahit sino naman di ba pagdating sa crush mo punong puno ka ng hope lagi. Hindi naman siya super duper attracted basta crush lang niya ganoon. Sino bang hindi magkaka crush kay Spes di ba?

Perhaps he got overdosed with hope that nothing was left of him. Naisip tuloy niya na dapat siguro magkaroon ng warning signs o words of precaution ang mga taong nakakasalamuha natin. Tipong may nakalagay na tag sa kanila na may nakasulat na 'nang iiwan ako bigla sa ere,' 'wag kang masyadong umasa sakin,' 'papaasahin lang kita,' 'bigla akong nawawalang parang bula,''wag kang umasa na maattach ako sayo,' o kaya 'sasaktan lang kita lumayo ka na.'

Fabricated MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon