C-11 [ Crazy People and Embarrassment ]

13 0 0
                                    

Nakakaurat na sunod siya ng sunod.Sa pagkadaldal niya iniwanan ko.siya ng hindi niya napapansin.

Maya-maya may sumunod na naman.Haisst! Kung hindi ko lang makontrol ang sarili ko pumatay,makakapatay na ako ngayon na!

"Can you stop following me"may kalakasan kong sinabi ng hindi lumilingon.Nagtitimping huwag magalit.Kaya nagtinginan ang mga tao,nung lumingon ako si Grumpy pala yun.

"You're crazy"sabi niya ng seryoso at saka ako nilagpasan.

"I'm not crazy Cody Lee"I'm just mistaken.So Grumpy's name is Cody Lee. Napatigil siya, narinig niya pa iyon.

"Why do you know my name? Are you a stalker?"tanong niya.

"Huwag kang mag-assume...never akong nagstalk ng tao"

"Then if not....paano mo nalaman ang pangalan ko"humarap siya sa akin.

"Bakit may problema bang malaman ko ang pangalan mo..."

"No I'm just asking..and you look guilty about it"

"Hindi ako guilty at ang sagot ko sa tanong mo....nakita ko sa name tag mo"Nakalagay naman talaga sa may damit niya bulag lang siya.Lumakad na ako ayokong makipag-usap sa walang kwenta.

Narinig ko na lang na sinabi niya na"Alam ko.I'm just testing you"bago pa siya maglaho sa paningin ko.Nagsilapitan kasi ang mga babaeng baliw sa kanya.

Umuwi na ako pagkatapos maligo't magbihis sa comfort room.



Pagkadating ko sa bahay nakita kong paalis na si Max.

"Oh! Bakit ganyan ang mukha mo?"tanong niya gamit ang slang niyang accent."May problema ba?"

"Nothing...at kung hindi ka maniwala pwede mong tanungin ang School"kalma kong sabi kahit bwisit na bwisit na ako sa loob-loob ko.

"Oww"

"May clue ako sayo kung gusto mong malaman ang totoo....."makulit kasi ito minsan."Sinong mag-aakala na isa na akong kinaiinisan ng ibang babae sa School, matanong lang,may buntot ba ako kaya ako sinusundan...."natawa si Max sa sinabi ko pero nung masabi ko ng"And do you want to know the worst of all...may  babaeng tumatawag sa akin ng Aria di ba nakakatawa at nakakaasar....."nagbago ang aura niya,namutla siya bigla.

Iniwan ko siya dun na ganon ang itsura at umakyat ng hagdan.Pero nacurious ako sa kanya never ko pa kasi siyang nakitang ganoon ang itsura.



Naghugas ako ng mukha sa C.R ng kwarto ko.Pagtingin ko sa salamin biglang nag-dim ang paningin ko at unti-unting sumasakit ang ulo ko.Nararamdaman ko ang pagkahina ng mga tuhod ko kaya agad akong napaluhod habang hawak ng magkabilaan kong kamay ang hindi ko makontrol na pagsakit ng ulo.

May mga bagay na nagpapasakit ng ulo ko.Mga imahe na di ko maintindihan.Kahit hinang-hina nagmamadali akong ilublob ang mukha ko sa unan dun sa may kama ko at sumigaw.Pilit kong pinipigilan ang sakit pero wala akong magawa dito.Feeling ko pwede na akong mamatay ng di-oras.Sobrang sakit.....nangingirot sa sakit.

Tumulo ng tuluyan ang luha ko.

Ano na bang nangyayari sa akin..bakit palagi na lang ganito...di ko na makayanan.

 Subukan kong magpacheck-up.Baka malalang sakit na ito sa utak.Mas malala pa sa baliw.



OUR BRAVE PROTECTORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon