Jean's P.O.V
Mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon.I don't know why.. I just felt very easy for me.
Mas lalo akong ginanahan magtraining kahit sa Monday pa iyon.
Mas gusto kong pumasok kahit Sabado.
Mas masarap ang tulog ko ng walang pinoproblema.
Mas masarap ang buhay ko...kahit hindi ko matikman.
Mas..............wala na akong masabi.
Sa monday na pala ang Athletic Sport laban sa St.Camelton at gaganapin pa daw sa Sports Center.Haay kailangan ko pa talaga maghanda.
What should I wear today then? Pupunta kasi kami ni Max sa bahay ng kaibigan niya.Actually HINDI ako PUMAYAG pero pinilit niya ako kaya ito sasama,kawawa baka umiyak.
Pumunta na ako sa may closet at binuksan ito.
Gray jegging ang kinuha ko pambaba,white shirt na may dalawang black lines sa sleeves naman ang pantaas ko at may sulat sa likuran na Xanders,ninety-nine naman ang nakalagay sa likuran sa may taas ng xanders nito na paborito kong number.Bigay ito ni Max nung 15th birthday ko,mahilig daw kasi ako dito.However,I don't like celebrating my birthday.Hindi ako happy sa salitang "Happy"Birthday.Hindi ako palasaya,tumawa ng malakas at never akong nagkaroon ng kaibigan hanggang ngayon.I prefer to stay alone kesa mangialam sa buhay ng may buhay.
Nung nasa Baguio pa ako.Uso ang tawag sa akin ng mga kaklase ko na lonerious girl of campus.Always lonely and serious daw ako.Ewan,sila lang yun.
Haisst tama na nga ang drama,di ko kailangan ng mga ganyan,kailangan ko lang ngayon ay rubbershoes para matapos at makaalis na.
Ang buhok never na yan sinusuklayan,nakalugay lang palagi.Wala akong time para mag-ayos and I will never want to do that to myself.I'm still thinking kung ipapagupit ko ba at ipapa-dye since maraming nagsasabi o nag-iisip na mukha akong gangster sa kanto dahil hindi daw ito totoo.Geez,ewan ko sa kanila.
Lumabas na ako ng kwarto habang nakasuot ng black cap.Pag matapos na kasi kami pumunta sa bahay ng kaibigan niya,pupunta ulit kami sa Oval para ma-enhance ang training ko sa pagpipitchess ng ball.Kaya ito outfit ko ngayon.And I will bring extra gloves para sa pansalo ng bola.
Pagbaba ko,wew anong pupuntahan ni Max? Bakit nakatuxedo.Akala ko kaibigan niya pero bakit siya nakasuot ng ganyan na parang may pupuntahang mahalaga.Parang party.Ewan bahala.
"Why are you wearing tuxedo...?"tanong ko habang nakatalikod siya at umiinom ng kape.
Paglingon niya sa akin,tiningnan niya ako ng nakakunot-noo,head to toe akala mo isang inspector. Tch
"And what in the world are you wearing?"sabay turo sa aking suot.Mahilig talaga ito magbalik ng tanong eh.
"Bakit...bawal ba? Problema ba?..." may kaniya-kaniya tayong trip sa buhay.Iyang kaniya trip niya magtuxedo.
"It's not like that.But we're going into a luxurious party"sabi niya.
Tiningnan ko siya ng blangko.Pinapahiwatig kong wala akong paki sa suot ko.Mas kumportable ako dito.
"I thought we're just going to see your friend..wala ka namang binanggit na engrandeng party pala ang pupuntahan natin"
"Yeah,but it is his son's birthday kaya makikita natin siya doon"
Sons Birthday huh?Galing niya din eh noh.Clever.
Pero hindi mo pa rin ako makukumbinse magsuot ng dress,gown or whatever formal clothes.Alam kong uutuin niya ako pero hindi sa lahat ng oras mauuto niya ako lalo na pagdating sa taste ko ng kasuotan.
BINABASA MO ANG
OUR BRAVE PROTECTORS
Fiksi RemajaBy: Hashtagfriends Description: Revenge can either be good or bad;For some people take advantage for revenge to take over.It is something that you should think very much because as the saying goes "Karma is just around the corner ". ~Kamsaham...