PRESENT
Huminto ako sa may aking usual parking area malapit sa building ng apartment ko. My apartment. Dati apartment namin, pero ngayon apartment ko na lang. Miles. Nakita kong nakasulat sa pader na mayroon pang doodle ng pink cloud sa ilalim ng word na Miles. What are the odds, diba? Vandalism ito, kaya buburahin ko talaga to next time, lalo na't maaalala ko lang yung lalake sa shop kapag makikita ko to. Kinuha ko na ang mga gamit ko at naglakad na papuntang apartment ko.
I'm home!, sambit ko pagka-pasok sa loob ng bahay ko. Madilim. Tahimik. Kulang. Sobra. Ganyan ko nakikita yung apartment ko. Actually walang nagbago sa physical na ayos ng apartment ko two years ago, ganoon pa rin ang ayos ng mga furnitures, design ng buong floor. Wala talagang nagbago, pero mayroon lang isang importanteng parte nito ang nawala. Iniwan ako ng importanteng parte na yun at nag-iwan na rin ng malaking butas sa puso ko, na ngayon ay puno na lang ng dilim.
Ilang beses na rin ako kinausap ng mama ko na baguhin ang ayos ng bahay ko, pero hindi ako sumunod, kaya sabi niya kahit yung mga pictures na lang na naka-display sa buong bahay ay tanggalin ko. Hindi na daw niya kayang nakikita akong malungkot at biglang maiiyak tuwing makikita yung muka niya sa pictures. Huwag ko na daw torturin pa ang sarili ko, at tangggapin ko na lang daw ang realidad na iniwan na niya ko, at hindi na siya babalik. Ang realidad na wala na kame.
Minsan gusto ko na lang sumang-ayon at maniwala sa kanya, pero kahit ano naman kasing gawin ko, hindi pa rin siya ganon kadali kalimutan. At kahit ilang taon na ang lumipas, I still have hope in my heart. Kaya naman tinabi ko lahat ng pictures niya sa isang kahon, at tinago ito. At para makalimutan ko kung saan ito nakalagay, pinagpapalit-palit ko ito ng pwesto. But who am I kidding, tinago ko lang yung box sa may shoe rack kagabi.
Dumiretso ako sa may shoe rack kung saan nakatago yung box safe and sound. Na-tempt akong buksan ang box, pero pinigilan ko na lang din ang sarili ko. Naglakad ako papuntang laundry area, at tinago ulit ang box sa sira kong dryer.
"Stay there, babe!" Baliw na ko. Kung may makakita man sakin, mapagkaka-malan talaga kong baliw. Tama bang kausapin ang dryer at tawagin itong babe?
Naghahanda na ko ng dinner, at actually dinner for two dahil sigurado kong may pupunta sa bahay ko ng mga ganitong oras. At speaking of the devil, ay mayroon nag-bell sa aking pintuan. Katulad ng inaasahan ko, dumating si Chloe. Si Chloe ay 17-year old na kapitbahay ko na nakatira sa 3rd floor kasama ang dalawang tiyahin nyang dalaga. At her very young age, nagustuhan ko na ang kanyang drive at perseverance sa buhay. She's actually an old-soul, who listens sa BeeGees, Carpenters, at Elvis Presley. Mahilig rin siya mag-basa ng mga books, isa na rin siguro sa mga dahilan kung bakit kami nagkasundo.
Siguro iisipin ng ibang tao, na wala kong kaibigan na ka-edad ko at desperado kaya pati isang teenager kinakaibigan ko. Pero I'm not that old pa naman, I'm only 25 years old, kaya lang kapag may kausap ako na mas bata sa akin kahit buwan or isang taon lang, pakiramdam ko talaga ang tanda ko na. I'm like "Hey, galangin mo ko. Matanda ko sayo ng isang linggo!"
Pagbukas ko ng pinto ay nakatayo si Chloe at nakakunot ang buong mukha, at hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Kung titignan si Chloe, katulad lang din siya ng mga ordinaryong teenager, at minsan nakikita ko yung batang version ko sa kanya. Pero mas maganda siya, sa buhok pa lang niya na mahaba at kulay mais. Naaawa lang din ako minsan sa mga lalake na humahabol ng tingin sa kanya, dahil wala siyang oras sa kanila na mabuti naman, dahil tamang mag-aral muna siya. Siguro isa na rin yun sa epekto ng pag-tira kasama ng dalawang matandang dalaga.
"Ate Elaine, pwede ba kong matulog dito ngayong gabi? Si Tita Cora kasi, nag-Feng Shui na naman sa bahay eh. Alam mo ba kung saan niya inusog yung kama ko?" Nagkibit-balikat lamang ako.
BINABASA MO ANG
Unbreakable Love
RomanceSa loob ng dalawang taon, araw-araw bumabalik si Elaine sa coffee shop. Every morning with the same person in her mind. In her heart. Naghihintay siya katulad ng pinangako niya sa kanyang sarili. But what if there is... Someone who came into her lif...