Chapter 3- PAST

25 5 2
                                    

PAST

Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay mayroon pa rin akong Science class sa course ko. Nasa third year college na ako with my Business Management course. Though na-enjoy ko naman ang Science class noong nasa high school pa ko- Human Biology ang favorite ko- pero ng biglang sumulpot ang Chemistry at Physics, nag-kalabuan na yung magandang relasyon namin ng Science. Parang relasyon lang din na maganda at madali sa umpisa, pero habang tumatagal ay naging komplikado at mahirap na. 

Yung mga numbers lang kasi yung nagpapagulo lalo eh, kasi mayroon na ngang Math subject na tino-torture ako gabi-gabi, tapos idagdag pa daw ba sa Science.

Kaya naman dinobol-check ko yung hawak kong registration card bago pumasok sa kwarto. Everything inside screams that I'm in a wrong room, tumingin ako sa buong kwarto at majority ng mga studyante ay babae, akala ko nasa cosmetology class ako, dahil lahat sila parang lalaban ng Miss Philippines. 

Bigla kong nahawi yung buhok ko at inipit sa gilid ng aking tainga. 

At nakita ko siya. 

Hindi ko inaakala na pwedeng mayroong isang tao na kasing gandang lalaki niya. Para siyang isang fae mula sa mga fantasy books na binabasa ko, na asian version. Kulang na lang yung long at pointy ears, at sobra lang yung suot niyang damit, mayroon kasi akong thinking na kapag fae kailangan naka-topless. Shucks, ano bang iniisip ko?

Mayroon akong napa-nood na movie na sabi ay malalaman mo daw na siya na yung para sa'yo kapag nag-slow-mo yung buong paligid. Ayun na yata yung pina-corny at cliche na narinig ko, pero not until this moment. Parang gusto kong sumigaw sa buong kwarto ng SYETE!! TOTOO YUNG SABI SA MOVIE!!  Dahil totoong nag-slow-mo ang buong paligid, sobrang surreal ng moment. 

At dahil katulad din ng mga movies, ay hindi mawawalan ng panira ng moment, dahil pumasok na sa kwarto ang professor na natabig pa ako, dahil nakatayo pa rin ako sa may bungad. At lahat ng tao ay kumilos ng kabaligtaran ng slow-mo. Kaya nag-madali na rin naman ako na maupo sa pinaka-malapit na upuan, at kapag sinuswerte ka nga naman, sa katabing upuan pa niya yung bakante.

At kahit parang may magnet na humahatak saken ay nagawa ko pa rin na hindi siya tignan sa buong kalahati ng klase, and then Mr. Miguelito (Yes, Miguelito ang last name ng Prof namin) announced a pop quiz. Lahat ng tao sa kwarto ay nalungkot at umangal, kahit ako.

"Folks, stop complaining. It's just a pop quiz. It's not a life and death quiz. Hindi 'to makaka-apekto sa pag-graduate ninyo," sigaw niya.

"Tsss, then why take it?" bulong ko at swear nakita ko siya sa gilid ng mata ko, ngumisi siya. Feeling ko talaga fae siya, dahil narinig niya pa yung bulong ko na 'yon.

"Get one paper and pass the rest to your left." Tumingin siya sa kanyang relo, "And finish it in 5 minutes." Pangalan pa lang malalagay ko sa 5 minutes eh. Pero hindi ko alam kung saan ako kinakabahan, sa quiz ba or sa taong nasa kaliwa ko. Siya kasi yung nasa kaliwa ko, ibig sabihin kailangan kong tumingin sa kanya, at baka mag-kadikit pa yung kamay namin.

Stupid. No. Imposible. Pwede ko naman mapasa yung papel ng hindi tumitingin sa kanya. Yeah, tama ganoon na lang at hindi naman iyon mahirap. Dumating na sa akin ang mga papel, at katulad ng na-plano ko ay pinasa ko sa kaliwa ko ang papel ng nakatalikod lang sa kanya, kaya ng akala ko ay hawak na niya ang mga papel ay binitiwan ko na ito, pero nahulog lang lahat sa sahig, agad akong lumingon sa kanya.

"Anong nangyare dyan?" tanong ni Mr. Miguelito. Kaagad akong tumayo mula sa upuan at dinampot ang mga papel, at siya naman ay pumunta sa kabilang side para damputin yung mga lumipad na papel. Ugh, this is not happening saken. Bumalik ako sa aking upuan at hinarap siya.

"Bakit mo nilaglag yung mga papel?" Inis kong tanong sa kanya.

"Ikaw kaya ang nag-hulog ng mga papel. At you're welcome, by the way."

"Ha, binigay ko na sa'yo eh. Ikaw may hawak, kaya ikaw ang may kasalanan, at hindi ako." Naupo na ako ng diretso.

"Sigurado akong gusto na ninyong makauwi, kaya if pwede lang. Domingo, can you stop your chit-chat with your friend at ipasa na ang mga papel." Sigaw ni Mr. Miguelito, at ngayon ko lang napansin na naka-tingin na pala silang lahat sa amin. Ugh.

"I don't think it's possible to take up the quiz without the paper. That's why I didn't get the papers yet, hinihintay kitang kumuha ng sa'yo." Sabi niya at bakas na rin sa kanya na medyo naiinis na siya. 

Ugh, that's very stupid of me. Elaine, he is just a boy. Just someone with a pretty face, get yourself together, I reminded myself.


Unbreakable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon