PRESENT
Sa wakas. Friday night na, at nasa mood ako ngayon mag-movie marathon. Dumaan ako kanina sa grocery store para bumili ng popcorn, pizza, and drinks. Dumaan na rin ako sa record bar na malapit sa amin, para bumili ng mga DVDs. Everything is perfectly set na, pero bago ako mag-simula sa marathon ko ay tumawag muna ako sa aking parents.
Pero nung kausap ko ang mama ko, at tinanong siya kung pwede ko makausap ang aking papa, sinabihan niya lang ako na tawagan ko siya sa cellphone niya. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ganon pa, kahit mag-katabi lang naman silang dalawa. But I call him on his phone anyway.
Napatingin ako sa aking wall clock and it's 6:13 PM already. Kailangan ko na mag-simula para makarami ako ng mapapanood ngayong gabi. My choice of movies are tearjerkers, heavy drama, love story, dahil gusto ko yung napapa-iyak ako. I'm such a hopeless romantic din minsan.
Wala akong ine-expect na bisita ngayong gabi, kahit si Chloe, kaya ng tumunog ang door bell ko ay nagulat na lang ako, at nag-alangan kung tatayo para buksan ang pinto, pero ng tumunog ulit ito ng magkaka-sunod ay tumayo na rin ako.
"Okay, okay! Eto na! Pwede wait lang!"
Dire-diretsong pumasok si Chloe sa loob ng apartment, at napatulala na lang ako sa kanyang ayos. She's dressed up mula sa buhok niya at sa kanyang outfit. Muntik na kong matawa, dahil nagulat lang ako, pero pinigilan ko na rin ang sarili ko dahil napaka-ganda niya sa kanyang ayos, sobrang ibang-iba sa normal na ayos niya, at ayoko namang ma-offend siya.
"Ano sa tingin mo, ate? How do I look? At 'wag ka mag-sinungaling, I will appreciate your honesty. Am I too much?" mabilis niyang sambit.
Kunwari kong pinag-aralan ang kanyang ayos, at umikot ako sa kanya. Naka-suot siya ng fitted na black dress, at above-knee ang haba, at naka-black boots. Ang buhok naman niya ay mukhang ginamitan ng plantsa sa sobrang tuwid nito, na sobrang bumagay din naman sa bilugan niyang mukha. Ang make-up niya ay light lamang, at may kaunting accessories. Simple pero elegante ang dating.
"Yung totoo?" tanong ko at tumango lang din siya.
"You look gorgeous!! Tama, that's the right term. OMG, Chloe, I know naman you're beautiful eh, kailangan mo lang din i-upgrade ng konti yung wardrobe mo, and you will be the Chloe version 2.0" Napangiti ako sa kanya, at tumungo lang siya sa hiya.
"So, saan ka naman pupunta sa pormahan mo na yan?" Bumalik ako sa aking couch at niyakap ang aking stuffed toy na Rilakkuma (my only favorite stuffed toy).
"Uhm, actually ate Elaine, you're coming with me," sagot niya. Napalaki lang yung mga mata ko, at agad kong iniling ang aking ulo.
"Ha-ha, no. I'm not going anywhere ngayong gabi, Chloe. Marami pa kong gagawin, tsaka iiyak pa ko mamaya, at wala kong balak tumayo dito sa couch ko," sabi ko sabay subo ng popcorn sa aking bibig.
"Eehh, ate, sige na please. May gig kasi sila Matthew ngayong gabi. Gusto niya kong pumunta, at gusto ko rin talaga siya suportahan. Bumabawi rin kasi ako sa kanya. Sige na ate, please sobrang important 'to sa kanya."
"Anong name ng banda nila?" bigla kong natanong.
"Huh?Uhm, wait.. Oh.. Pretty boy!" Kamuntikan ko ng makagat yung dila ko sa sinabi niya.
"Ano? Pretty boy? Who named their band 'Pretty boy'...? At tsaka bakit ako sinasama mo? Bakit hindi na lang yung mga kaibigan mo?"
"Ayoko silang maka-sama tonight. Besides, nag-paalam na rin ako kay Tita Gemma na ikaw yung kasama ko, kaya pumayag na rin siya."

BINABASA MO ANG
Unbreakable Love
RomanceSa loob ng dalawang taon, araw-araw bumabalik si Elaine sa coffee shop. Every morning with the same person in her mind. In her heart. Naghihintay siya katulad ng pinangako niya sa kanyang sarili. But what if there is... Someone who came into her lif...