Chapter 2- PRESENT

47 5 2
                                    

PRESENT

Tumatagos na sa bintana yung mainit na sikat ng araw, at nararamdaman ko na itong gumagapang sa paa ko. Kaya naman bumangon na ko mula sa pag-kakahiga, at tumulala ng ilang segundo. Bago man tuluyang bumango ng higaan, nag-dasal muna ako para sa panibagong araw na binigay sa akin. Another chance. Another hope. Another book to read. 

After my little prayer, naka-ngiti akong lumingon sa aking side drawer. Dito kasi nakapatong yung tanging bagay na tinago ko mula sa mama ko. Isa itong music box na old-style ang design, at sa loob nito ay isang pigurin ng lalake na may hawak na singsing. An engagement ring, na pinadala sa apartment ko after ng isang buwan mula ng iwanan niya ko.

Katabi ng box ay isang baso ng tubig na iniinom ko first thing in the morning, siya dati yung nagdadala saken ng water every morning. Dahil sabi niya, he wants to be the sweetest boyfriend, someone na maipag-ma-mayabang ko sa mga kaibigan ko, sa mga party na pupuntahan ko, at sa mga relatives ko. Pero hindi na ngayon. Apparently I need to do it myself na lang. 

Habang umiinom ay muntik ko ng mabuga sa PJs ko yung tubig, ng makita ko yung time. It's freaking 11:30AM already. I don't normally overslept, yung last time na na-late ako ng gising ay yung nagka-lagnat ako, and that was a year ago pa.

Nag-madali ako sa pag-ligo at namili ng damit sa aking closet ng walang ilaw na nakabukas. Wala naman akong magawa sa aking buhok dahil natural na silang kulot, I have these curls na konti na lang mag-mumukha ng Afro hair kapag pina-iklian ko pa. Dati sinubukan kong i-style ang buhok ko sa pag-plantsa, pero habang tumatagal parang na-da-damage lang yung buhok ko, kaya tinigil ko na rin. At tsaka kahit plantsahin ko pa, bumabalik pa rin yung tunay nitong anyo after ng buong maghapon, kay sinuko ko na talaga. 

Sabi rin nila na 'Leave it alone!' ang number one rule sa pag-kakaroon ng natural curly hair, or not really number one pero I'm sure somewhere on the list. After kong magbihis, hinalukay ko yung cellphone ko sa ilalim ng aking kama, dahil sa di malamang dahilan doon naka-lagay yung outlet ko. Nakita ko ang lahat ng messages na ngayon ko pa lang mababasa, halos lahat ay mula sa boss ko na naghahanap ng review ko. Fudge. I'm screwed. Hindi! Matatapos ko to today, kailangan ko lang maka-punta na sa C&J at basahin yung last 130 pages. 

Nag-reply ako sa boss ko, at lumabas na ng kwarto. I'm on my way na sa aking kusina, ng mahagip ko ang reflection ng aking damit sa salamin. Napahinto ako at tinitigan ang sarili sa salamin, siguro kung nandito pa siya matutuwa akong suot ko ang damit na ito, pero hindi ngayon. Nag-alangan tuloy akong lumabas ng bahay na suot ito, kaya lang nagmamadali rin talaga ko.

Dumiretso na ko sa ref at kumuha ng tubig, at bago ko tuluyang lumabas ng apartment ay binasa ko muna yung note na nakadikit sa may pintuan ng aking ref. It was a note na sinulat niya sa akin 2 years na ang nakalipas. Ang totoo niyan kabisado ko na yung nakasulat, pero binabasa ko pa rin ito araw-araw. 

Araw-araw pinaniniwala ko yung sarili ko na sinulat lang niya yun kaninang umaga, at darating siya sa usapan katulad ng sinabi niya sa note. Kaya naman ito na lang din yung natatanging hope ko. Alam ko parang sobrang babaw ng dahilan na dahil lang sa isang note ay nagawa ko mag-hintay ng 2 taon. Pero para sa akin kahit gaano pa kaliit na pag-asa, panghahawakan ko pa rin. That note is my only hope every day. That is the reason I still keep on holding on.

Good morning, babe! I'll see you at C&J café at 1PM.

I'll be there, wait for me.

P.S. You really look good in that dress we saw yesterday. I can't help but buy it, 'coz I think it's only meant for you.

oooooooxxxxxxx :P

Unbreakable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon