Chapter 6- PAST

27 3 0
                                    

PAST

Ngayong araw ay Friday the 13th and we called it FF13 or Fudge Friday the 13th. Sabi nila it's the unluckiest day to do anything, pero we take it completely the opposite. Sa araw na ito, nag-ce-celebrate kami, we're going on a date sa buong araw just like normal couples, habang suot ang aming couple shirt na may nakalagay na Fudge Friday the 13th.

Sa araw na ito susubukan namin ang aming swerte, or if ever na papanig sa amin ang swerte. Mag-lalaro kami ng Bingo cards, bibili kami ng sweepstake cards, tataya sa lotto ticket, at mag-lalaro rin kami sa Timezone or sa perya.

Sa simula pa lang ng taon, ay i-ma-mark na niya lahat ng Friday the 13th sa calendar. Nakasanayan na namin ito gawin, at naging isa na rin ito sa mga araw na ina-abangan namin maliban sa payday, 13th month, bonus day, holidays, birthdays, at anniversary.

"Happy Friday the 13th, babe! Wake up na! Are you ready to have some fun today?!" sambit niya habang dahan-dahan niyang yinuyugyog ang aking balikat.

"Hhmmm, yes!! I'm so ready for today!!" sabi ko sa ilalim ng unan. Tinawanan lamang niya ako at pinalo ang aking pwet.

"Okay, babe! Bumangon ka na dyan! Kapag hindi ka bumangon in 5 minutes, hindi mo magugustuhan ang sunod kong gagawin," sambit niya, sabay lakad palabas ng kwarto.

"Ugh, stop your empty threats!" ang tangi kong nasabi pero bumangon na rin ako kaagad, dahil mahirap na. Dahil alam ko na rin ang gagawin niya, papatunugin niya lahat ng daliri niya sa kamay, pati yung daliri ko sa paa. The sound of someone cracking their knuckles is my Kryptonite.

Pagka-labas ko ng kwarto, nasa dining area na siya at nag-hahanda ng almusal. Pakiramdam ko ay natalo ko na ang jinx ngayong araw, at hindi ko na kailangan subukan ang swerte ko, dahil ngayon pa lang ako na ang pinaka-swerteng babae for having him in my life.

Kung sa araw-araw ba ay makikita mo yung boyfriend mo na naka-shirtless habang nag-hahanda ng breakfast para sa'yo, at fresh from the shower pa dahil basa pa yung buhok niya. Bigla kong nakalimutan yung abs ni James Reid at yung gwapong mukha ni Daniel Padilla, pati na rin lahat ng fictional boyfriends ko (Rowan, Augustus Waters, Ridge, at Park), because this is the real thing. He's my non-fictional boyfriend, at I'm fangirling hard every time he walks around in our apartment shirtless.

"Oh, nandyan ka na pala!" sabi niya sabay silip sa kanyang relo. "Good girl, ha-ha. Tara babe, lamanan na natin yang tiyan mo."

"Ah, parang busog na ko eh," sabi ko at napangiti na lang ako sa kanya.

"Huh? Talaga? Pero wala ka pang nakakain ah, niluto ko pa naman yung favorite mong breakfast," sambit niya dahil mukang clueless siya sa ibig kong sabihin.

"Pero ikaw yung favorite kong breakfast," tukso ko sa kanya.

"Ha-ha, ikaw talaga!" I will never get used to seeing him blush. It's one of my favorite things in the world along with pizza.

"Maupo ka na, kukuha lang ako ng shirt ko."

"Huh? Hindi okay lang naman ah. Okay lang naman din sa 'kin."

"You mean okay lang sa'yo na naka-shirtless ako habang nag-be-breakfast tayo?"

"Aha," kagat labi kong sagot sa kanya.

"Ha-ha. But that's unfair, sige I'll go topless if you go topless too."

"Ha? Wait, kukuhaan kita ng t-shirt!" biro ko sa kanya, pero pumunta nga ako saglit sa kwarto para kumuha ng damit niya.

Pag-balik ko ay tinatawanan lang niya ako. "Hmmp, oh eto na! Tara kain na nga tayo. What's the plan today, babe?" excited kong tanong sa kanya.

*************

Usually we're going to end yung araw na ito sa pag-lalaro ng slot machines sa isang casino, pero ngayong gabi ay nag-punta kami sa may seaside sa MOA. Bumili siya ng beer, barbecue, at pizza. Naka-upo lang kami sa may gilid kasama ng ibang tao na pinili ring tumambay na lang dito. Mabuti na lang at nakahanap kami ng pwesto na mayroong pagitan sa ibang tao. Medyo tahimik ang paligid, which is not usual dahil Friday at payday ngayon at karaniwang matao sa lugar na ito.

Magkatabi kaming nakaupo, habang nakahiga ang ulo ko sa kanyang balikat, at nakatanday naman ang kanyang dalawang kamay sa likuran. It's a peaceful sky, the stars are shing so bright, I feel like they're competing with each other of who is the brigtest star.

"Choose your star, babe," sambit niya kaya napatingala naman ako sa kanya para tignan kung seryoso siya, at muka nga siyang seryoso.

"Huh?, Uhmm. Okay, sige..Uhmm. Ayun! That's my favorite star!" sabi ko sa kanya sabay turo sa napili kong star.

"Maganda nga yang star na yan, parang kanina pa nga siya nag-pa-pa-cute sa'yo eh."

"Ano namang i-name mo sa kanya? Dapat bigyan mo na rin siya ng name, para pag next time na bilhin natin, alam mo na kaagad."

"Bilhin yung star?" tanong ko sa kanya.

"Oo, meron kasi akong nakitang website sa internet na pwede mong bilhin yung star, and they will give you a certificate para ikaw yung magiging official na owner."

"Ha-ha, wow. Astig yun ah. Pero ano namang gagawin natin sa star?"

"We'll keep it as our guide. Right?" Napatingin ako ng diretso sa kanya at hinawakan ko yung mukha niya.

"Wait, totoo ba 'yan? Baka naman lasing ka lang."

"Babe, hindi pa 'ko lasing, kaya pa kitang buhatin at kahit tumakbo pa 'ko habang buhat ka." Muka ngang kaya pa niya.

"Hmm, okay, sige. I'll name it..uhmm, "Miles Away".

"Bakit naman "Miles Away"? Because it's a million miles away from you?" Tanong niya at tumango lamang ako habang nakatingin sa langit. Naramdaman ko na lang na inabot niya ang aking kamay at hinalikan ito, malamig ang kanyang labi, dahil na rin siguro sa beer na iniinom namin.

"Pero alam mo naman nandito lang ako palagi para sa'yo, diba? Kahit na si "Miles Away" ay million miles away sa'yo. Hindi ako mawawala sa tabi mo, promise babe."

"I know and I thank God everyday for having you in my life." Then he kiss my forehead.

We went home that night safe and sound, but woke up with a hangover the next morning.

Fudge Friday the 13th, we survived it, I thought.



Unbreakable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon