PRESENT
Naranasan mo na bang magising ng umiiyak? Hindi ko matandaan yung napanaginipan ko, pero ang mukha niya ang malinaw na nakita ko. Ang totoo niyan ay mayroon akong dream journal, at kung titignan mo iyon ay karamihan pangalan niya lang ang nakasulat. Pero ngayon hindi ako makakapag-sulat sa aking dream journal, dahil wala ako sa aking bahay.
Bago pa man mag-bago ang isip ko ay bumiyahe na akong pa-Baguio last Friday, papunta sa bahay ng parents ko. It was an 8-hour trip, na mayroong 2 bus stop station, kung saan pwedeng bumaba ang mga pasahero para gumamit ng public toilet, bumili ng pagkaen or kumain sa canteen. Hindi ako lumabas para mag-toilet dahil mayroon na nito sa loob ng bus. Kaya bumili na lang ako ng chips, drinks, at isang ineteresting na book sa may Books & Magazines section ng store.
Natulog, kumaen, nag-basa at tumingin sa bintana lang ang ginawa ko. Bago umalis ang bus, ay nag-makaawa din ako sa katabi ko sa bus na mag-palit kame ng pwesto dahil sinabi ko na mayroon akong phobia sa pag-upo sa may isle side, na hindi naman totoo, syempre. Gusto ko lang talagang maupo sa tabi ng bintana.
2 weeks ago lang ng huli kong bisita sa Baguio, at hindi ako masyadong nag-tatagal ng ilang araw, dahil sa sobrang lamig sa Baguio. Hindi lang ako comfortable sa ganoong klaseng lamig. Pero sa ngayon ay gusto kong makita ang parents ko, gusto ko silang mayakap at makakita ng familiar faces.
Kaya ngayon nandito ako sa extrang kwarto at nakahiga sa lumang kama ko, na nilipat nila dito mula sa Manila, and I'm an only child. During my college day, naisipan nilang lumipat na sa Baguio, dahil sabi nila dito daw ang kanilang dream place to grow old together. Wala naman kaming kamag-anak sa Baguio, kaya naman nag-alala ako sa kanila at tumutol noong una, but they're such impossible to argue with, kaya pumayag na rin ako at nag-boarding house ako sa Manila.
Noong una ay na-enjoy ko siya, pero mas madalas na malungkot at feeling alone ako, kahit kasama ang mga kaibigan. Pero not until I met him. Nagbago lahat. He completes every missing part of my life. He fills all the empty spot of my heart. Until he became my home.
Why am I thinking about him again? I'm here to be with my family and relax. Bumangon na rin ako sa aking higaan at nag-unat ng mga buto, ng makarinig ako ng butong tumunog sa aking kamay, ay tumigil ako kaagad. Hindi ko lang talaga gusto yung ganoong tunog, tapos minsan mayroon pang mag-papatunog ng kamay sa harapan ko. UGH. No. Hindi ko talaga kaya.
I say a little prayer at bumaba na rin ako. Nakita ko ang mama ko na nag-hahanda ng almusal sa lamesa, at ang papa ko na nag-babasa ng daily newspaper. Isa silang larawan ng kontento, masaya, at payapang buhay. Siguro tama nga sila, it's their home. Masaya na rin ako para sa kanila.
Nagpapadala din ako sa kanila monthly, pero minsan hindi nila tinatanggap, dahil sasabihin nila mayroon pa silang pera mula sa mga nabenta nilang prutas at gulay. Mayroon silang garden sa likod ng bahay, puno ng sari-saring gulay at prutas, especially strawberries. Sasabihin ng papa ko na matanda na daw ako, kaya dapat mag-save na daw ako ng sarili kong pera para sa future ko. Nakakatawa lang na mag-isip para sa future, kung hindi pa nga ko maka-move-on from the past, at nandito ako sa present at hindi mapakali.
"Good morning, lovers!!" bati ko sa kanila. Hinalikan ko sa pisngi ang aking papa, at niyakap ang aking mama.
"Hmmm, naaamoy ko na yung pagkain ah. Anong breakfast naten?" Paglingon sa may stove ay nakita ko ang nakasalang sa kawali, at automatic na kuminang ang mga mata ko, "Scrambled egg!! Na may keso!! I can eat them all day. Yeheyy, thanks mama." Yes, it's my favorite breakfast. Kainis lang dahil kailangan ko na ulit bumalik mamayang gabi, para makarating sa Manila ng Monday morning.
BINABASA MO ANG
Unbreakable Love
RomanceSa loob ng dalawang taon, araw-araw bumabalik si Elaine sa coffee shop. Every morning with the same person in her mind. In her heart. Naghihintay siya katulad ng pinangako niya sa kanyang sarili. But what if there is... Someone who came into her lif...