PAST
Kahit kailan hindi talaga ako mag-da-drive ng kotse, pati na rin ng scooter. Para sa akin isa ito sa nakakatakot na na-imbento ng tao, despite of all the advantages. I just can't take lang kasi yung responsibility sa mga taong naka-paligid, para kasing sa isang pagkaka-mali maaaring maka-aksidente ako ng ibang inosenteng tao.
Pero I will never forget the day I went home crying and he talk me down. Sinabihan niya akong huwag ng matakot. "Fear is the only reason for holding people's lives, and it's not worth it." Sabi niya na hindi natin malalaman kung ano yung nasa labas, kung ikukulong lang natin ang sarili. Sabi niya the world is outside to be discovered, and only brave people dare to do that.
I remember that same night na lumabas pa siya para bilhan ako ng ice cream. We ate it together and talk all night, after ng gabi na iyon ay nabawasan na yung takot ko, I woke up full of confidence, pero I woke up ng walang boses.
"Babe, you know hindi natin 'to kailangan ubusin tonight. Tsk, I think nag-kamali ako ng nakuhang lata ng ice cream eh, masyadong malaki ito para sating dalawa." Sabi niya habang pinapanood akong simutin yung isang lata ng ice cream, at nakangiti sa akin. God, I love seeing his smile. It's like a dessert that completes my whole meal.
"No, babe. You know what, tama ka eh. Let's be fearless and maniwala ka mauubos natin 'to ngayong gabi." Sabay sandok ng isang kutsarang ice cream and put it playfully into his mouth and he opens it like a child.
"Hmmm, okay, tomoohh na yan!" sabi niya habang tinutunaw ang malamig na ice cream sa kanyang bibig.
"Huh? You mean gusto mo pa ng ice cream? Sure, ito pa. Baby, open your mouth."
"No, babe. Seriously, you need to stop eating na. Bukas na lang ulit---" tumayo na siya at dinampot sa sahig yung empty can.
"Pero sabi mo na dapat maging fearless, diba?"
"Ha-ha, pero eating a whole ice cream doesn't make you a fearless."
"Hindi, mali ka! Kailangan natin tong ubusin. Tsaka alam mo ba na a couple that eat ice cream together sticks together forever?" sabi ko at tumayo na rin ako sa couch namin.
"Together forever, and ever, and ever. Don't you like that, babe?" Tumalon ako sa kanya at niyakap ang aking mga braso sa kanyang beywang. Napahinto ako ng makita ko yung seryosong mukha niya, at parang biglang bumagal yung ikot ng mundo ng unti-unti niyang nilapit ang kanyang mukha sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata, at naramdaman ko na lamang ang kanyang labi sa aking leeg. Malamig yung pakiramdam, dahil na rin siguro sa ice cream, at niyakap niya ako.
God, it's my favorite place on earth. Sabi nila Disneyland is the happiest place on earth, I've never been to Disneyland, but I don't need to go there to be the happiest girl. In his arms is my favorite place ever.
Dahan-dahan niya na ring binaba ang kanyang mga kamay papunta sa aking kamay, na may hawak na kutsara at lata ng ice cream. A trick. He tricked me.
Bumitaw siya sa pag-kakayakap sa sakin. "Ha-ha, got you babe. No more ice cream tonight! Tara, matulog ka na!" sabi niya.
"Bleeehhh!" At bago tuluyang lumakad palayo ay dinilaan pa ko bilang pang-aasar. Napanguso na lang ako sa kanya, at parang batang umupo ng padabog.
Hindi pa ko tumuloy sa aming kwarto, at nag-punta muna sa toilet para mag-toothbrush. Nasa harapan na siya ng lababo pag-kapasok ko sa loob at tahimik na nag-toothbrush. Tumabi ako sa kanya, at automatic na kinuha niya yung toothbrush ko at nilagyan ng toothpaste.
Ngumiti ako sa kanya at nag-thank you. I always say that even for the smallest thing he's doing for me, maybe I just want to express how grateful I am with him.
Nag-toothbrush lang kame ng tahimik. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero siguro iniisip niya lang kung paano niya matatago yung ice cream sa aming fridge, dahil sigurado kong hindi na niya iyon ipapakaen saken. Napangiti na lang ako ng naalala kong ang dami kong nakaen na ice cream. Nauna siyang natapos, at humarap siya saken, tinaas ko ang dalawang kilay ko at ngumiti sa kanya, showing yung puting bula sa bibig ko, pero seryoso lang siya, kaya naman nag-mumog na rin at agad binanlawan ang aking bibig.
"I would love tha too, babe."
"Huh?"
"I would love to be with you forever and ever and ever. Let's do that, huh?"
Speechless. Nag-bibiro lang ako kanina, pero I mean din naman yung 'forever and ever and ever' na sinabi ko. Hindi ko in-expect na pinag-isipan niya pala iyon. God, siya na talaga yung forever and ever ko.
"He-he, oo ba. Yes, babe. Let's be fearless and weird together forever. I love you forever and ever," I promised.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking noo. He loves to do that, at kung alam niya lang kung gaano ko rin yun kagusto. Nakaka-pang-lambot ng tuhod.
"I love you, kahit pa may mga bula yang bibig mo," tukso niya.
"Babe, sunod ka na after mo ha. Mag-mamahalan pa tayo sa kwarto."
Fudge.
Napatingin ako bigla sa salamin at ng akala ko nakapag-banlaw na ko ng bibig ay nakita ko ngang mayroon pa kong mga bula sa gilid ng aking bibig.
"Forever and ever, babe!" sigaw niya mula sa aming living room. Napatawa na lang din akong mag-isa.
So I woke up the next morning nga ng walang boses. Nag-worried ako bigla ng ma-alala na mayroon pala kong hinihintay na phone call interview. Pagka-gising ay nagmadali akong lumabas ng kwarto. Nakita ko siyang naka-upo lang sa couch at sinubukan kong sumigaw, pero wala talaga. Napatingin siya sa akin habang nag-pipigil tumawa, pero he still failed.
"Awww, poor baby. Sabi ko sayo diba, pero hindi ka nakinig saken." Lumapit siya sakin at hinalikan ang gilid ng aking ulo. Napahiga ko na lang din ang aking ulo sa kanyang dibdib. At I can clearly feel his heartbeat. I want to be the one his heart is beating for. I know that's a selfish thing to say, dahil my heart beats for him also.
I looked up at his face, I want to kiss him so badly, pero kakagising ko lang. At mayroon akong one rule na no kisses in the morning, I know it's a lame rule.
"Water?" tanong niya. Tumango lamang ako at sumundo sa kanya sa kusina. Nag-hintay lang siya sa akin na makainom, habang nakatingin sa akin. Sometimes he make me nervous sa ganoong tingin niya, pero na-e-excite din at the same time. Nilapag ko ang baso sa table, at bigla na lang niya akong niyakap sa aking beywang at nilapit sa kanyang katawan. Napalunok lang ako, at parang nauhaw bigla, pinunasan ko na lang din ang labi ko gamit ang kamay.
Pag-katapos ay hinalikan niya ako. Parang biglang may nagising sa buong katawan ko, lalo na ng naramdaman kong gumagalaw ang kanyang kamay sa aking likuran, at sinabit ko na rin ang aking mga kamay sa kanyang leeg, and just gave in. After ng ilang minuto, ay dahan-dahan niya kong binitawan, at parang dinaig ko pa si Joker sa ngiti ko, and he smiled back.
"Can you try to speak, kasi nag-salin ako ng boses ko sayo eh?" he said while playfully kissing my neck. Hindi ako makapag- focus when he's doing that, but I just choked nung sinubukan ko mag-salita. Napalo ko lang ng mahina yung likuran niya and he chuckled on my neck. I can feel the heat of his breath, and kahit sa ganoon lang ay solved na solved na ang umaga ko. Sige, kahit wala ng boses, basta ganito lang kame.
BINABASA MO ANG
Unbreakable Love
Storie d'amoreSa loob ng dalawang taon, araw-araw bumabalik si Elaine sa coffee shop. Every morning with the same person in her mind. In her heart. Naghihintay siya katulad ng pinangako niya sa kanyang sarili. But what if there is... Someone who came into her lif...