Chapter 1- PAST

70 7 2
                                        

                  

                  

                  

PAST

            Naghahanda kame ng dinner namin para sa special na araw na iyon, ng bigla na lang siyang nag-paalam sa aken na mayroon lang siyang kukuhain sa labas. Minutes later, ay nakatanggap na lang ako ng text niya na "Help, babe!"

Binitiwan ko lahat ng hawak ko at nagmadali akong bumaba mula sa 2nd floor kung saan yung apartment namen together, para puntahan siya.

Pagkarating ko ng baba, nakita ko siya sa may labas ng gate ng building na nakatayo habang nakatungo at naka-pamulsa pa sa kanyang pantalon. Nagmadali akong tumakbo palapit sa kanya.

            "Babe anong nangyare? What's wrong? May masakit ba sayo?" pag-aalalang tanong ko sa kanya.

Pero nung tiningala niya ang kanyang ulo, nakita ko kaagad yung napakalaking grin sa mukha niya, hindi ko napigilan at nahampas ko na lang talaga siya sa braso. Pero I let a sigh of relief. Ginawa lang na naman niya yung paraan niya ng pag-su-surpise na tatakutin muna ko sa umpisa. Pero okay lang sa akin, kahit gawin pa niya yun everyday.

Hindi siya nag-sasalita pero yung saya sa mukha niya ay sobrang nakakahawa kaya napangiti na lang din ako. And then mula sa kanyang bulsa, mayroon siyang nilabas na chain of keys. Pero actually isang susi lang siya, pero yung accessories ay sobrang dami.

Kinuha niya ang kamay ko at inabot sa akin yung keychain, nung tinignan kong mabuti tsaka ko lang na-kilala yung mga nakasabit na accessories: ice cream, pizza, number 1 at 3, wings, music note, at book. Nilibot ko bigla yung mata ko sa paligid, hindi ko alam kung anong i-e-expect ko. A Car? Pero napansin ko yung white scooter sa likuran niya.

              "Babe, what's this? Hindi naman para sa scooter yung susi, diba?" Wala kong alam sa pag-drive ng kahit anong may gulong at may makina, at tanging bike lang ang kaya kong paandarin. Pero sabi nila, parehas lang din daw ang pag-drive ng scooter at bike, pero kahit na ilang beses ipa-alala saken yun, wala pa rin akong lakas ng loob mag-drive.

             Umatras siya at tumayo sa tabi ng scooter. "Of course, para ditto sa scooter yung susi, babe. Happy anniversary, babe! Nung nag-iisip ako ng i-re-regalo sayo, gusto ko na maging special this year, kaya binili ko to."

             "Uhm, kaya lang hindi ito brand new." Nahihiya niyang sinabi saken.

"Ang totoo niyan, kay Mike talaga to scooter, pero mag-ma-migrate na kasi siya sa ibang bansa, kasama yung girlfriend niya. Saang bansa ba ulit yun?---" napatigil at napa-isip saglit.

             "---Nauru!" napasigaw niya na parang Eureka moment.

             "Nauru, what?"

             "Tama, doon nga. Sa Nauru siya mag-ma-migrate. Ayun nga, sa kanya ko to nabili, pero pinaayos ko pa yung kulay niya para mukang bago. Sana magustuhan mo siya. Magagamit mo naman to papasok ng work, papuntang park, papuntang beach, o kaya sa bookstore, para mapabilis yung pagbili mo ng books," sabi niya na parang salesman na nagbebenta ng scooter sa isang customer para magkaroon ng commission.

             Ang totoo hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya nung time na yon, kasi alam kong ang dami na niya tiniis na bagay para sa akin, para bumili pa siya ng mamamahaling regalo na sigurado naman akong mahal pa din kahit na second-hand.

Alam naman niya na masisiyahan ako kahit anong regalo ang ibigay niya sa akin. Samantalang yung regalo ko sa kanya na isang lingo ng nakatago sa ilalim ng kama namin,  ay ginawa ko lang at inipon sa isang karton yung ibang pictures namin at sumulat lang ng mga love letters.

Hindi ko namalayan na napatahimik pala ko kakaisip sa regalo niya, at nang tumingin ulit ako sa kanya, bakas yung pag-a-alala sa kanyang mukha. Hinawakan niya ang mga balikat ko at pinisil ng mahina.

"Babe, hindi mo nagustuhan?" sambit niya.

             "What? No! I mean oo nagustuhan ko syempre. Sobrang salamat sa gift na to, babe. Kaya lang alam mo naman na hindi mo naman ako kailangan regaluhan ng ganito para maging masaya ko, diba? Ikaw pa lang solved na ko eh!..." Salamat at napangiti ko rin siya.

             "...diba? I mean sigurado kong mahal to. Saan mo nakuha yung pera pambili nito, tsaka mas magagamit natin yun pang-dagdag ng savings natin..."

             "Babe, sshhh. Slow down. Hold your horses. Don't worry about the money, nagkaroon ako ng extra income last month, kaya ayun yung ginamit ko at nakapag-save din ako sa banko. At actually pumayag din si Mike na bayaran ko yung kulang ko ng hulugan," sabi niya and he winked at me na lalo naman nakapag-pa-gwapo sa kanya.

             "I want to make you happy and give you things like this pa rin, kahit na I'm not the richest guy out there."

             "Hmmp, what made you think that? I don't care kung ikaw  pa yung pinaka-mahirap na tao, basta sayo lang ako. Ikaw lang yung gusto ko." At bago pa man siya tuluyang madismaya sa unang reaction ko, na pinagsisihan ko na rin, lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Narinig ko yung pagbuntong hininga niya, "Whew, kinabahan ako na hindi mo talaga siya tatanggapin, nag-iisip na tuloy ako kanina kung paano ko makokontak si Mike sa Nauru." At napatawa na lang kaming dalawa.

Tumayo lang kameng dalawa sa tabi ng scooter, habang nakatingin dito at habang tumatagal, na-a-appreciate ko na rin talaga yung  gift niya, at na-imagined ko na rin yung sarili ko habang nakasakay sa scooter.

             "Hmmm, kaya lang babe, lam mo naman na hindi ako marunong mag-drive ng scooter diba?" nakangiti kong sinabi sa kanya.

             "Yes, I know that. And I know for sure na alam mo rin na magaling akong mag-tutor. Remember yung after class Science sessions naten nung college pa tayo?"

             "Ha-ha, yes. Akala ko nga makikipag-break ka na saken sa sobrang slow ko eh."

             "Ha-ha, no way..." Humarap siya sa akin, at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, at biglang sumeryoso ang mukha.

"Babe, even if there is no gravity on earth, I'd still fall for you." Sabi niya sabay halik saking labi. Ramdam ko yung ka-sweetan nung sinabi niya sa mga labi niya.

             "Ha-ha, OMG, ang corny mo, pero ang gwapo pa rin. Hmmp, kainis ka. Tara na nga." Habang naglalakad pabalik ng apartment, "Babe, sa tingin ko kailangan naten siya bigyan ng name." At lalo ako na-excite na gamitin yung scooter.

             Nag-isip siya saglit habang naka-akbay siya sa akin, at nakayakap ako sa kanyang beywang. "Nauru!" napasigaw niyang sambit, just like another Eureka moment.

             "Nauru, short for Nauruberto. Oks ba yon?"

             "Haha, bakit may ruberto pa? Sige Nauru na lang."

             "Okay, boss. Ikaw ang masusunod. Nauru na lang ang name niya." sabi niya sabay halik sa aking noo.

             "Yehey! Nauru diyan ka lang ha! Papasyal pa tayo bukas!" sigaw ko mula sa loob ng building.

Unbreakable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon