PRESENT
"This is going to be the coolest party, sigurado yan! I-invite na rin natin yung mga old pals niya, pag-suotin natin sila ng mga costume," suhestiyon ni Miles. Naririnig ko lahat ng sinasabi niya dahil sa napaka-lakas ng boses niya, at kinakailangan pa siyang pag-sabihan ni Nay Margaret na hinaan ang kanyang boses.
"Eh, bakit kailangan naka-costume pa, hindi pa naman halloween ah?" tanong ni Twinkle.
"Alam ko naman, pero bakit sa halloween lang ba pwedeng mag-costume? Masaya yun, at tsaka they can wear anything they like."
"Kuya Miles, kung yung tinutukoy mo na mga old pals ni Tay Gary, eh mga kaedad niya na yun. How do you expect na mag-suot sila ng costume na pizza?" sagot ni Twinkle at hindi ko naman mapigilan ang hindi matawa, napatingin sa akin si Miles at agad naman akong tumigil sa pag-tawa at bumalik sa pag-babasa.
"Ehem, kung sa tingin mo ay meron kang mas magandang idea, eh pwede ka naman pumunta dito at pag-usapan natin," sabi ni Miles.
"No, okay na ko dito. Kayo na lang ni Twinkle ang mag-usap about that."
After ng mahaba nilang diskusyon, napag-desisyunan nilang i-celebrate ang 75th birthday ni Tatay Gary in a vintage-themed. At dahil doon ay nagkaroon lang lalo ng dahilan si Miles para bumalik sa shop araw-araw, dahil nag-volunteer siya sa mga preparations para sa birthday party.
Isang hapon, 1 week bago ang birthday party, habang kanya-kanya kaming abala sa mga gawain namin, ay bigla na lang lumabas si Tay Gary mula sa kusina.
"Sa tingin ko, gusto ko ng makita si Jamie! Pwede ko ba siyang i-invite sa party?" sambit ni Tay Gary. Pagkasabi niya ay halos sabay kami tumayo ni Twinkle at tumakbo kaming dalawa sa kanya para yakapin siya.
"Oh my god, syempre naman Tay Gary! Pwedeng pwede! I-invite natin si Jamie sa party mo, sa tingin ko naman time na para magkita kayo ulit," excited kong sabi. Hindi ako mapigilang hindi maging excited para sa kanilang reunion. Jamie, is Tay Gary's ex-lover. Nakwento siya sa amin ni Tay Gary before at sabi niya ay nagka-hiwalay daw sila dahil masyado daw silang parehas, at hindi na daw talaga sila pwedeng magsama pa, pero sa araw-araw ay nakikita ko pa rin kay Tay Gary na nami-miss niya si Jamie. Hindi ko pa nakita si Jamie sa personal, puro sa mga pictures pa lang na pinakita sa amin dati nung nasa college pa sila.
Minsan hindi ako makapaniwala na mayroon talagang ganoong love story, pero na-proved sa akin ni Tay Gary na it really exists tuwing naku-kwento niya si Jamie sa amin.
"So, kailan natin pupuntahan si Jamie? Meron ka pa ba nung address niya?" tanong ko sa kanya.
"Oo, meron pa rin naman, at gusto ko na sana siyang puntahan ngayon. Ngayon na sana, bago pa ko mawalan ulit ng lakas ng loob. Ahh, pwede mo ba 'kong samahan, Elaine?"
"Are you kidding me? Syempre naman, Tay. Sige, ligpitin ko lang yung gamit ko, tapos tatawag tayo ng taxi sa labas," sagot ko.
"Uhm, wait. I think I have a better idea, mas okay siguro kung ihahatid ko na lang kayo gamit yung kotse ko," sabat ni Miles. "At hindi ka pwede humindi, Elaine. Dahil si Tatay Gary yung tinatanong ko," dagdag niya sabay ngiti sa akin.
"Ahh, oo nga, sa tingin ko mas okay kung doon tayo sa kotse ni Miles. Para makapag-isip na rin ako. Basta lang ba 'di kayo mag-aaway na parang aso't pusa, Miles? Dahil baka pauwiin ko na lang kayo," sagot ni Tay Gary at tumango lamang si Miles.
Tumingin naman si Miles sa akin, expecting for a respose at syempre ano pa bang magagawa ko, "Okay Tay, let's go," I rolled my eyes kay Miles, pero nginitian lang niya ako.
BINABASA MO ANG
Unbreakable Love
RomanceSa loob ng dalawang taon, araw-araw bumabalik si Elaine sa coffee shop. Every morning with the same person in her mind. In her heart. Naghihintay siya katulad ng pinangako niya sa kanyang sarili. But what if there is... Someone who came into her lif...