Chapter 4-PAST

16 3 0
                                    

PAST

I'm riding shotgun sa kanyang kotse, and papunta kami sa isang lugar na mukang wala siyang balak sabihin sa akin. Napagod ako sa work kanina, kaya nag-biro ako sa kanya sa text kanina at sinabi ko na 'Help! Get me out of here'. Joke lang naman yun, kaya nagulat na lang din ako ng maya-maya ay tawagin ako ng aking boss, at sinabihan ako na umuwi muna dahil mayroon akong emergency.

Pagka-labas ko ng building, nakita ko kaagad siya. Nakatayo siya sa tabi ng kanyang kotse, habang nakangiti sa akin. "Okay, so ito yung emergency ko.", napa-ngiti na lang din ako sa kanya. Yung mga titig niyang nakaka-tunaw, kaya tumakbo na ako palapit sa kanya.

"Hi, babe! May nag-text kasi sa akin na nang-hihingi ng tulong, kaya nandito ako. So, tara na?" sabi niya sabay labas ng isang box ng pizza na nakatago sa kanyang likuran. It's just a one-piece pizza only for me. Napatawa lang ako at niyakap ko siya kaagad.

"Oh my god, you know me so well, it's scary. Ha-ha. Pero anong sinabi mo sa boss ko?"

"I told her that I was drowning," he said.

"What?--''

"Because you keep me drowning in your love," sabi niya in tuned of the Backstreet Boys' Drowning song.

"Oh my god, you're unbelievable. Siguradong mayayare ako nito bukas sa office, pero 'di bale na. Ang importante ay nag-mamahalan tayong dalawa."

Napatawa lang siya ng malakas, at sinabayan ko na rin siya.

"Ha-ha, babe, sa'yo yata ko nahahawa ng ka-cornyhan." Pinalo ko lang siya sa kanyang dibdib. Niyaya ko na rin siyang sumakay ng kotse bago pa man may makakita sa'kin at sa 'king 'emergency'.

Kumakaen ako ng pizza, habang pinapa-tugtog niya yung favorite kong band, na naging favorite na rin niya. I really love this band, sobrang emosyonal lang din kasi ng mga kanta nila, na para bang makaka-relate ka sa bawat kanta, kahit hindi pa naman nangyayari sa'yo, tapos yung boses pa ng vocalist na si Sarkie na sobrang ganda at sobrang nakaka-in-love.

"Awww..favorite song ko na, babe. Ssshhh.." Habang nag-da-drive siya at makiki-sing-along naman ako kay Sarkie, with full hands gesture and facial expressions pa.

Hindi ko na rin namalayan kung gaano na kami kalayo, dahil tuloy-tuloy lang ang pag-drive niya at hindi na rin naman ako nag-tanong pa, dahil sa kahit ganitong moment lang na mag-kasama kami ay masaya na ako.

"Oh, favorite ko naman, babe.. Sshhh..moment ko naman." Sabi niya at pagkatapos ay sasabay siya pag-kanta, habang ako naman ay naka-tingin lang sa kanya, na dinaig ko pa si Rapunzel sa sobrang haba ng hair ko. Bakit ganoon, alam mo yung nakaka-kilig yung lalaki na may magandang boses, pero kahit hindi maganda yung boses niya ay sobrang nakaka-kilig pakinggan.

He ends the song and sealed me with a kiss.

"I love you, babe," ang tangi kong nasabi.

"You know I love you more...Wait..may gagawin lang ako." Sabi niya at huminto ang kotse namin sa harapan ng walking lane, at nag-kulay red na ang traffic lights.

"Ano 'yung gagawin mo?" Imbes na sumagot ay nginitian lang niya ako, at lumabas ng kotse. Binaba ko yung salamin sa may pinto ng kotse. Tumayo siya sa may harap ng kotse, habang may mga taong nagtatawiran.

30 seconds

29..

28..

"Babe anong ginagawa mo? Ha-ha" Sabay kaming tumingin sa time ng stoplights.

23...

22...

"I LOVE YOU, ELAINE!!! BE MY FOREVER?" sigaw niya, kaya lahat ng tao ay nag-tinginan sa kanya at hinahanap yung Elaine na tinutukoy niya, at ng makita nila ay nag-palakpakan sila.

19...

18..

17..

"YES! YES! YES!" Pagkarinig ay nagmamadali siyang tumakbo ng kotse, at hinalikan niya ako sa aking labi.

"Thank you, babe! Hehe, let's go!"

"Wait, wait, yung buhok ko naipit."

"Huh?Saan?"

"Ha-ha, bigla kasi humaba yung hair ko eh." Napatawa na lang siya ng malakas at nag-drive na ng mag-green ang stoplights.

*********

Natapos na namin yung isang album ng Commoners, at inulit pa ulit namin. Pero nag-da-drive pa rin siya.

"Yung totoo, babe, saan tayo pupunta?"

"Hmm, bakit ko sasabihin?"

"Ahh, oo nga bakit mo naman sasabihin, diba?"

Tumawa lang siya.

Maya-maya ay ini-stop ko na yung player ng kotse niya habang kumakanta siya.

"Oh, bakit mo pinatay?"

"Hmm, wala lang. Bigla ako naiinis, kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin sila napapanood ng live. Waaah, how I wish na mapanood ko sila."

"Uhmm, babe?"

"Hhmm?"

"Paano kung sabihin ko sayo na half-genie ako, mamahalin mo pa rin ba 'ko?"

"Ha-ha, genie?"

"Oo, kasi I can make your wish come true."

"Hmm, sige nga, what wish?"

"Ano ba yung wish mo kanina lang?"

"Mapanood ng live yung Commoners?" biglang nagbago yung mood ko at sobrang na-excite ako.

"Okay, sige. Close your eyes."

"No, you're not serious! Anong gagawin mo?"

"Basta close your eyes na." Sinunod ko na rin at pinikit ang aking mata. Naramdaman ko naman na bumagal ang andar ng kotse at tumigil ito. Maya-maya ay may inabot siya sa kamay ko, at naramdaman kong papel ito.

"Okay, open." Pagdilat ko ay tinignan ko kaagad ang papel, at bigla akong napa-sigaw.

"Nooo WAY!! Totoo ba 'to? Is this a ticket, babe?!" Tumango lamang siya.

"Yes, I got two tickets for the Commoners one-night performance. Look," sabi niya sabay turo sa labas ng kotse, at totoo nga dahil pag-lingon ko ay isa lang ang bumungad sa akin. "Tonight: Commoners @ 7pm (One night only)"

"Oh my god. Thank you babe. Sobrang thank you." Naiyak naman ako sa sobrang tuwa, at agad ko siyang niyakap.

"Okay, let's go na. Are you ready?"

"Sobrang YES!!"

It was one of the best nights of my life ever.




Unbreakable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon