PRESENT
Saktong tumapat ng Friday the 13th ang birthday ni Tatay Gary, at ang totoo niyan ay I used to love that day, dati na-eexcite ako dumating ang araw na iyon, pero hindi na ngayon, I lost the excitement, the thrill of it sa lumipas na dalawang tao. Para sa akin isa na lang itong ordinaryong araw na kinakatakutan ng karamihan at kadalasan pang ginagawang excuse sa kung ano mang mangyaring hindi maganda sa araw na iyon.
Apat na araw ko ng hindi nakikita si Miles, pero it feels better na rin dahil sa tingin ko ay kailangan ko na rin ng space mula sa kanya. Pero sa tuwing naririnig ko ang tunog ng bell at sa paglingon ko sa pintuan katulad ng nakasanayan ko, this time siya yung inaasahan ko na papasok, pero apat na araw na nga akong bigo. Nabanggit ni Tommy na hindi raw makakapunta si Miles for some personal reason.
"Ate Elaine, nag-text pala ulit si kuya Miles kanina at sabi niya hindi daw siya ulit makakapunta ngayon, sabi niya may gagawin lang daw siya," paalala na naman sa akin ni Tommy bago ako umalis sa shop.
"Ahh, bakit mo sinasabi sa akin?"
"Huh? Ahh, akala ko gusto mong malaman kasi akala ko hinahantay mo siya eh, at tsaka sinabi niya saken na sabihin ko daw sayo," sagot niya.
"Uhm, una sa lahat hindi ko siya hinahantay at tsaka..."
"Hmm, sige sabi mo eh. Sige Ate una na ko." Hindi na niya ko pinatapos sa sasabihin ko at inunahan pa kong lumabas ng shop.
Napailing na lang ako. Hindi ko rin talaga ko makapaniwala na iniisip ni Miles na interesado akong malaman kung anong dahilan ng hindi niya pagpunta sa shop. Pero syempre si Miles siya eh, graduated sa Assumption College major sa Bachelor of Assuming of Everything. Napangiti na lang din ako sa naisip ko, minsan pakiramdam ko mas nakakatawa yung mga joke na sinasarili ko lang.
Ngayong araw ay Wednesday at konti na lang ang preparasyon para sa birthday ni Tatay Gary kaya napilit na rin ako ni Chloe na pumunta ng mall para mamili ng susuotin namin. Naging instant personal stylist ko na si Chloe. Minsan din talaga napapabago ng love ang isang tao, pero nasa sa tao pa rin ito kung pipiliin nilang magbago for the better or worst. Pero ang tingin ko naman kay Chloe ay nasa tamang track lang siya, she's starting to change for the better, mas nagging confident and open na siya sa kanyang feelings. She's wearing her heart on her sleeve right now, but I can't blame her rin naman. That's love eh.
Pagkagaling sa C&J shop ay dumiretso na nga ako sa napag-usapan namin ni Chloe. Pagkakita niya sa akin ay hinatak niya kaagad ako sa may department store ng mall, talagang na-excite siya sa party lalo na ng malaman niya ang theme. Minsan din talaga hindi niya matatago ang kanyang pagiging old soul. Ang hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit pinag-pilitan ni Miles ang themed-party, bakit hindi na lang kasi i-celebrate ng nakasuot ng normal na damit para mas comfortable, pero mukang nagustuhan nila lahat yung idea kaya sumang-ayon sila. Nag-eenjoy silang lahat pati na si Nay Margaret at maging si Tay Gary ay excited na, kaya kung para sa ikakasaya nilang lahat ay okay na rin sa akin.
Konti na lang ay mahihilo na ako sa ilang beses naming pag-ikot ni Chloe sa isang Women's clothes section pa lang ng department store, kaya tumigil muna ko sa tapat ng isang full length mirror para mag-ayos na rin ng may makita ako sa reflection ng salamin. Tumalikod ako sa salamin at may nakita nga akong pamilyar sa aking mata banda sa swimwear section. Ang likod lamang niya ang nakikita ko mula sa aking pweso, pero kahit anong anggulo pa man ay makikilala ko kung sino siya. Hinabol ko siya ng tingin hanggang sa nagkabanggaan na kami ni Chloe.
"Oops, sorry ate. Ito kaya i-try mo, parang bagay sayo yung color nito, tsaka...Uhmm, sinong tinitignan mo?" sambit ni Chloe.
"Ate? Hello? Sino bang hinahaba ng leeg mo?" tanong niya sa akin, at sinundan na rin kung saan ako nakatingin.
BINABASA MO ANG
Unbreakable Love
RomanceSa loob ng dalawang taon, araw-araw bumabalik si Elaine sa coffee shop. Every morning with the same person in her mind. In her heart. Naghihintay siya katulad ng pinangako niya sa kanyang sarili. But what if there is... Someone who came into her lif...