PAST
Ngayong gabi na ang pinaka-hihintay kong 25th annual Halloween party ng book club sa aming campus, at ngayong taon they want it to be more special, kaya naman gaganapin ito sa labas ng aming campus sa Grand Opera Hotel, bandang Quezon City. Isa ito sa mga party na inaabangan ko dahil talagang malapit ako sa bawat miyembro ng club, pati na rin sa mga officers. Pero ngayong taon ay nag-alangan ako dahil parang nahiya naman akong bumiyahe ng naka-costume, at ngayong taon I decided na mag-suot ng something dark and black, kaya napili kong maging si Morticia Addams from The Addams Family.
Kaya naman nahirapan din akong pumara ng taxi habang naka-costume, lalo na sa lugar na hindi naman lahat ng tao ay naka-costume. The struggle is real ika nga. Pero after ng halos 30 minutes na pag-hihintay ay nakahanap na rin ako ng taxi at ng pag-pasok ko ay tinitigan lang ako ng driver sa kanyang rearview mirror.
"Grand Opera Hotel po. Sa may Quezon City po, kuya," sabi ko. Sa tingin ko nasobrahan yata ang make-up at costume ko, dahil hindi nag-salita ang driver at sumusulyap lang ito sa akin sa buong byahe. Yung costume ko kasi ay parang someone na hindi mo kaagad makikilala, naka-suot ako ng mahabang black at straight na wig, kulay black na damit na, na long sleeves na nabili ko sa ukay-ukay malapit sa campus, at ang make-up ko ay kulay black na lipstick, eyeshadow at brown na blush at bahagya kong pinaputi yung mukha ko, so para lang akong isang baliw na babae.
Nakarating naman din ako sa venue ng sakto lang, at naroon na rin naman ang ibang co-members ko at ibang mga studyante dahil open rin naman ang party sa kahit hindi member ng club. Hinintay ko yung mga kaibigan ko sa may entrance, dahil ang usapan namin ay sabay kaming papasok sa loob, pero mukhang ma-le-late sila, kaya nag-text na lang ako sa kanila na mauna at mag-save ng table para sa amin.
Pagka-pasok ko sa loob ng venue, ay napatulala na lang ako. Everything looks magically scary, if that even made sense. Yung buong floor ay mayroong special effect na usok or fog. Mayroong malalaking bilog na mesa everywhere filled with delicate at sophisticated na kandila (with fake lights), an exquisite set of plates and utensils, at kung titingala kay ay makikita mo yung mga nakalutang na puting tela na parang mga multo. Sa gilid ng kwarto ay mayroong mga kabaong na nakatayo na kung saan ay pwede kang pumasok sa loob at magpa-picture. No way, hindi ko gagawin yan, naisip ko.
Habang nag-iikot pa ako ay nakita ko yung ibang table na mayroong mga kalansay na naka-upo. Bawat table ay mayroong chandelier na nakasabit sa ibabaw na mayroong mga spider webs. Sobrang effort talaga yung decorations nila at actually kinilabutan na rin ako, dahil baka hindi ko na ma-de-determine kung mayroon na palang totoong multo na naka-sabit or gumagala sa kwarto. After ng ilang minuto ay napuno na rin ang kwarto at dumating na rin ang mga kaibigan ko at nag-tabi na kami sa table na napili ko.
Mayroong program ang party at sobrang nag-eenjoy din ako with good music at masasarap na pagkain (na Halloween din ang themed). Pero lumabas na rin ako ng kwarto dahil kailangan ko ng gumamit ng banyo, at gusto ko na ring maka-langhap ng sariwang hangin, dahil parang nahihilo na rin ako doon sa smoke effects.
Nag-lalakad ako sa hallway ng mag-isa at kahit dito ay themed-coordinated pa rin. Yung ilaw na patay-sindi at mayroon ding smokes na naka-abot at gumagapang sa sahig. Sa dulo ng hallway ay may nakita akong isang lalaki na naka-sandal sa pader, habang naka-yuko. Hindi ko siya makilala without moving closer, kaya nilapitan ko siya, pero naisip ko na baka props lang din iyon. Pagka-lapit ko ay dahan-dahan kong hinawakan yung braso niya, pero wala namang nangyare, or hindi naman siya nag-react. Kaya naisipan ko ng umalis, pero nung pata-likod pa lang ako ay naramdaman kong may humawak sa isa kong braso, kaya naman napasigaw ako.
BINABASA MO ANG
Unbreakable Love
RomanceSa loob ng dalawang taon, araw-araw bumabalik si Elaine sa coffee shop. Every morning with the same person in her mind. In her heart. Naghihintay siya katulad ng pinangako niya sa kanyang sarili. But what if there is... Someone who came into her lif...