PRESENT
Sabi saken ng mama ko 'light', ayan daw yung meaning ng name ko. Pinanganak niya raw ako ng daytime, at para sa kanilang dalawa ay nag-liwanag daw ang buhay nila simula ng dumating ako sa buhay nila, kaya Elaine ang binigay nila sa'kin. Pero ako lang din ba ang dapat mag-liwanag sa ibang tao? Kasi pakiramdam ko mas kailangan ko siya ngayon.
Nagising na lang ako ngayong umaga sa madilim kong kwarto, and longing for my box, pero hindi ko matandaan kung saan ko siya huling nilagay. Konti na lang maiiyak na ko, kasi hindi pwedeng mawala yung box na 'yon, dahil ayon na lang ang tanging patunay na dumating siya sa buhay ko. Na once in my life ay mayroong isang taong nag-mahal sa akin, at once in my life I became the happiest person on earth.
Sa loob ng isang linggo, we are obliged na pumunta sa office for "reporting" purposes, that's every Monday and Thursday. Pero ang hindi ko maintindihan ay hindi naman kami nag-re-report ng kahit ano sa boss namin, at kapag pumupunta kami ng office, makiki-pag-kwentuhan lang siya sa amin about something else. At bago lumabas ng kwarto, tsaka lang siya mag-tatanong at the very last second ng about sa book na binabasa namin. At sasagutin ko lang din siya ng mga katagang "doing good", or "it's okay", or "almost done" at ngingitian, then she will always answer, "That's good to know, email me. Don't forget the deadline."
Since last week, palagi ng pumupunta si Miles sa shop, minsan pa nga ay mas maaga pa siya sa akin. Wala siyang na-miss na kahit isang araw. Hindi na rin ako na-surprise, after what he told me last week. Ang ikinagulat ko ay yung pagiging tahimik niya at hindi niya pangungulit katulad ng inaasahan ko, pero I felt relief na rin, dahil I can read in peace. Siguro sumuko na rin siya sa akin.
Isa pa sa nagbago ay naging biglang matao ang shop na hindi lang basta tumatambay, dahil umoorder din talaga sila. Kaya lang karamihan ng pumupunta sa shop ay mga babae, yung iba ay mga babaeng naka-suot pa ng school uniforms na papasok sa shop habang nag-tatawanan at nag-nanakaw ng tingin sa kanya. Kapag nakikita ko yung ganoon ay, automatic na lang napapa-roll ang eyes ko, but the thing is hindi man lang siya tumitingin sa mga babae na 'yon, he's humbly unaware that those girls are trying to catch his attention.
Pero naiintindihan ko naman yung mga babaeng pumapasok sa shop, dahil sino ba naman ang hindi magiging interesado sa isang lalaki na tahimik na nag-babasa mag-isa. Yung porma pa lang niya na very casual pero ang lakas ng dating, yung buhok niya na parang 'I woke up like this' , pero ang gwapo pa rin niya.
Tuwing darating siya, kakausapin niya lang ako para manghiram, actually hindi mang-hiram, dahil hindi naman ako pumapayag, pero basta na lang siyang kukuha ng libro at pupunta sa pwesto niya, at mapapansin ko na lang na ang sama na ng tingin sa akin nung mga babae sa paligid. It irritates me because I'm being a target because of him.
Kaya naman naging biglang abala yung mga tao sa shop, lalo na si Gary na araw-araw hyped mag-trabaho at mukhang nakabuti naman sa kanya dahil naging maaliwalas ang kanyang mood. Pero kapag may free time si Gary, he will sit down kasama si Miles sa isang table at magku-kwentuhan na parang matagal ng magka-kilala, they instantly became a talking-buddy. At ang totoo niyan ay nakakatuwa sila panoorin, at masaya ako para kay Gary.
Miles will come and go araw-araw, at ang unang gagawin niya ay pupunta sa table ko at kukuha ng libro. Minsan inuuwi niya yung book, at wala na rin akong magawa kundi hayaan siya para lang hindi na siya mangulit. Ang totoo niyan, pwede naman na akong hindi mag-dala ng extrang book, para lang wala na siyang mahiram sa akin, pero tuwing bago ako umalis ng bahay tapos nakikita ko yung mga books sa office table ko, siya kaagad yung naiisip ko. At tsaka sobrang nakaka-enjoy siya panooring mag-basa, madalas tahimik lang siya, pero minsan magugulat na lang ako dahil bigla siyang mapapatayo, mapapa-suntok sa hangin, mapapa-mura, at mapapa-tawa ng malakas. Minsan pa nga sa sobrang tuwa niya sa binabasa niya, ay hindi niya mapigilang mang-spoil, kaya pandidilatan ko lang siya ng mata at kaagad naman siyang tumatahimik habang tumatawa.
At ng akala ko ay okay na kami sa "no-talking-just-read-and-do-not-disturb-me" set-up ay lumapit na naman siya sa akin. Umupo siya sa harap na upuan at may nilapag sa aking table. Hindi ako sa kanya tumingin, instead tumingin ako sa paligid at nainis na naman ako sa nakita ko, dahil yung mga babae ay nag-bubulungan at timitingin sa aming dalawa.
"Ano na naman?" bulong ko sa kanya.
"Bakit ka bumubulong? Anyway, may binigay na ticket sa akin yung isang kaibigan ko sa hospital. And guess what?---" huminto siya at mukang nag-e-expect ng sagot ko.
"I don't want to guess. And I'm not interested." Tabla ko sa kanya.
"Tsk. Of course you're going to say that, but not until malaman mo kung para saang ticket 'to." Actually nakita ko na yung ticket noong nilapag niya, at concert tickets ito.
"Okay, look! Tickets for two para sa mini-band concert sa Friday. At ang pinaka the best part ay, nandoon yung favorite kong banda. Syempre one for you at one for me." Sobrang saya ng mukha niya at bakas talaga yung excitement niya.
"You know I'm not coming with you. I told you before already, we're not going to any date," bulong ko.
"What? It's not even a date. It's just two matured and open-minded people hanging out. No strings attached... But really? Why are you whispering? Do you want it to be a secret?"
"Ugh, I'm whispering dahil gusto ko pang maka-labas sa shop na 'to ng buo pa ko." Kumunot lang ang kanyang noo at mukhang clueless talaga siya.
"Sorry, bakit hindi ko 'yon na-gets? But okay, is it a yes or no?"
"You already know my answer to that." Sabi ko sa aking normal ng boses.
"Hindi ko maintindihan. Why are you fighting back? Are you simply a man-hater or – " biglang nagbago yung expression ng mukha niya at napatigil "—no, don't tell me na..uhmm, wait ano bang tawag don? Uhm.. leslie. Ayun. Don't tell me na leslie ka?" bigla nyang pabulong na sinabi.
"Anong leslie?"
"Leslie, hindi mo alam? Pero alam mo yung word na booknapper?"
"Hmmp, whatever."
"Okay, okay. Sorry. Leslie, meaning lesbian."
"OMG, I can't believe na ganyan kakitid ka mag-isip."
"Hmm, okay, so hindi ka leslie." At napatango na lang siya habang nakangiti sa akin.
"Or, maybe you're one of those who are stuck? Yung mga hindi maka-move-on sa mga ex-lover?" Dagdag niya. Tinitigan ko lang siya ng masama at akmang tatayo, pero pinigilan niya ako.
"Alam mo, hindi ko kailangan sagutin mga tanong mo. Pwede ba tumigil ka na!"
"Okay, sorry about that. Kasi you'll regret not watching this band. This is a really good band, their songs are pretty cool and awesome. You're surely going to enjoy them. Kaya gusto ko sanang mapanood mo sila." Napa-iling na lang ako at bumalik sa pag-babasa.
"Kaya lang alam mo, ang nakaka-lungkot lang ay underrated 'tong banda na to. Narinig mo na ba yung bandang Commoners?" tanong niya.
Sigh.
"I have no idea kung sino sila. Kaya lalong No! Sorry, but I'm really not going anywhere with you. Try mo na lang ibigay sa iba yung ticket, or si Tay Gary na lang yung yayain mo, besides mukhang sobrang close na kayo ngayon eh."
"Ooh, kaya pala! Yun ba yung dahilan? Dahil ba kay Tatay Gary? Nag-seselos ka ba sa kanya? Tsk, bakit ba hindi ko yun napansin?"
Ugh.
I rolled my eyes at tuluyan ng tumayo. Mukhang kakailanganin ko na talaga ng sariwang hangin. Pero mabilis din niyang hinawakan ang kamay ko. Napatigil din naman ako, dahil para kong nakaramdam ng kuryente, kaya agad ko ding piniglas yung kamay ko.
"God, can you stop it? Ugh, I'm just going to pee."
He sighs. "Do you even know other words, aside from 'no' and 'stop' Like any positive words?
"Yes." Sabi ko sabay lakad palayo sa kanya.
I lied.
Sinabi kong hindi ko kilala yung Commoners. Pero I know them.
I love them.

BINABASA MO ANG
Unbreakable Love
RomanceSa loob ng dalawang taon, araw-araw bumabalik si Elaine sa coffee shop. Every morning with the same person in her mind. In her heart. Naghihintay siya katulad ng pinangako niya sa kanyang sarili. But what if there is... Someone who came into her lif...