PRESENT
Feeling ko naman matatapos ko ang gawain ko ngayong araw, kailangan ko lang mag-focus at ng tamang time management.
Yung pag-sulat ng what-you-think-about-the-book-that-you've-read-part ay madali lang sa akin, dahil ang aking number one rule sa aking work ay mag-sulat kaagad ng review right after kong mabasa yung book, para fresh at genuine ang mabigay ko.
Pero minsan natatagalan din talaga ako sa pagbasa ng book, kasi hindi mo naman pwedeng madaliin yung pag-babasa ng book, right? Tsaka ako yung type ng reader na hindi nagbabasa in one-sitting, mas gusto kong basahin siya ng paunti-unti, yung para bang mayroon akong inaabangan araw-araw, katulad na lang ng pag-aabang mo ng iyong favorite teleserye gabi-gabi.
Pero yung "deadline" sa aking work, ang parang patunay na totoong trabaho nga yung ginagawa ko. Yung deadlines yung patunay na I have a legit work.
Pero sa totoo lang, I have the coolest job ever, dahil na rin sa sobrang convenient nito sa aking part. Ang kailangan ko lang ay isang lugar kung saan ako pwede mag-basa at mag-sulat, pero ayun nga except sa deadlines.
Actually mayroon naman nilaan na place sa amin yung publishing company na pinag-ta-trabahuhan ko at ito yung sa opisina namin. Katulad lang ng typical na opisina, mayroong isang desk, isang computer, isang picture frame (mine is empty) at tambak na papel sa ibabaw ng desk.
Kaya lang hindi naman yun yung na-i-imagine kong lugar para mag-basa at mag-sulat. I actually love to read sa aking malambot na kama, suot ang pinaka-comfortable kong t-shirt (na hindi talaga sa akin), kasama ang aking pusa na si Queen Bee (except wala naman talaga akong pusa).
Good thing, na ang boss ng aming boss ay ginawang optional kung gusto namin mag-work sa office or kung saang gusto naming lugar. Sinabihan niya kame before na "Go outside! Read and write at the park, read on the bus, at the train, at the elevator where you're stuck, just make sure lang na hindi kayo ma-stuck sa araw ng deadline" Always. Palagi na lang nag-end sa salitang deadline lahat ng reminders niya sa amin. Pero sa totoo lang, hindi naman applicable yung mga nabanggit niya para sa reader na mayroong deadline, bagay lang yun pang-Instagram at Pinterest, dahil ang daming destructions ng mga lugar na nabanggit niya.
Kaya naman hindi ako lumabas ng opisina namin para maghanap ng perfect place, pero natagpuan ko na lang yung sarili ko sa isang lugar na I can call home and my sanctuary, at ito yung Coffee and Jazz shop. Isa itong coffee at cake shop, maliit lamang ito, pero that makes it more special dahil mayroon itong intimate ambiance, na para bang lahat ng tao na nasa loob ay isang barkada lang or family talaga. Matatagpuan lang ito sa dulo ng isang busy street.
Kaya lang after ng ilang beses na pagpunta ko, nakakapagtaka na hindi na matao ang shop, not until natikman ko yung mga bago nilang mga binebenta. Hindi ko alam pero naging kakaiba na yung lasa ng mga pagkain nila, at ngayon ay wala ng cakes sa menu nila, puro tinapay at kape na lang.
Hindi naman ako kumakaen ng tinapay ng walang kape, and I'm really not a coffee-person. I'm more on sa water at fruit juices or smoothies. Kaya minsan hindi ko alam kung ano pang binabalikan ko sa C&J kung wala naman akong inoorder mula sa menu nila, pero sa araw-araw na pag-punta ko, nakaramdam ako ng tahanan sa piling ng mga taong nakakasama ko sa shop.
Mayroong apat na tao sa shop na talaga namang napalapit na sa aking puso.
Tay Gary, ang pseudo-owner. Masungit pero sweet din naman.
Twinkle, ang makulit na helper sa shop.
BINABASA MO ANG
Unbreakable Love
RomanceSa loob ng dalawang taon, araw-araw bumabalik si Elaine sa coffee shop. Every morning with the same person in her mind. In her heart. Naghihintay siya katulad ng pinangako niya sa kanyang sarili. But what if there is... Someone who came into her lif...